Chapter 38

53 6 4
                                    

          Kaede can't help but to feel amused seeing Haruko panic and talking to herself. Nasa loob pa sila ng sasakyan at hindi bumaba, 5 minutes na sila sa loob. Nakita ni Haruko na pokerface lang ang kasama nya pero may glint ang mata nito.

"Hinampas mo na naman ako" passive voice ni Kaede
"Why naman ganyan.. Ano kailangan sa akin ng mama mo? May ginawa ba ako masama?... Baka naman hindi nya ako gusto na kasama ako ng mga anak nya?... Look ang itsura ko hindi ako prepared. Huhu" sunod sunod na sabi ni Haruko

"Parang sa sinasabi mo, i interrogate ka ni Okaasan"
"Hindi lang interrogate.... Baka ipa salvage ako ng mama mo... or even your dad... tapos sabihin nila "Ito ang 1,000,000.00 Yen layuan mo ang anak ko" tapos sasabihin ko sa kanila "Pwede po ba dagdagan ninyo ang offer... Mga 5 milyon Yen"

          Ginawa ni Haruko na boses lalake ang salita as much as she can ng sinabi nya ang possible dialogue ng magulang ni Kaede dahilan para mapa smirk ang binata na kasama nya sa sasakyan, tinap na naman nya ang nose ng dalaga "Really... so, kapag nag offer ang parents ko sa iyo Haruko, iiwasan mo na ako" tanong nya. Tumigil naman sa pagtawa ang dalaga, "Whaa.t... of course not, I'm just joking... Iniisip ko lang worst na maaari ko marinig from your parents... Remember this Kaede-kun, walang bagay or tao na maging dahilan para layuan kita.. I'll always be by your side... Always". Nag eye to eye contact ang dalawa, nakita ni Kaede sa mga mata ni Haruko na serious ito sa sinabi nya, bigla na lang bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makita ang ngiti ng dalaga, naramdaman nya ang pagpula ng tenga kaya mabilis iniwas ang tingin sa katabi. "Aww.... Blush alert si Kaede-kun... How cute" pag gush ni Haruko. "Tsk... Tama na Haruko, bumaba na tayo nag aantay na sila" pag change topic si Kaede.

              Nag giggle naman ang dalaga ng makita na mabilis bumaba ng sasakyan si Kaede at pumunta sa kanyang side para pagbuksan sya ng pinto. Nagtungo sila ng pintuan, pinindot ng binata ang doorbell. Saglit lang at bumukas ang pinto, sa tingin ni Haruko ay ito ang ina ni Kaede dahil magkamukha sila, "Same sila ng coloring... fair skin, even hair all over ang color palette nila ay the same" bulong nya sa kanyang isip at pasimple tinignan si Kaede na tahimik lang. Ngumiti naman ang babae na nasa pintuan, "Hi! Welcome to our home... You are Haruko-chan right... nice to meet you... Is my Kaede-cakes treating you good... or baka naman kailangan ko sya pagsabihan" excited na pagkakasabi nya. Nag giggle naman si Haruko dahil opposite sila ng anak nya na tahimik lang minsan ay cold pa, "Aww.... so cute... Now I know why Kaede-cakes adore you... Hihi" tinignan ng nanay ang kanyang anak, nakahawak iyon sa leeg nya "Okaasan... kung ano ano na sinasabi ninyo... ma overwhelm si Haruko, hindi pa kayo nagpapakilala... hindi nyo pa din kami pinapatuloy" comment ni Kaede.

              Nag gasps naman ang ina ni Kaede, "Oh my.... That's the longest sentence I heard from you... Yiieee siguro kagagawan ni Haruko-chan iyan and I approved... I'm Hisako Rukawa, mother of Kaede" address nya sa dalaga na kasama ng anak, nakipag kamay naman si Haruko dito. "Okaasan" pag awat ng binata "Hush my baby boy... I'm still talking... since excited na si Kaede-cakes ko, pumasok na kayo sa loob... Dear, ikaw na bahala kay Haruko-chan, sumunod na lang kayo sa dining room..." tugon ni Hisako at nag skip na paglalakad pabalik sa pinanggalingan. Kaede releases an exasperated sigh and closes the door gently, gumawi ang tingin nya kay Haruko at may amused look ang dalaga "Alam ko ginagantihan mo ako Haruko sa pang aasar ko sayo kanina". Hinawakan ni Haruko ang kanyang dibdib at may kunwari hurt expression "Kaede-kun, why... that is not true..." utal utal na wika nya at may nagbabadya na luha sa gilid ng mata. Nagpanic naman ang binata at hindi alam ang gagawin "Hahaha.... Just kidding, huwag ka na magalit, ang cute mo rin kasi Kaede-kun... I'm happy rin... I think it's best to say that your mom likes me".

           Speechless naman ang binata, hindi nya alam na maiisahan sya ni Haruko at hindi nya maiwasan ang pagkurba ng labi "Yes... See I told you my mom will like you... Just like how much I love you... Haruko" wika ni Kaede. Si Haruko naman ngayon ang natameme at namula ang buong mukha, lumapit si Kaede sa kanya at niyakap "Don't feel flustered... I meant what I said now... hindi mo kailangan sumagot agad.. Let's go sa dining". Nag nod naman si Haruko at ngumiti, sinundan nya si Kaede papunta sa dining - kitchen area ng bahay. Nakita ni Haruko ang isang lalake na may edad na kamukha ni Itsuki "Siya siguro ang father nila Kaede-kun... Mixed ng both mother and father ang looks ni Itsuki-kun" realization nya. Napansin ng lalake na kababa lang ng hagdan, ang bunsong anak at may kasama na kaedad din nito na babae based sa nakikita nya, nilapitan nya ang dalawa, Nag bigay galang si Kaede sa kanyang ama sa pag bow, ginaya naman sya ni Haruko.

"Otousan" untag ni Kaede
"Good evening po Sir" formal na pagbati ni Haruko

"Good evening... You must be Haruko that my eldest son is talking about, nice to meet you... I'm Ichinose Rukawa, father of Itsuki and Kaede" pagpapakilala ng lalake
"Thank you Sir... It's my honor to get acquainted with you, I'm Haruko Akagi"

              Nagbow muli si Haruko at nag fidget sa intense gaze na mayroon si Ichinose, nakita ni Kaede na may amused expression ang kanyang ama, aawatin na sana nya ito ng dumating ang kanyang aniki kasama si Ayumu

"Hello Father... Foolish little brother and Haruko-chan" bati ni Itsuki sa tatlo na may ngiti sa labi
"Itsuki" untag ni Ichinose
"Please have a seat, we will have dinner shortly... Your mom will get mad kapag makita nya tayo na nakatayo pa" pag address ni Ichinose sa lahat

           Umupo na sila sa apat at inaantay si Hisako, nasa kabisera nakaupo si Ichinose sa dulong kabisera uupo ang ilaw ng tahanan, sa kaliwa si Itsuki at nasa kanan sina Haruko at Kaede. Kalapit ni Kaede ang ama, Haruko took notice that the dining table is for 6 seater only "Figures... since 4 lang sila sa bahay noon dipa bumukod mga anak nila" bulong nya sa sarili. After 5 minutes ay dumating na si Hisako, hindi na nya suot ang apron may dala sya ulam "Itsuki-kun, paki kuha mo naman ang nasa kitchen counter na tray Please.. Thank you". "Yes Mother" tumayo si Itsuki at kinuha ang pinakisuyo ng ina. Nagsimula na sila kumain, pasimple tinitingnan ni Ichinose ang bunsong anak na todo pag aasikaso sa bisita nito, on the outside calm lang ang itsura nya ngunit inside hindi nya maiwasan maalala ang panahon na hindi pa sila mag asawa ni Hisako, gumawi ang tingin nya sa asawa at may ngiti ito sa labi habang nakatingin sa kanya. Narinig ng tatlo ang sinasabi nina Kaede at Haruko kahit mahina lang magsalita ang dalaga

"Kaede-kun... Okay na.. Nakakahiya... Uhm, Thank you kaya ko naman" pag awat ni Haruko ng si Kaede ang naglalagay ng pagkain sa plate nya
"Konti ka na naman kumain.. Sorry nasanay lang ako"


            Tumaas naman ang kilay ni Ichinose sa pag uusap ng dalawa lalo na ng marinig na nag sorry ang anak, ngayon lang nya narinig ang kataga na iyon.. Kilala nya ang mga anak, ma pride ang mga ito na katulad nya at hindi humihingi ng sorry kahit in the first place sila ang nagkamali. Sa tingin nya ay marami na nagbago kay Kaede at mas naging mature na ito. Nakita ni Hisako na may curious look ang asawa kung bakit gano'n na lang asikasuhin ng anak nila ang dalaga "Anata... Uhm... ano kasi... May eyesight disability si Haruko-chan" paliwanag nya. Natigilan naman si Haruko pagkain naisip nya na hindi pa alam ng ina nina Kaede at Itsuki na bumalik na ang eyesight nya. "Hindi ko alam na may problem ka sa eyesight.. I thought you have normal eyesight just like us... " comment ni Ichinose habang nakatingin sa dalaga. Nagpasya si Haruko na magpaliwanag "Eto... ano po, kababalik lang po ng eyesight ko". Nagulat naman si Hisako sa nalaman "Really.... For good na ba yan... I mean forever na at hindi pansamantala lang?". Nag smile si Haruko "Yes po Ma'am.. Mag 1 month pa lang po bumalik eyesight ko", pumalakpak naman ang nanay nina Kaede sa nalaman na balita.

              Tumigil si Itsuki na pakainin si Ayumu ng meat and apples "Mother... napabalita sa news ang nasunog na pedia ward sa SilverCrest hindi po ba", nag nod naman si Hisako napanood nya ang balita na iyon, attentive naman si Ichinose sa anak "Natrapped po si Haruko sa loob, luckily nailigtas siya at ang kasama nya bata ng team ni Kaede... Apparently yung chemicals na bumabalot sa retina ni Haruko-chan ay natunaw... Doctor nya din pala si Kiminobu Kogure... Hope you're not mad Haruko-chan, ako na ang nagkuwento for you" pag address ng binata sa special someone ng kapatid. Umiling naman si Haruko "Hindi... Okay lang, thank you Itsuki-kun". Napukaw naman ang interest ni Ichinose sa kinuwento ng panganay na anak "Haruko... paano ba kayo nagkakilala ni Kaede... and maaari ka ba mag kwento tungkol sa sarili mo... I guess si Ayumu according kay Itsuki ang name ng dog mo... service dog mo sya tama ba?". Nabigla naman ang mga anak at asawa ni Ichinose sa narinig nila, nagkatinginan si Hisako at Itsuki alam nilang dalawa na you must be special for you to have Ichinose Rukawa curious and interested.

             Nag smile naman si Haruko, "Haruko-chan... Anata, sa sala na natin ituloy ang kwentuhan para maganda ang ambiance and I baked a cake earlier... I want to know too paano kayo nag nakilala ni Kaede-cakes and Itsuki-kun" giddy na pagkakasabi ni Hisako. "Okay po Ma'am... ask ko lang po si 'Kaede-cakes' baka ayaw nya po ipaalam sa inyo first meeting namin Haha" tugon ng dalaga. Nag giggle naman si Hisako at may smirk si Ichinose ng mag grunt lang si Kaede "Hn".. "Bahala daw po ako sabi ng anak ninyo" interpretation ni Haruko.. "Hn" another grunt kay Kaede, "Alam daw po nya na gusto nyo po Ma'am mapahiya sya" paliwanag ni Haruko. "I didn't know graduate ka ng grunting course ni Kaede" comment ni Itsuki "Aniki" saway ni Kaede sa kapatid, si Itsuki naman ang nag grunt "Kaede-kun, sabi ni Aniki mo "Foolish little brother" " may teasing smile dalaga habang nakatingin sa katabi. Hisako cooed sa cute moments ng anak at soon to be daughter in law, kineclaim na nya na si Haruko ang magiging daughter in law and magiging wife ng anak, ang eldest son na lang ang kailangan nya hanapan ng girlfriend. Kinabahan naman si Itsuki ng makita na may something sa eyes ng ina, alam nya may pinaplano ito.

           A few minutes after, nasa sala na silang lahat nakatingin si Ayumu sa empty space sa kanan ni Haruko at bumaling kay Ichinose ang mata, nakipagtitigan naman ang haligi ng tahanan ng pamilya Rukawa sa aso. Pinagmamasdan lang ang dalawa nina Itsuki, Kaede, Haruko at maging si Hisako.

"Haruko... ano kailangan ni Ayumu kay Otousan?" tanong ni Kaede
"Baka naman kinikilala ni Yumu si Father" comment ni Itsuki
"Pwede... or baka gusto makipag play ni Ayumu kay Anata" mula naman kay Hisako

             Pinagmasdan naman maigi ni Haruko ang dalawa, nararamdaman nya na naiilang na ang ama nina Kaede at Itsuki makipagtitigan sa kanyang service dog, naisip ng dalaga na ang posible gusto ni Ayumu "Yumu... baby, gusto mo ba tumabi sa akin" nagbakasakaling tanong niya. "Arf" tumahol si Ayumu ngunit hindi inaalis ang tingin kay Ichinose "At gusto mo ba magpaalam kay Mr. Rukawa kung maaari ka umupo sa sofa... katabi ko" dagdag ni Haruko. "Arf... Arf" excited na tahol ng aso even wagging his tail. Impressed naman si Ichinose dahil well trained ang aso "Aa... iyon pala ang dahilan kaya nakipagtitigan sya sa akin" wika nya. Nag nod sya at kinausap ang aso "Yumu... sige maupo ka sa sofa huwag mo lang dumihan ito maliwanag" strict na pagkakasabi niya. Tumahol si Ayumu at tumalikod kay Ichinose akala ng lahat ay uupo na agad ito sa tabi ni Haruko, nagulat sila ng pumunta ito sa pinto at pinunas ang paw sa doormat bago tumakbo papunta sa sofa, tumalon ito at hiniga ang ulo sa lap ni Haruko.

             "Smart dog" compliment ni Itsuki. Ayumu wags his tail before closing his eyes, hinaplos ni Haruko ang fur ng kanyang aso. "Anata.. Tulungan mo naman ako kunin ang cake and tea na hinanda ko" wika ni Hisako. Nag nod naman si Ichinose at sinamahan ang asawa sa kusina. Naiwan naman ang tatlo sa sala, nagkukuwentuhan sina Itsuki at Haruko, tahimik naman si Kaede na nakikinig. Ang mag asawa naman ay saglit na nag uusap "Tsuma.. Malaki na pinagbago ni Kaede, I think si Haruko ang dahilan" comment ni Ichinose. "Is that a bad thing" nag aalalang tanong ni Hisako, "No... It's for the best I believe and she seems such a nice girl", nag sparkle naman ang mata ng asawa "So... is that an approval? Wala na omiai si Kaede-kun?" hopeful din sya. Ngumiti lang si Ichinose at kinuha ang tray na may laman na tea sets, bago sila bumalik sa mga bata ay nagsalita muli si Hisako "Anata... try talking to Kaede-cakes, I know miss ka na nya... Try mo lang". Tahimik lang si Ichinose at nagsimula bumalik sa sala, kasunod nya ang asawa.

              Pagkadating nila ay kinausap muli ni Ichinose si Haruko para mag kwento tungkol sa sarili maging ang una pagkikita at mga encounter nya kay Kaede at Itsuki. Ngumiti naman si Haruko at isinaad ang nais malaman ni Ichinose, si Hisako ay nakikinig lang sa kuwento ng dalaga. Kumakain ng cake sina Itsuki, Hisako at Haruko samantala nag tea lamang sina Kaede at Ichinose sapagkat hindi sila mahilig sa matamis. Pisimple pinagmamasdan ni Ichinose ang anak na si Kaede habang nag kwento si Haruko ng mga encounter nila, based sa nalaman nya napatunayan nya na nagbago na nga si Kaede, hindi nya maiwasan ang mapa smirk ng malaman na sinugod ni Ayumu ang anak sa fire department na pinagtatrabahuhan nito. Natawa rin si Hisako sa mga nalaman tungkol sa anak ngunit pinagalitan nya rin si Kaede na nag tanong sa may eye disability na something offensive, inaawat ni Kaede si Haruko na magkwento pa ngunit ngumiti lang ang dalaga sa kanya. Proud ang naramdaman ni Ichinose ng malaman na ilan beses tinulungan ng mga anak si Haruko, lalo na si Kaede ng sinabi ng dalaga na tinulungan sya makulong ang suspects sa pagnanakaw sa bahay nya at ang pag ligtas nito sa mga nasunugan.

             Nag alala naman si Hisako sa kalagayan ng dalaga nang malaman na mag isa lamang siya sa bahay bukod kay Ayumu na kasama nito at kapitbahay. Napag alaman din ng mag asawa na wala na magulang si Haruko at ang kapatid nito ay nasa Kyoto at isang Lieutenant General sa Military. Tinake opportunity naman ito ni Itsuki para asarin ang kapatid na huwag gagawa ng hindi respectful kay Haruko dahil hahuntingin sya ng kapatid ng dalaga. Tumahol si Ayumu at nag growl dahilan na magtawanan sila maliban kita Kaede at Ichinose. Sinamsam na ni Hisako ang mga plates para hugasan ito nag volunteer naman si Haruko na tulungan sya hindi naman nya ito tinanggihan at nagdecide na gamitin ang pagkakataon para i interrogate ang dalaga. Tahimik lang si Kaede ngunit masaya sya dahil tanggap ng parents nya si Haruko. Narinig ng binata na nag sasalita ang ama

"Kaede... gusto ko lang sabihin sa iyo na I'm proud of you and what you have achieved, alam ko may hindi tayo pagkakaunawaan pero sana maging okay na tayo... anak"
"Otousan... thank you" tugon ni Kaede alam nya na ito ang closest na sorry ng ama sapat na sa kanya na marinig ang kataga na "I'm proud of you"
"Father... so does that mean, approved sayo si Haruko-chan... Bagay sila ni foolish little brother hindi po ba?" sumali sa usapan si Itsuki

"Itsuki... I think na walang pakialam ang kapatid mo sa ibang babae maliban kay Haruko at wala sya tatanggapin na iba kahit ilang omiai pa ang dumating... So why should I mind"
"Otousan... thank you again"

            Hindi naman inasahan ni Ichinose na yayakapin sya ni Kaede, ilan taon na rin ng huli nya naramdaman ang yakap ng bunsong anak, aalisin na nito ang mga braso ng niyakap pabalik ni Ichinose ng anak. After a while naghiwalay din ang dalawa, tumayo si Itsuki at lumapit sa ama at kapatid, "Hindi ba nagpanic si Haruko-chan ng sinabi mo na dadalhin mo siya sa bahay nila Father?". "Aa... kinakabahan si Haruko, nag aalala sya na hindi sya magustuhan ni Tousan at Kaasan... sabi pa niya baka daw offeran nyo sya ng 1 milyon yen para lumayo sa pamilya natin sasabihin daw po nya paki dagdagan at gawin 5 milyon yen" paliwanag ni Kaede. Malakas na tawa ang naging tugon ni Ichinose "Father ngayon lang kayo tumawa ng ganyan" comment ni Itsuki kilala ng magkapatid ang ama, strict ito at hindi napapatawa. "Aa... hindi ko alam na may sense of humor si Haruko... Kaede, keep her" tinapik ni Ichinose ang kanang balikat ng bunsong anak.

                Nag nod naman si Itsuki at pinanuod ang exchange ng dalawa, ngumiti si Kaede sa ama na ikinagulat ni Ichinose "Aa" tipid na sagot ng binata. Ito ang nadatnan ni Hisako at Haruko na kasama si Ayumu. "Kaede-cakes 8:00 pm na ihatid mo na si Haruko sa bahay nya. Thank Haruko-chan.. Bisitahin mo ulit ako soon" wika ni Hisako at magkasunod na inaddress ni Kaede at Haruko. Nag smile naman si Haruko "Thank you po for having me, Ma'am... Sir", inawat naman sya ni Hisako "No... don't call us that... first name na lang or pwede rin na Otousan and Kaasan. Hihi. Anata okay lang sayo hindi ba" pagbigay hint nya. Nag smirk lang si Ichinose.. Nag stutter naman si Haruko hindi nya alam ang isasagot "Aww... You're so cute Haruko-chan" cooed ni Hisako.

            Nilapitan naman ni Kaede ang ina "Kaasan, excited na naman kayo" pag awat nya. Nag giggle lang si Hisako at hindi pinansin ang anak. "Haruko-chan thank you at nagpunta ka dito" wika ni Itsuki. Nag smile naman ang dalaga, nakita nya na nakatingin sa kanya si Ichinose kaya nilapitan nya ito bahagya, magkatapat sila nag bow muli sya "Uhm... Sir, thank you po.. Uwi na po kami". Kinakabahan sya kaya ganun makapagsalita, umayos sya ng tayo, hindi naman niya inasahan na hahawakan ng ama ni Kaede ang kanyang buhok at hahaplusin. Pinagmamasdan naman nina Hisako, Itsuki at Kaede ang encounter ng dalawa, "Welcome.. Huwag ka mahiya, pwede mo kami tawagin na Otousan and Kaasan ni Hisako.. And before I forgot... Welcome to the family Haruko". Dahil sa mga kataga na binitawan ni Ichinose, pulang pula ang mukha ni Haruko, nag stutter sya at hindi makapagsalita ng normal "Aa... eto...", to the rescue naman si Kaede "Tousan... pareho kayo ni Kaasan.. Alis na kami" nakita ng mag asawa na namula ang mukha nito at alam nila na nahihiya rin. Dahan dahan hinatak ni Kaede ang kamay ni Haruko palabas ng bahay. Nakasunod naman si Ayumu sa dalawa, nag wave ng 'babye' si Haruko sa kanila bago lumabas ng sala habang hatak hatak ni Kaede at papunta sa main door.

           Naalala ni Hisako ang packed food na hinanda nya para sa dalaga "Kaede-cakes... wait, may hinanda ako para kay Haruko-chan" at hinabol ang dalawa. Nagkatinginan naman ang mag ama na Ichinose at Itsuki, bago mahina nagtawanan.

Echoes in the NightNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ