Chapter 30

54 7 4
                                    

           Mabilis na narating nila Kaede ang KGH, at nakita nila na puno na ng apoy ang pedia ward building mula ground floor hanggang 3rd floor nakita din nya ang ilang bata na umiiyak na kasama ang isang nurse, wala na sila inaksaya na oras at ininstruck ni Kaede ang mga kasamahan may iba na mag focus sa ground floor, may iba sa second at third floor. May tahol ng aso na narinig ang fire volunteers at nakita nila ang paglabas ni Ayumu at nasa likod nito si Nagi. Lumapit ang aso sa nagkukumpulang bata, naapula na rin nila ang ground floor pero malakas pa rin ang apoy. Nakilala ng mga bata si Kaede at lumapit ang mga ito sa grupo ni Kaede.

           "Rukawa-niichan, tulungan mo si Haruko-nee" ang narinig na paulit ulit na plea ni Kaede tumigil sya sa pag spray ng tubig at humarap sa mga bata "Ano?" tanong n'ya. "Rukawa-nii, wala ng oras si Haruko-nee nasa pedia ward classroom, tulungan mo sya" pakiusap ni Ryuu. Nag iiyakan na mga bata, "Captain, clear na ang second floor" comment ni Kaname na naka sampa sa hagdan na nasa gilid ng pader. Magtatanong pa sana si Kaede kung nasaan si Haruko, "Kaede-nii.... Please iligtas mo si Haruko nee at Megumi-chan" isang malambing na boses ang narinig ng lahat.

.....

           Malakas na ang apoy at nahirapan na makahinga si Haruko dahil sa usok, may naramdam si Haruko na babagsak na bagay kaya niyakap nya si Megumi para ishield sa anuman itong bumagsak. Pintuan pala ng katapat ng room ang bumagsak hindi ito gawa sa kahoy kaya hindi ito nasunog pero dahil sa pagbagsak ay natamaan ang likod ni Haruko. Umiiyak naman si Megumi "Huwag ka na umiyak Megumi, ayos lang si Neechan, may magliligtas sa atin". Pinilit na alisin ng bata ang pintuan sa likod ng kanyang ate Haruko ngunit hanggang sa may bawyang lang nya naalis ang naka patong sa likod ni Haruko. Hindi na pinaalam ng dalaga na nasaktan sya sa pagtama ng pinto sa kanyang likod, "Rukawa-kun... tulungan mo kami" huling sinabi ni Haruko bago sya nawalan ng malay.

.....

            Nagulat naman ang mga bata maski sina Sakuragi at Sendoh sa narinig nila. Si Nagi after ilang years na hindi makapagsalita ay may boses na, naiyak naman si Minari para sa kaibigan "Nagi-chan,, you can talk!". Hinawakan ni Nagi ang kanyang bibig at sinubukan ulit magsalita "Kaede-nii!!".

          Nag iyakan naman ang mga bata pati si Nagi ay umiiyak pa rin, wala na sila panahon para mag dwell sa pagbalik ng boses ni Nagi mas importante mailigtas si Haruko at Megumi "Nagi nasaan si Haruko?" tanong ni Kaede. "Malapit sa fire exit may naka harang na kahoy na may apoy sa daan tumalon si Ayumu para makalabas kami". Nag nod ang binta "Sendoh, tulungan mo ako". Nag salute si Sendoh "Okay Captain, sa bintana tayo dumaan, Sakuragi, Kaname paulanan nyo ang bintana sa third floor". Wala naman sa mood kumontra pa si Sakuragi at ginawa ito, gamit ang hagdan mula sa fire truck umakyat ang dalawa papunta sa third floor, binasag ni Kaede ang bintana, may dala na water hose si Sendoh at binasa ang buong paligid at madaraanan nila. Konting hakbang lang at narating nila ang fire exit nakita nila si Haruko na naka dapa, may nakadagan sa likod nito.

           Nag tulong sina Kaede at Sendoh na alisin ang bagay na nasa likuran ni Haruko, ngayon nakita ng dalawa na may yakap si Haruko na isang bata. "Baka may bali si Haruko dahan dahan lang Rukawa" paalala ni Sendoh ng nakita na bubuhatin ni Kaede ang dalaga. Nag nod si Kaede at tumakbo sa may bintana "Stretcher" sigaw nya. Mabilis naman umaksyon si Kaname at Sakuragi, naapula na nila ang sunog pero may usok pa din. Dumaan ang dalawa sa bintana at bitbit ang stretcher inalalayan ni Sakuragi si Rukawa na ilagay sa stretcher si Haruko. Si Sendoh naman ang bumuhat sa bata "Ikaw ba si Megumi?". Nag nod ang bata, "Shh,, huwag ka na umiyak ligtas ka na, ligtas na kayo ni Haruko" pagpakalma ni Sendoh, sa bintana pa rin sila dumaan, gamit ang ladder, medyo tricky ang pagbaba kay Haruko nagawan nila ito ng paraan.

             Pagkababa nilang lahat ay kumalma na ang mga bata pero may ilan pa rin umiiyak katulad ni Ryuu dahil nakita nya na puno ng sugat at walang malay ang kanyang Haruko neechan. Nakarating na sa kabilang building at other units na nasusunog ang pedia ward building at noong naikita ng ilang doctor at nurses na nasa stretcher si Haruko ay hindi nila napigilan mag alala. Lumapit si Nurse Kara at Doc Kogure kung nasaan ang fire volunteers na may bitbit ng stretcher, "Dalhin nyo si Haruko sa ER" utos ni Kogure. Mabilis naman kumilos ang ER nurses at ginawa ito, pati ang mga bata ay dinala nila sa ER.

             Nakita ni Sakuragi ang pag aalala sa mata ng kaibigan "Rukawa, alam namin na gusto mo puntahan si Haruko". Umiling si Kaede "Mamaya na lang, may trabaho pa tayo" gusto man nya alam nya may tungkulin pa sya na dapat gawin. "Captain, kami na po bahala mag investigate dito, alam namin na nag aalala ka para kay Ms. Haruko" wika ni Kaname, kita ng buong fire department na mahalaga para sa kanilang captain ang dalaga at hindi sila naive about dito. Sendoh closes the discussion "Tama si Kaname at Sakuragi, kami na bahala dito Rukawa, puntahan mo na si Haruko". Nakita nina Sakuragi, Kaname at Sendoh for the first time ang ngiti ni Rukawa, hindi ito yung usual na taunt at smirk nito, more on genuine smile "Salamat" at tumakbo na ang binata papunta ng ER.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now