Chapter 49

51 3 0
                                    

              Abala si Haruko sa pag proseso ng ilang birth certificates ng mga sanggol na pinanganak kahapon nang dumating si Nurse Kara na nag request ng ilang records ng patient, tatayo na sana si Haruko para asikasuhin si Kara ngunit inawat sya ni Rin "Ako na muna mag assist kay Nurse Kara unahin mo na muna mga birth certs.. Urgent kasi yan", ngumiti si Haruko "Thank you Ms. Rin..." kumaway sya kay Nurse Kara na nasa labas ng window nila, nag wink naman si Kara sa kaibigan "Chika na lang tayo sa susunod Haruko..." pinirmahan ni Kara ang log book "Thanks Ms. Rin... Bye Girls" at umalis na. Sinusuri ni Haruko maigi ang mga detalye sa bawat birth certificates para masigurado na tama ang mga spelling ng pangalan at iba pang importanteng impormasyon. Hindi namalayan ng dalaga ang oras at na may dumating na naman na nasa labas ng window nila. Nagkatinginan si Shiori at Rin bago gumawi ang tingin nila kay Haruko. Bahagya tinawag ni Rin ang atensyon ng katrabaho.

"Haruko..."
"Hmmm?" lumingon si Haruko sa katabi, natawa naman si Rin sa actions ng dalaga

"Ehem... May client sa window mo asikasuhin mo muna"
"Salamat"

(Tumayo si Haruko para makita nya kung sino ang 'client' na sinasabi ni Rin)

"Kaede-kun?!!!" gulat na gulat si Haruko ng makita ang boyfriend
"Hahahaha" nagtawanan naman si Shiori at Rin, si Kaede naman ay may smirk lang

              Sinabihan ni Shiori si Haruko na papasukin si Kaede sa loob, pinagbuksan naman ni Rin ng pinto ang binata dahil mas malapit sya dito. Bahagya yumuko si Kaede para magbigay galang sa mga kasamahan ni Haruko, alam naman nina Shiori at Rin na hindi masalita na tao ang pamilya Rukawa kaya alam rin nila na ang pag yuko ni Kaede ay katumbas na ng 'Hello'. Nilapitan naman ni Haruko si Kaede "Tuloy ka...", sinundan naman ng binata sa loob ng medical records ang kanyang kasintahan. Nagtataka naman si Haruko kung ano ginagawa ni Kaede sa ospital lalo na sa mismong department na pinagtatrabahuhan nya, provided sinusundo sya ng kasintahan tuwing uwian pero hindi pa ito dumadalaw sa kanya during office hours.

"Sir Shiori, Ms. Rin... si Kaede-kun po pala boyfriend ko" pagpapakilala ni Haruko
"Kaede-kun... si Sir Shiori ang supervisor ko and si Ms. Rin naman ang superior ko"

"Hn...." tinignan naman ng masama ni Haruko si Kaede "Hello..."

(Natawa na naman si Shiori at Rin sa antics ni Kaede)

"Kaede-kun ano ginagawa mo rito?" takang tanong ni Haruko
"Lunch break"

"Ooh... Buti nakaalis ka ng fire station"
"Aa... lunch break"

"Sige maupo ka muna, Kaede-kun"

               Hindi naman naintindihan ni Haruko ang gusto iparating ni Kaede, nagkatinginan naman silang tatlo (Shiori, Rin at Kaede). Nag release ng giggle si Rin sa pagiging naive ni Haruko "Haruko-chan.... I think gusto ka yayain mag lunch date ni Rukawa-san", nag blush naman si Haruko at bigla tumingin kay Kaede, nag nod ang binata "Eeeh.... Bakit hindi mo sinabi agad". Sumagot naman si Kaede "Sinabi ko... lunch break", tawang tawa naman si Shiori sa na saksihan na interaction ni Haruko at ng boyfriend nito "Oo nga naman Haruko, sinabi na ni Rukawa-san, 'lunch break'... then 'lunch date'" nag wink pa sya sa couple na ikinapula lalo ng mukha ni Haruko "Sir!!!" pag awat ng dalaga.

"Bakit hindi ka na lang mag half day ngayon Haruko?" suggestion ni Shiori
"Hala Sir... paano po if marami request mamaya, hindi kakayanin ni Ms. Rin" pag tanggi ni Haruko, gusto man nya makasama ng matagal si Kaede pero may trabaho sya

""Sir Shiori aah, b.i. kayo, ini-encourage nyo si Haruko na mag leave hehe" comment ni Rin
"Aba, Ms. Rin, ikaw din naman ini-encourage ko mag leave kapag may mga date ka, tsaka kapag bata pa masaya mga date date na yan... Kapag mag asawa na kayo ay iba na yan... Kaya Rukawa-san payo ko sayo kapag naging mag asawa na kayo ni Haruko, si Misis ang laging tama, pati sa pera sa kanya dapat. Hahahah"

"Hahahaha... kayo talaga Sir"
"Haruko, sige na mag half day ka na, last week ako naman half day eh... Kaya na namin ni Sir Shiori dito"

Echoes in the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon