Chapter 26

62 4 5
                                    

          Matinding pagod ang naramdaman ni Kaede pagkabalik ng fire station matapos nila mag apula ng sunog. Wala naman nasugatan sa kanila ngayon which is a good thing. Mabuti na lamang at tinawagan ni Miyagi ang kabilang fire station dahil kung hindi sigurado sya na mas malaki at matagal naapula ang sunog na nasa 12th district. May 30 minutes pa bago matapos ang kanyang shift kaya inihanda na nya ang mga reports na kailangan nga gawin para bukas at nilock ang steel cabinet sa ilalim ng kanyang table. Nauna na umuwi si Sendoh at Sakuragi dahil mas maaga ang pasok ng dalawa kaysa sa kanya. Nang tumunog ang relo nya tumayo sya at nagpaalam na din sa mga katrabaho.

"Uwi na ako. Kayo na bahala dito. Ingat" mga bilin ni Kaede
"Opo Captain. Ingat din po kayo" chorus ng boys

            Naglakad si Kaede ng madaanan na ang isang pastry shop, nakita nya ang isang cake mula sa display "Para may dessert... Aa, para din kay Haruko" bulong nya sa sarili. Iniisip ng binata na baka mahilig sa sweets ang dalaga. Pumasok sya sa loob at nagtungo agad sa cashier.

"Good evening Sir, ano po sa inyo?" tanong ng lalake na cashier
"May maliit na cake ba kayo nito?" tinuro ni Kaede kung ano flavor ng cake

"Mayroon po Sir. Square po ba or Circle shape po ng cake?"
"Yung pa bilog lang"

          Nag nod naman ang kahera at kinuha sa ref ang flavor ng cake na napili ni Kaede ipinakita din nito ang expiration date. Nilagay sa box ang cake at nilagyan ng ribbon ng lalake. Binayaran na ni Kaede ang cake at nagpatuloy paglalakad pauwi ng bahay. Habang naglalakad hindi nya alam kung may pagkain ba sa kanila kaya tinawagan nya ang kanyang aniki... "Aa.." ayan lang nasagot nya ng sinabi ni Itsuki na nagluto na ito ng dinner nila.

            Kung dati ay inaabot ng 15 minutes walk si Kaede para makauwi ng bahay dahil sa bagal nya lumakad. Ngayon 9 minutes lang ay nakauwi na sya, aminado sya na excited sya makita si Haruko.

.....

"Tadaima" bati ni Kaede pagdating ng bahay
"Okaeri" bati naman ni Haruko na nakaupo sa sofa

             Ngumiti naman si Kaede sa pagbati sa kanya ng dalaga, masaya sya na kasama si Haruko at may kung ano sya naramdaman na hindi nya maintindihan pero ang alam nya ay hindi kumpleto ang araw nya kung hindi nya nakakausap o nakasama ang dalaga. "May pasalubong pala ako sa inyo Haruko" wika ni Kaede. Nag smile naman si Haruko "Oohh... Thank you Rukawa-kun". Nagtanong naman ang binata dahil hindi nya narinig si Ayumu simula pa kanina, "Kasama ni Itsuki-kun nasa likod sila. May swimming pool pala dito." paliwanag ng dalaga. Nag nod naman si Kaede "Aa. Sige ilagay ko muna ito sa ref. Maupo ka muna mamaya kakain na tayo". Ginawa naman ito ni Haruko, inalalayan sya ni Kaede.

           Pagkalagay ng cake sa ref ay umakyat muna ang binata para makapag palit ng pambahay. Pagkatapos ay nagtungo sya sa likod bahay "Aniki, nagluto ka ng dinner kain na tayo" bati ni Kaede. Tumaas ang kilay ni Itsuki na trinato ng kapatid sa kanya "Hn.. Tara na Ayumu". Nag bark naman ang aso at pumasok sila sa loob. Nagtulong ang magkapatid na maghain at maya maya inalalayan ni Kaede si Haruko makapunta sa hapagkainan.

"Kumusta ang house hunting nyo ni Haruko?" tanong ni Kaede
"Hindi ko binili ang unit na inoffer sa akin" pagkwento ni Itsuki

"Aa. Bakit? Hindi mo gusto?"
"Hn. At mabuti sinama ko si Haruko-chan ang dami nya good points kaya nagbago isip ko"

              Nag giggle naman si Haruko "Haha.. Ano kasi Rukawa-kun, based sa observation ko pareho kayo ni Itsuki-kun na gusto ang tahimik na lugar. Nasa bayan yung condo at marami stop light so maingay dun, what more pa kapag rush hour", nag nod si Itsuki, "Ayaw mo non Rukawa-kun maging neighbor na kayo ng iyong aniki" dagdag ng dalaga. "What do you mean?" tanong ni Kaede. "Foolish little brother yung corner lot malapit dito ang binili kong bahay. Neighbors na us" nag smirk si Itsuki. "Nakakatawa nga yung agent galit na galit kay Haruko-chan" dagdag nya. "Paanong galit?" sumali si Kaede sa trip ng kapatid. 

Echoes in the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon