Chapter 8

65 4 4
                                    

     Malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga manonood sa Orchestra ng matapos sila magperform. Inalalayan ni Kaede na makatayo si Haruko mula sa blanket na nakalatag. "Hawakan mo braso ko" wika ng binata, ginawa naman iyon ni Haruko. Sa kanang braso ni Kaede nakahawak ang dalaga. Naglibot libot pa sila bago dahil may mga booth na open. "Ano mayroon dito? Maaari mo ba idescribe sa akin, Rukawa-kun?" tanong ni Haruko. Ginawa naman ito ni Kaede ipinaliwanag n'ya ang mga stalls na makikita "Hanggang 2:00 am sila open. 2 beses sa isang buwan at every first and last saturday ang kanilang schedule". Nag nod naman si Haruko, marami s'ya naamoy na iba't ibang pagkain "Malapit tayo sa takoyaki stand" comment ng dalaga. Hindi na nabigla si Kaede dahil alam na n'ya na matalas ang sense of smell ng dalaga "Oo, gusto mo ba?". "Wala ako pera eh" sagot ni Haruko. 

     Natawa naman si Kaede "Haha, Hindi naman kita pagbabayarin

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

     Natawa naman si Kaede "Haha, Hindi naman kita pagbabayarin. Treat ko ito". Nag smile naman si Haruko, lumapit ang dalawa sa takoyaki stand at bumili si Kaede, tig-isa sila. May ilang stalls pa sila pinuntahan bago sila umupo sa isang bench. Inalalayan muli ng binata si Haruko para makakain ito ng maayos. Nilagyan n'ya ng tissue ang lap ng dalaga. Humingi naman si Haruko ng isa pang napkin, nilagay n'ya ito sa kanyang damit pang-itaas, inipit nya sa loob ng tube dress nya para hindi mahulog "Mahirap na baka madumihan". Sumang-ayon naman si Kaede. Nakapagkwentuhan pa ang dalawa.

"Ano pala ang ibig sabihin ni Momoka-san sa "Mr. Firefighter"? May dapat ba ako malaman" tanong ni Kaede
"Aa, hindi naman negative 'yun, Rukawa-kun. Kinikwento ko kasi kay Momoka kung paano tayo nagkakilala at niyaya mo ako lumabas. Naikwento ko nga rin na isa kang firefighter kaya ayun. Hehe" paliwanag ni Haruko
"Aa"

"Ayan ka na naman sa 1 word"
"Ganito naman talaga ako" paliwanag naman ni Kaede
"May bago na ako goal in life. Tanungin mo naman ako kung ano" comment ni Haruko

     Ginawa naman ni Kaede ang request sa kanya "Ano?". Haruko giggles because of that "I thought complete sentence sasabihin mo like "Ano ang bago mong goal, Haruko?". Mali pala ako". Hindi napigilan ni Kaede ang mapatawa dahil ginaya ng dalaga ang boses n'ya "O sige, ulitin ko. Ano ang bago mo goal, Haruko?". Humarap naman si Haruko kay Kaede at ngumiti "Ang bago ko goal sa buhay ay turuan ka na more than 1 word, 1 phrase ang sasabihin mo all the time". Nang ngumiti kay Kaede si Haruko, nakaramdam s'ya ng pagbilis ng heartbeat. Laki pasasalamat n'ya sapagkat hindi nakikita ng dalaga kung ano expression mayroon sya pati na rin ang pagpula ng kanyang pisngi. Napahawak si Kaede sa kanyang batok "Aa. Good luck sa'yo". Ito lamang ang nasabi na kataga ng binata dahil hindi n'ya inaasahan na mag blush s'ya. Isang malakas na tawa lamang ang nagawa ni Haruko dahil pakiramdam n'ya inaasar s'ya ng binata at chinachallenge s'ya nito "Just wait, Rukawa-kun, I don't back out on anything" comment ni Haruko. Hindi naman na pigilan ni Kaede na mapa smirk "Aa".

     Dahil sa sinabi ni Kaede nakatikim s'ya ng malakas na hampas sa kanyang braso "Aray! Masakit ka pala manghampas". Nag pout naman si Haruko at pinag cross ang mga braso "Meanie" sagot naman n'ya. Pasimple kinuhanan ni Kaede ng larawan si Haruko pero narinig ng dalaga ang kaluskos "Ano yan?". "Wala" pagdadahilan ng binata. "11:45 na po, Kailangan na kita iuwi Cinderella". Natawa naman si Haruko sa bansag sa kanya ni Kaede, "So, ikaw na pala ang fairy godmother ko?". Sumagot naman si Kaede "Si Momoka-san ang fairy godmother, Si Kaede Rukawa ang prince charming mo". Bigla naman nag blush si Haruko, hindi n'ya inexpect na sasabihin ito ng binata sa kanya. Pinagmamasdan naman ni Kaede si Haruko, nakita n'ya ang pag-pula ng mukha nito, proud s'ya sa sarili dahil siya ang dahilan nito at pinakilig n'ya ang dalaga.

     Nakarecover naman si Haruko "Ay, akala ko ikaw si Jaq. Nasaan si Gus?". Nagtaka naman si Kaede "Sino si Jaq? Gus?". Ipinaliwanag naman ng dalaga "Si Jaq at Gus ang mga mouse na kaibigan ni Cinderella. Kung ikaw si Jaq, yung kulay pula ang damit si Sakuragi-kun si Gus yung mataba Hahahaha". Natawa naman si Kaede "Haha, ang sama mo. I compare ba ako sa daga. Wala ako pakialam kay Sakuragi. Gunggong yun. Bagay sa kanya ang codename mo. Yung sa akin, hindi ako papayag ma-demote". Pumayag naman si Haruko "Sige ikaw na si Prince Charming, or gusto mo ikaw si Major - yung horse. Hahaha. Joke lang. Prince Charming it is". Narinig kasi ng dalaga ang pagreact ni Kaede sa sinabi n'ya. "Good madali ka naman pala kausap. Iuuwi na kita. Quota ka na sa pang-aasar" wika ni Kaede. Nag nod naman si Haruko at inalalayan muli ni Kaede ito papunta sa sasakyan.
.

.

.

     Nakabalik na ang dalawa, nasa pinto na sina Kaede at Haruko. "Exactly 12:00 am nakauwi ka na Cinderella". Natawa naman si Haruko, naalala na naman ng binata ang napansin n'ya kanina. "Hindi mo nilalock ang pinto mo? Paano kung may bigla na lang pumasok. Wala ka kasama dyan". "Nandyan naman si Ayumu besides wala naman makukuha sa loob". Nag nod na lang si Kaede, ibinigay n'ya ang isang plastic kay Haruko "Nakita ko kanina, biscuits, pakibigay na lang kay Ayumu". Ngumiti naman ang dalaga "Uy, may pasalubong sa bago n'ya friend. Sige. Maraming salamat din sa gabi na ito Rukawa-kun. Mag-iingat ka pag-uwi". Napasmile naman si Kaede sa comment ni Haruko. Inantay naman ng binata na makapasok ng pinto si Haruko bago s'ya umalis.

    Nakauwi na si Kaede. Nagpalit s'ya ng kanyang damit pantulog at humiga na sa kama. Tiningnan n'ya ang oras 12:35 am na, binuksan n'ya ang phone gallery, nag scroll si Kaede ng mga larawan, tumigil ang kanyang pag scroll sa kinunan niyang larawan ni Haruko. Pinagmasdan n'ya maigi ang mukha ng dalaga "Good night... Haruko" bulong n'ya sa sarili.

"Yumu, nandito na ako..." nagtaka si Haruko dahil hindi s'ya sinalubong ng kanyang alaga. May mga naririnig s'ya na kaluskos. Kinakabahan s'ya ng may nagsalita "What do we have here.". "Sino kayo? Ano ginagawa ninyo sa pamamahay ko? Yumu? Yumu!" aligaga wika ng dalawa. Nagtawanan naman ang mga lalaki "Hindi ka ma save ng mahal mong aso. Yumu pala pangalan n'ya ah. Obvious ba, magnanakaw kami. Madali lang pala makapasok dito" sabi ng isang lalaki. "Ano gagawin natin sa kanya. Bulag naman pala 'to" comment ng isa. Nagdesisyon ang dalawa na igapos na lang si Haruko. Lumaban si Haruko pero wala sya nagawa. Sinaktan din s'ya ng mga ito.

"Wala naman makakahuli sa atin. Bulag pala biktima eh" comment ng mas malalim ang boses
"Kaya nga. Kunin na natin ilang gamit dito. Sorry Miss ah, pati yung carpet mo nadumihan. Sana kasi hindi ka na lumaban"
"Feeling n'ya kasi kaya n'ya tayo"
"HAHAHAHAA"

     Nagtawanan ang dalawa, nakakulong naman sa banyo si Haruko. Iyak s'ya ng iyak dahil wala s'ya magawa para protektahan ang sarili. Hindi pa din n'ya natagpuan si Ayumu "Rukawa-kun... Tulungan mo ako" bulong n'ya habang umiiyak.

.....

     "Huh? Sinabi ko na kasi kay Haruko na hwag iiwan nakabukas ang pinto eh. Kaloka talaga yun" comment ni Fujii. Ngayon linggo ng umaga nagpasya s'ya dalawin ang kaibigan para itanong kung kamusta ang pagpapa check up nito sa kanyang doctor. Pumasok na agad si Fujii sa loob. She gasps with what she see, may mga dugo sa carpet at sofa. May mga basag sa glass at magulo ang ayos ng bahay.

"Haruko! Haruko!" sigaw ni Fujii ng pinuntahan n'ya ang kwarto ni Haruko. Binuksan n'ya agad ito. "Haruko!" sumigaw muli ang dalaga. Kinakabahan s'ya kung ano nangyari sa kanyang kaibigan. "Arf! Arf!' narinig ni Fujii pinakinggan n'ya mabuti kung saan nanggaling ang tunog "Yumu!" inalis ni Fujii ang mga nakaharang na upuan sa banyo ng kwarto ni Haruko andun si Ayumu at takot na takot. Niyakap naman agad ni Fujii ang aso "Ayumu... nasaan si Haruko, hanapin mo si Haruko". Kumahol si Ayumu at mabilis na tumakbo upang hanapin si Haruko. "Arf! Arf! Ahooo" pag-ungol ng aso. Nakasunod sa kanya si Fujii, nakatali ang pintuan ng banyo malapit sa kusina, kinuha agad ni Fujii ang gunting at mabilis na sinira ito. Binuksan n'ya ang pintuan at hindi s'ya makapaniwala, umiiyak na si Fujii sa nakikita n'ya kondisyon ng kaibigan "Haruko!". Nag whimper naman si Ayumu.

     Dahil sa sigaw ni Fujii nagising si Momoka, at nagdecide na puntahan si Haruko para kamustahin ang naging date nito. Tulog pa si Nagi, hindi na n'ya ginising ang anak. Nilock n'ya ang kanilang bahay para hindi makalabas ang anak at dali dali nagpunta sa bahay ng dalaga. Hindi makapaniwala si Momoka sa nakita n'ya sira sira ang gamit at may mga ilan blood stain, kinakabahan s'ya. Nagmadali s'ya pumasok sa loob at nakita n'ya si Fujii at Ayumu na nasa banyo "God... Haruko" sabi n'ya. Pinakalma naman n'ya si Fujii at nagtulong ang dalawa na alisin ang nakatali sa dalaga. "Tatawag ako ng ambulansya" sabi ni Momoka at mabilis tinahak kung nasaan ang telepono. Si Fujii naman ay umiiyak kinuha n'ya ang kanyang phone at may tinawagan din.

     10 minutes lang ay dumating na ang ambulansya. Sumunod na dumating ang mga pulis. Si Fujii muna ang sasama kay Haruko sa ospital. Susunod na lamang si Momoka sapagkat kailangan ng statement ng mga pulis mula sa kanya. 

Echoes in the NightDove le storie prendono vita. Scoprilo ora