Chapter 31

48 3 0
                                    

           Bumukas ang pinto at sina Imari, Shin, Ryuu, Minari, Megumi at Nagi ang dumating. Hinatid sila ni Doc Kogure bago pumunta siya nurse station. "Arf" tahol si Ayumu ng makita ang mga bata.

"Haruko-nee, okay na ka ba?"
"May masakit ba sayo?"
"Akala namin kung napano na kayo ni Megumi at Nagi?"

            Sunod sunod na tanong ng mga bata habang humihikbi, pinakalma naman ni Haruko ito "Tahan na okay na si Haruko-nee, huwag na kayo umiyak. Nagi, Megumi lumapit kayo sa akin". Ginawa naman ito ng dalawa at niyakap sila ng dalaga, "Huwag nyo sabihin sa kanila ang narinig natin maliwanag ba mapapahamak tayo. Ako na bahala" bulong nya sa dalawa. Nag nod naman si Megumi, "Masaya kami Haruko-nee walang nangyari sayo" narinig ni Haruko na may nagsalita hindi sya pamilyar kung sino ito.

             "Haruko-nee bumalik na ang boses ni Nagi-chan" cheer ni Imari. Haruko's shock because of this, naiyak din sya at niyakap ng mahigpit muli sina Megumi at Nagi "Masaya ako, na walang nangyari masama sa inyo, Megumi, Nagi... at bumalik na din ang boses mo Nagi-chan matutuwa si Momoka-nee". "Bakit sila lang niyayakap mo Haruko-nee. May favoritism ka" naka pout si Ryuu at naka cross ang mga braso sa dibdib. Nag giggle naman ang mga bata "Nag seselos si Ryuu-kun" chorus nila. Namula naman ang mukha ng bata. Pinalapit ni Haruko ang mga bata at isa isa niyang niyakap ang mga ito.

       Nang si Ryuu na ang niyakap ni Haruko, binigyan ng bata ng smirk si Kaede "Akin lang si Haruko-nee. Hindi ka pa okay sa akin Rukawa-nii pero salamat niligtas mo si neechan. Hmmp". Pinipigilan naman nina Sakuragi na tumawa it seems may karibal ang kaibigan kay Haruko. "Kaede-nii, huwag ka maniwala kay Ryuu-kun, kanina naalala ka nya bago pa may sunog" pagbuko ni Nagi. Namula muli ang mukha ni Ryuu at itinanggi ito. Napailing na lang si Kaede sa actions ni Ryuu towards him. Tahimik lang si Itsuki at nag oobserve.

           "Mga bata may sasabihin ako, Shin paki lock mo ang pinto" wika ni Haruko, ginawa naman ito ni Shin at bumalik kung saan sya nakatayo kanina."Natandaan nyo yung sinabi ko kanina about sa narinig namin ni Nagi at Megumi?". "Opo" sagot nila. "Pakiusap ko sa inyo huwag nyo sasabihin sa ibang tao baka kung ano mangyari sa amin nila Nagi at Megumi" paliwanag ni Haruko. Nagtaka naman ang boys kung ano yung tinutukoy ni Haruko pero wala sila sa posisyon para magtanong. Nagkaintindihan naman ang mga bata at ayaw nila may mangyari sa mga kaibigan at kanilang Ate Haruko "Opo, wala po kami pagsasabihan" sagot ng mga bata. Ngumiti naman si Haruko, "Nee-chan, paano po si Nurse Kara, baka sabihin po nya?" nag aalalang tanong ni Minari. "Nagkausap na kaming dalawa ni Nurse Kara, wala din sya pagsasabihan" sagot ni Haruko, may naalala naman ang dalaga.

"May surprise pala ako sa inyo"
 "Talaga? Ano po yun Nee-chan??"
"Bumalik na ang paningin ko"

              Nag cheer ang mga bata at isa isa niyakap muli si Haruko. Pinag masdan ni Kaede ang dalaga at masaya din sya para dito, hindi nya namalayan ang pang ngiti ng kanyang labi pero nakita naman ito ng mga kaibigan at kapatid. Nag share ng knowing smiles ang apat. Ipinaliwanag ni Haruko na malabo pa ang right eye nya pero sooner or later ay babalik na ang buong paningin nya. May kumatok kaya pinagbuksan ni Sendoh, si Nurse Kara pala ito hindi naiwasan mag blush ni Kara ng makita ang ngiti ng binata. Nag bow ang nurse at pinuntahan ang bed ni Haruko.

"Haruko-chan, salamat sa Diyos ligtas ka... ligtas tayo" naiiyak si Kara sa nangyari sa kanila kanina
"Nurse Kara, bumalik na paningin ko pero partially pa lamang" wika ni Haruko

"Oh my! I'm so happy. Kaya pala binigay ni Doc Kogure ito sa akin"
"Huh bakit hindi mo alam kung para saan ang antipara. Hindi ipinaliwanag ni Doc?"

"Pinaliwanag pero lumipad ang isip ko dahil naalala ko yung kanina. Salamat Haruko-chan, kung hindi dahil sayo baka kung ano nangyari sa akin at sa mga bata"

           Niyakap naman ni Haruko si Nurse Kara "Salamat sa Diyos at salamat sa kanila nailigtas tayong lahat". Nagpakilala naman ang boys kay Nurse Kara at sa mga bata, "Oohh... fire fighters kayo katulad ni Rukawa-nii?" tanong ng ibang bata. "Tsk ano ba kayo, sila yung nagpatay ng apoy kanina" comment ni Ryuu habang naka upo sa kama ni Haruko.. Nag nod naman ang boys "Oo nga pala! Ilan na po yung inapula nyo na fire bukod sa nangyari sa pedia ward building tell us. Please". Si Sakuragi naman ang nag prisinta na magkwento amaze naman ang mga bata sa kwento ng binata. Napailing na lang sina Miyagi, Mitsui at Rukawa dahil sa over the top na kwento ni Sakuragi. Nilagyan na ni Kara ng bandage ang mata ni Haruko habang abala ang iba at ibinigay ang eyeglasses.

"Kids, kailangan nyo na bumalik sa ground floor sa Nurse Office muna kayo mag stay. Mag paalam na kayo sa kanila. Bilin ni Doc Kogure" sabi ni Kara
"Opo Nurse Kara. Bye mga nii-chan, Haruko-nee. Yumu, The Super Dog"
"Ahooo"

       Nag howl naman si Ayumu at tumayo sa kama. Umalis na sina Nurse Kara at ang mga bata. Naiwan naman ang boys.

"Haruko-chan, suki ka ng hospital ah" asar ni Sendoh
"Haha hindi ko naman gusto ma ospital" paliwanag ni Haruko

"Gano ka daw katagal mag stay sa hospital?" tanong ni Miyagi
"Hindi ko alam" pag amin ni Haruko

"Bukas pwede na umuwi si Haruko" tipid na paliwanag ni Kaede
"Doctor ka na ba ngayon foolish little brother?" asar ni Itsuki
"Tsk. Aniki, sinabi ni Doc Kogure kanina noong magkausap kami"

            "Oooh" ayan lang ang nasabi ni Mitsui at Miyagi. "Ahooo" nag howl naman si Ayumu "Haha, ginaya kayo ni Yumu" comment ni Haruko ng bigla kumulo ang tyan nya "Oops., gutom na ako sorry". Tumawa naman ang boys pero smirk lang ang mayroon sa magkapatid na Rukawa. Tatayo sana si Kaede para ibili ng pagkain si Haruko ng unahan sya ni Sakuragi "Kami na bibili ng pagkain bantayan mo si Haruko-chan". Tumaas ang kilay ni Kaede "Aa". "Sasama ako sa kanila, para walang makaistorbo sa inyo ni Haruko-chan" comment ni Itsuki. Nainis naman si Kaede sa pang aasar ng kanyang aniki pero nawala din ito agad ng nag giggle si Haruko, hindi alam ni Kaede kung paano sa simpleng ngiti or tawa ng dalaga ay napapakalma sya nito. "Uhm, pwede nyo ba ako ibili ng Chicken Teriyaki? Nag crave ako dun" request ni Haruko. Nag thumbs up naman si Miyagi.

            Pasara na ang pinto ng marinig nina Haruko at Kaede ang asaran ng boys, "Hoy Sendoh, hindi dyan ang papunta cafeteria"(Mitsui) / "Alam nya yan, tatanungin nya kung nasaan si Nurse Kara"(Sakuragi) / Sabagay nakita ko na sinundan ng tingin ni Sendoh-san, si Nurse Kara"(Itsuki) /"Pumaparaan sya... Susunod may lovelife na yan" (Miyagi). Nag giggle naman si Haruko sa narinig nya, napansin nya sa tagiliran na nakatitig sa kanya si Kaede, "Thank you Rukawa-kun for saving us ni Megumi-chan" at binigyan ng ngiti ang binata. 

           Hindi na nakatiis si Kaede at niyakap si Haruko at hinalikan ang noo nito "Haruko... mabuti okay ka at walang nangyari masama sayo. Grabe ang kaba at takot ko kanina ng nalaman ko na nasusunog ang pedia ward at dumoble ito noong nalaman ko na natrap ka sa loob nakita ko pa na nawalan ka ng malay. Haruko... I'm sorry hindi ako nakarating ng mas maaga". Naramdaman ni Haruko ang pag tremble ni Kaede at hinaplos nya ang likod nito para pakalmahin "Hindi ka late Rukawa-kun at huwag ka na umiyak, alam mo ba bago ako nawalan ng malay nagdasal ako na sana iligtas mo ako, kami ni Megumi. Si Nagi ang pinasampa ko sa likod ni Ayumu dahil maliit pa sya at mas kaya ni Yumu ang weight niya.. Thank you Rukawa-kun palagi mo pagliligtas sa akin".

           The two parted after hugging, binigyan ni Haruko ng peck sa lips si Kaede at ngumiti "Thank you Rukawa-kun". May maliit na pag kurba rin sa labi ni Kade, "Always" wika ng binata. "Always" pag ulit ni Haruko. May understanding ang dalawa hinawakan ni Kaede ang kamay ni Haruko at hinaplos ito.

.....

             After kumain ay bumalik na sila Kaede sa fire station, si Itsuki naman ay nag paiwan para bantayan si Haruko. Binuksan ni Haruko ang tv at ngayon lang nya ulit naranasan ang makapanood at amaze sya sa mga nakikita nya, "Thank you Lord at ibinagy nyo po ulit ang paningin ko at niligtas n'yo po kami" hindi namalayan ng dalaga na vinoice out nya ang kanyang thoughts. "Mabait ka kasi Haruko-chan kaya hindi ka nya pinabayaan" wika ni Itsuki at tumayo mula sa sofa upang lumapit sa bed ng dalaga. Nag blush naman si Haruko "Ay, nasabi ko pala out loud iyon. Hehe". Hinaplos ni Itsuki ang buhok ni Haruko "Huwag mo muna pwersahin ang eyesight mo, sabi ni Kogure 10 to 15 minutes ka lang pwede manood. Paalala ko lang". Nag nod naman si Haruko "Hai", ang right eye nya ay may benda nakasuot sya ng salamin proteksyon sa radiation at para hindi ma pwersa ang kanyang mata.

"Wala ba masakit sa'yo? May kailangan ka ba?" tanong ni Itsuki
"Wala naman masakit. Ano Itsuki-kun, pwede ba tayo magkwentuhan I don't know, about kung ano ang pinag ka abalahan mo sa work?" request ni Haruko

"Very well"

           Pinagbigyan naman ng binata ang request ni Haruko at in return nag open up din ang dalaga about sa kanyang work bilang volunteer sa hospital. Napansin ni Itsuki ang bahagyang pagpikit ng dalaga, "Haruko-chan, mag sleep ka na I know nilabanan mo ang antok". Sinabi ni Haruko na hindi sya inaantok ang totoo ay gusto nya matulog pero natatakot sya na magkaroon sya ng bad dream about sa nangyari kanina, alam naman nya na strong willed sya pero she can never be sure na, iniisip nya na baka mag cause ito ng trauma dahil sa sunod sunod na accidents na na encounter n'ya. 

          Inayos ni Itsuki ang unan at kumot na naka taklob sa katawan ni Haruko at umupo sa katabing chair "Sleep ka na Haruko, hindi ako aalis, dito lang ako sa tabi mo kami dalawa ni Ayumu" nagbark ang aso, " Mag aalala si Kaede kung hindi ka makapahinga gusto mo ba yon?" naramdaman ng binata na natatakot ipikit ni Haruko ang kanyang mga mata, there is a tell sign na affected sya sa nangyari kanina. Umiling si Haruko "Thank you Itsuki-kun.... Huwag mo ako iwan mag isa". Nag smile naman si Itsuki at dahan dahan hinaplos ang forehead ni Haruko gamit ang kanyang index and middle fingers katulad ng ginawa nya sa kapatid noong bata pa sila kapag nahihirapan ito makatulog. 

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now