Chapter 15

66 5 0
                                    

           Kanya kanya ligpit naman ng pinagkainan ang boys, napansin ni Kaede na inaantok si Nagi dahil panay ang hikab nito "Nap time mo na" sabi ni Kaede. Nag nod naman si Nagi. Hindi alam ng binata kung saan pwede patulugin ang bata "Sa lounge sa office ko doon mo patulugin si Nagi. Makikita pa din natin sya sa clear window sa next room" pag offer ni Maki. Nag nod si Kaede at nagpasalamat "Nagi sa office ni Chief ka daw mag sleep. Mamaya pa darating sina Sendoh . Sleep ka muna" paliwanag ni Mitsui. Itinaas ni Nagi ang kanyang braso naintindihan naman ni Kaede at binuhat.

          Nilagyan ng unan ni Maki ang sofa para kay Nagi. Inihiga na ni Kaede ang bata at ilang segundo lang ay nakatulog na ito. Dahan dahan naman naglakad ang boys papunta sa kabilang kwarto. Sina Maki, Ikegami, Mitsui at Rukawa lamang ang nag-uusap usap.

"Katulad ng sinabi ko kanina, sasabihin ko ang ibang detalye. Confidential ito kaya please lang hindi dapat ito makalabas" paliwanag ni Ikegami. Seryoso naman ang the rest of the boys
"Wala makaka alam na iba. Pero paano kung sabihin din ni Koshino?" tanong Mitsui
"May instruction sya kay Superintendent Uozumi na hindi dapat malaman nila Sakuragi. Madaldal ang mga yon" muling paliwanag ni Ikegami

"May lead na ba kung sino gumawa nito kay Haruko? Hindi makatao ang ginawa nila, Dapat mahuli na" tanong ni Maki
"Paano ang bahay si Haruko? Anong gamit ang nawala?" tanong naman ni Kaede

           Isa isa naman ipinaliwanag ni Ikegami ang findings nila sa ngayon. Ipinaliwanag din ni Inspector Ikegami na matindi ang sira ng bahay ni Haruko at since isa ito person with disability, sagot ng local government ang pagpapaayos ng bahay, aabutin lamang ng 2 to 3 weeks ang paglilinis at pagsasaayos ng bahay sa dati nitong itsura. "Aa.. Maari mag stay si Haruko pansamantala kina Momoka-san" comment ni Kaede. Valid ang point ng binata dahil magkapitbahay lang sila. May pinagtataka naman ang binata, si Mitsui na ang nagtanong para sa kanya "Ikegami, hindi na sinasabi ko na suspect si Momoka-san, pero how come hindi nila narinig ang komosyon sa bahay ni Haruko. Magkatabi lang sila". "Based sa pag investigate ni Koshino sa crime scene, kasama ang bahay ni Momoka-san, may sleeping gas na ginamit ang suspects. Pinadaan nila sa likod bintana na nasa kusina ni Momoka-san" paliwanag ni Ikegami.

          "Hindi ba pinag interesan ng suspects ang bahay ni Momoka-san?" /" Ano ginawa nila kay Ayumu?" magkasunod na tanong ni Maki at Mitsui. "That's the thing, secured ang bahay ni Momoka-san may mga double lock ang pinto at naka lock din ang mga bintana. Si Ayumu, yung service dog ni Haruko binigyan nila ng pagkain na may sleep paralysis agent na tatagal ng 1 hour, kapag sobra doon it can cause death sa animals. Kaya naitago nila si Ayumu" sagot ni Ikegami. "Hindi naglalock ng pinto si Haruko" maikling paliwanag ni Kaede. Napatingin naman ang tatlo sa binata "Paano mo nasabi, Rukawa?" tanong ni Miyagi. "Nahihirapan daw sya magbukas ng kanyang pinto. Noong inihatid ko sya, si Ayumu pa ang nagbukas ng pinto" paliwanag ni Kaede.

          Minabuti ng binata na ilihim na noong sinundo nya si Haruko para manuod ng orchestra concert, si Ayumu ang nagbukas ng pinto para sa kanya "White lie lang naman" sabi nya sa isip. Na mangha naman si Ikegami sa nalaman nya "Smart dog". Nagtawanan naman sina Mitsui at Maki, "Ayan nga din sinabi namin dinagdagan pa na mas matalino pa aso kay Sakuragi" comment ni Mitsui. Ilang minuto pa nag usap ang boys bago nag paalam si Ikegami. Sinabi ng binata kay Rukawa na kakausapin nya si Haruko about sa bahay at case nito. Nag nod naman si Rukawa.

.....

          Chinecheck ni Kaede ang reports ng mga subordinates n'ya. Nasa ginawa na report ni Sakuragi ang binata, paulit ulit nya binasa ito bukod sa hindi maintindihan ang sulat, hindi na naman sineryoso ng kaibigan ang trabaho "Sumakit lang ulo ko" mahina bulong ni Kaede at ibinalik sa table ni Sakuragi ang sinulat nya. Nag email sya sa ka trabaho ng corrections para may proof na ininform nya ito. 2 ½ hours na simula ng umalis sina Koshino, Sendoh, Miyagi at Sakuragi. Mahimbing pa din natutulog si Nagi.

          15 minutes ang lumipas ng dumating ang apat ang dami nila bitbit. "Binili nyo ba ang mall?" comment ni Kaede. "Muntik na nga eh. Haha, nag hanap kasi kami ng lead free toys para kay Nagi" paliwanag ni Koshino. "Ang hirap pala hanapin yun, wala kami makita, pero mayroon na safe for kids kaya ito binili namin" sabi ni Sendoh at ipinakita ang hawak na tea set toy para kay Nagi. "Nasaan yung make-up at pang nails ni Nagi?" tanong ni Mitsui. "Nakay Ryo-chin, ayaw ibigay sa akin" paliwanag ni Sakuragi.

"Syempre. Itapon mo pa, kilala ka namin" chorus ni Koshino at Miyagi
"Grabe kayo. Tandaan nyo gagantihan ko kayo!" pagbabanta ni Sakuragi

"Sa ngayon, ikaw muna mag dusa bago kami. HAHAHAHAH" sagot ng dalawa

          Nagtawanan naman ang lahat, nagpaalam na si Koshino dahil lagot sya kay Uozumi kung hindi pa sya babalik ng police department "Send nyo sa akin pictures okay?". "Oo, sesend ko sayo Koshino, kamusta mo ako kay Fukuda" sagot ni Sendoh. "Where is babygirl?" tanong ni Miyagi. "Wow nag eenglish, buti hindi bumula bibig mo. Nyahahaha" asar ni Sakuragi. Nainis naman si Miyagi "Itulad mo ako sayo, Bobo!".

"Anong sinabi mo??" tanong ni Sakuragi
"Hindi ko alam bukod sa pagiging bobo, bingi ka pa" sagot ni Miyagi

          Mag sasapakan na naman ang dalawa ng awatin sila ni Maki "Tumigil kayong dalawa. May binili ba kayo pastries". Nag nod naman sina Sakuragi at Miyagi dahil nakakatakot ang kanilang chief kapag nagalit. "Meron po Chief,, nasaan po si Nagi-chan?" tanong ni Sendoh. "Nasa opisina ko natutulog" paliwanag ni Maki. Tatayo sana si Kaede para gisingin ni Nagi ng awatin sya ni Mitsui "Huwag mo gisingin si Nagi-chan, masisira ang tulog ng bata". Tinandaan naman ni Kaede ang sinabi ng kaibigan. 2:30 pm pa lang naman. Nag uusap ang boys kung paano makapag start sa makeover ni Sakuragi kung tulog pa si Nagi.

          Hindi na pala kailangan gisingin ng boys si Nagi. Ang bata ay nasa pintuan na at lumapit sa kanila. Gulo gulo pa ang buhok nito. Tinawag ni Kaede si Nagi, lumapit naman ang bata inayos nya ang buhok ni Nagi "Nagi, nandito na sila, dala toys mo. Gusto mo na ba mag play?" tanong ni Kaede. Nag nod naman si Nagi at nagising na talaga, pinagmamasdan nito ang hawak na laruan ni Miyagi at Sendoh. "Ano una mo gusto laruin?" tanong ni Maki. Palipat lipat ang tingin ng bata kina Miyagi at Sendoh. Nagtawanan ang lahat dahil kumekendeng pa ang dalawa habang inilalayo at inilalapit ang boxes ng laruan. "Ano to, deal or no deal?" comment ni Mitsui. "Haha oo. Kaya Nagi-chan, pili na!" sing sang ni Sendoh.

          Pumalakpak naman si Nagi at mas lumapit sa dalawa pinili nito ang makeup at nail art set. Sumulat si Nagi "Lalagyan ko po kayo lahat ng nail sticker. Please..". Nagkatinginan naman ang boys ayaw nila ma disappoint ang bata kaya pumayag sila. "Wala problema Nagi, pero si Sakuragi lamang ang lalagyan mo ng make-up okay" pag compromise ni Maki at sinabi na din ang concern ng lahat. Nag nod naman si Nagi. "Arrrggg.... Chief ang sama mo sa akin. Huhuhu" pagdradrama ni Sakuragi. Nagsulat muli si Nagi sa kanyang sketchpad "Sakuragi-nii sigurado ako matutuwa si Fujii-nee chan kapag nakipaglaro ka sa akin ng make upan. Ipakita natin picture mo sa kanya, lalo sya mainlove sayo. Sabi ni Nee chan, love ka daw nya".

          "Talaga ba Nagi? Syempre naman. Alam ko na mahal ako ni Fujii. Tara na ayusan mo ako. Nyahahaha" mabilis na sagot ni Sakuragi at umupo na sa sofa. Kinuha naman ni Nagi ang box ng laruan kay Miyagi at nilapitan ang kanyang Sakuragi-nii. "Mambobola pala si Nagi" comment ni Sendoh. "Kanino sya nagmana, kay Momoka-san, or kay Haruko-chan?" tanong ni Maki. Nag shrug naman ang boys at lumapit sa dalawa. Pinabuksan na nila ang dalawa pa laruan kay Nagi. Excited naman ang bata sa pag open ng kanyang toys "Thank you po" isinulat ng bata. Isa isa niyakap ni Nagi ang bago nya kuya "May ma ishare ako toys kina Minari at Megumi" dagdag pa nya bago bumalik sa paglalagay ng eyeshadow kay Sakuragi. Pumili na din ang boys ng nail sticker na ilalagay sa kanila "Washable naman daw sabi sa instruction" comment ni Miyagi habang pinapakita ang box. Tinanong naman ni Maki kung sino si Minari at Megumi. Ipinaliwanag ni Nagi na kasama nila sa pedia ward sa ospital.

         Pinipigilan tumawa ng boys sa make-up na nakalagay sa mukha ng kaibigan nila. Nag thumbs up si Nagi para sabihin na tapos na sya. May laruan na salamin na kasama sa toys ng bata at iniabot nya ito kay Sakuragi. Dahan dahan naman iniharap ng binata ang salamin sa kanya...

"AAAAHHHHH"
.

.

.

.

"Ang Puge...." asar ni Mitsui ng matapos ayusan ni Nagi si Sakuragi.
"Ang puge talaga. Mukhang... Pugita! HAHAHAHA" asar ni Miyagi
"HAHAHAHAH"

          Ang mukha ni Sakuragi ay may itim na eyeshadow sa buong talukap at ilalim ng mata, ang kapal din ng blush on nito. Hindi na kinaya ng iba at tumawa na din sila. "Huhuhu" kunyari pag iyak ni Sakuragi, kinukunan naman sya ni Kaede ng mga larawan. Tumawa din si Nagi kahit wala sya boses, "Sakuragi-nii, joke lang hehe aayusin ko na eyeshadow mo". Hinayaan naman ni Sakuragi gawin ng bata ito "Watch out boys, gaganti din ako sa inyo" sabi nya. Binura ni Nagi ang nakalagay na eyeshadow at blush on sa mukha ni Sakuragi gamit ang wipes. "Saan galing yan?" tanong ni Sendoh. "May bag si Nagi galing kay Momoka-san" paliwanag ni Rukawa.

"Panlinis ng pwet ng baby yan diba?" comment ni Maki
"Pwede na yan kay Sakuragi" sabi ni Mitsui
"Mukha ba ako pwet?" inis na sagot ni Sakuragi

"Hindi ka mukhang pwet. Mukha kang jebs" asar ni Miyagi

          Nagtawanan na naman ang boys, pinipigilan naman ni Sakuragi ang kanyang galit. Nakapikit pa din ang binata dahil hindi pa tapos si Nagi. Napapatulog na sya ng maramdaman nya na kinakalabit sya. "Ano itsura ko?" tanong ni Sakuragi ayaw muna nya tumingin sa salamin dahil baka magulat na naman sya sa itsura nya. Wala naman nagsasalita kaya inulit nya "Oi Ano nga itsura ko? Umbagan ko kaya kayo". Naputol ang katahimikan nila ng magsalita si Kaede "Mas mukha ka tao".

"Sakuragi, hindi ko akalain bagay pala sayo ang pogi mo" comment ni Sendoh
"Matagal ko nang alam na pogi ako. Teka inaasar nyo ako noh"

"Hindi. Maniwala ka. Hindi ka makikilala ni Fujii" mula ito kay Maki

           Diskumpyado pa din si Sakuragi, inabot ni Mitsui ang salamat. "AAAAAHHHH ANG GWAPO KO LALO". Light lang ang ginawa ni Nagi na make-up at lip gloss lang, mukha hindi gagawa ng masama ang itsura ni Sakuragi "Nagi-chan, pinagmukha mo tao si Sakuragi.. Ay mukha sya artista aah" comment ni Mitsui. "Oi Ryo-chin picturan mo ako ang pogi ko maiinlove lalo si Fujii sa akin, mukha ako mabait HAHAHAHAH". Pinagbigyan naman ni Miyagi ang kaibigan. "Nagi-chan, paint mo na din nails ni Sakuragi-nii" request ni Sakuragi. "Oi ako muna una ngayon" sabi ni Miyagi. "Mukha nag eenjoy ka Miyagi ah" comment naman ni Maki. "Nagpapractice sya Chief, para kapag may baby na sila ni Ayako" paliwanag ni Rukawa. Napakamot ulo si Miyagi "Hehe opo, ang cute ng babae na anak".

          "Ako susunod kay Miyagi. Last ka na Sakuragi. At after nyan tea party kasi 3:00pm" instruction ni Maki. Ngumiti naman si Nagi, nagtawanan ang boys. Kahit si Kaede at Kaname ay hindi nakatakas sa nail paint at tea party ni Nagi. Naging child friendly environment ang fire station.

.....

          Nagtext si Momoka kay Kaede kung ano oras sila babalik ni Nagi. Sinabi naman ni Kaede na mga 5:30 pm nasa ospital na sila. Dumating ang 5:30 pm at nasa lobby na ng ospital sina Kaede at Nagi. Bumaba saglit si Momoka mula sa hospital room ni Haruko para sunduin ang anak, "Rukawa-san, thank you pasensya ka na kung naabala kita. May naging problema ba kay Nagi?". Umiling naman ang binata "Ayos lang, nag enjoy sila sa office makasama si Nagi binigyan namin ng bagong toys wala kasi sya gagawin doon". Nagpasalamat si Momoka sa mga binigay ng boys sa kanyang anak, sinabi ni Momoka na uuwi na sila ni Nagi. "Sino magbabantay kay Haruko ngayon gabi?" tanong ni Kaede. "May work si Fujii-chan ngayon, tom pa sya makakapunta, sabi ni Doc Kogure bukas mag rounds ulit sya kung pwede na umuwi si Haruko. Sinabi ni Haruko na kaya nya kahit walang magbantay sa kanya, hindi nga ako mapalagay pero hindi naman pwede na pabayaan ko ang anak ko" sagot ni Momoka.

          Nag volunteer ulit si Kaede at sinabi kay Momoka na darating ang Police Inspector bukas para iinform si Haruko about sa ibang detalye. Nag pasalamat muli si Momoka sa pag offer ng binata. Nag paalam na ang mag ina. Sumakay na si Kaede sa elevator, laking pasalamat nya dahil nagdala sya ng extra damit na nasa kanyang bag. 

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now