Chapter 18

63 2 2
                                    

          In 12 minutes narating na nila ang bahay ni Kaede. Inaalalayan pa din ng binata sa paglalakad si Haruko. "Mou... Nakakahiya sayo Rukawa-kun, nandito naman si Ayumu" paliwanag ng dalaga. "Sabi mo noon, inaaral muna ni Ayumu ang mga lugar na pinupuntahan nyo. Bago lang kayo dito sa bahay ko" paliwanag ni Kaede, may mas malalim pa na dahilan kung bakit gusto nya tulungan si Haruko. Sinisisi nya ang sarili kung bakit nangyari ito sa dalaga hindi man lang nya nagawa ito tulungan at gusto din ni Kaede ang feeling na naka depende sa kanya si Haruko.

"Ay, naalala mo pa pala ang sinabi ko noon. Nakakatuwa naman"
"Oo naman, iniisip mo ba na kakalimutan ko?"

"Hehe oo. I thought hindi mo tatandaan ang sinabi ko... Fleeting moment lang ganun"
"Lahat ng sinabi mo tinatandaan ko. Mahalaga ka sa akin"

          Hindi alam ni Haruko bakit bumilis ang heartbeat nya sa huling sinabi ni Kaede. Nagkaroon ng pink dust ang cheeks ng dalaga. Kita naman ni Kaede ang pag pula ng pisngi ni Haruko kaya mas lalo nya inasar ito "Baka hindi ka na makatulog nyan". Hinampas naman ni Haruko ang braso ni Kaede "Mou... Ikaw kasi Rukawa-kun, binigla mo ako sa sinabi mo". "Paano mo nalaman kung nasaan ang braso ko, hindi mo ako nakikita?" tanong ni Kaede curious talaga sya kung paano nalaman ni Haruko kung nasaan sya. Tumawa naman si Haruko "Secret!". Huminga ng malalim ang binata at may gestures pa ginawa naramdaman naman ng kasama nya ito kaya sinagot na nya ang tanong. "Okay, okay. Hwag ka na magtampo Rukawa-kun, hehe ang cute mo. Ano, because of your breathing and yung tunog kapag gumagalaw ka isang indication kung nasaan ka kaya nalalaman ko kung saan ka naka tayo. Siguro matangkad ka sa akin kaya hanggang braso lang ang abot ko sayo". "Aa" ayan lang ang isinagot ni Kaede.

"Hay nako ikaw talaga, ginagalit mo ako noh?"
"Bakit effective ba?" pag bait ni Kaede

"Of course not.... Kung....
"ARF!"

          Hindi na natapos ang bangayan ng dalawa dahil sa pagtahol ni Ayumu. Natawa naman si Haruko samantala napa smirk lang si Kaede. "Sorry Ayumu hindi kita nakalimutan. Inaasar kasi ako ni Rukawa-kun" / "Aa.. hindi naman. Ayumu, pag aralan mo ang ang bahay ko para matulungan mo si Haruko sa paglalakad". Passive look lang ang ibinigay ni Ayumu sa binata, na pahinga na lang sya ng malalim. Tinanong naman ni Haruko kung ano problema, ipinaliwanag naman ni Kaede na bored look ang binigay ni Ayumu sa kanya. "Haha, ang cute mo talaga Ayumu" comment ni Haruko. May naisip naman si Kaede, "Yumu, you want snacks?". "Arf Arf" pag bark ng aso at excited ito. "Sige, after mo mag ikot dito sa bahay ko bibigyan kita food" pag bribe ni Kaede.

            Nag howl si Ayumu at ready na mag ikot sa bahay ng binata. Pinaupo muna ni Kaede si Haruko "I tour ko si Ayumu at ipakita din sa kanya ang magiging kwarto mo. Dadalhin ko na ang gamit mo". Naramdaman ni Haruko na papalayo na ang dalawa. Tahimik lang sya habang iniisip kung ano kaya ang itsura ng bahay ni Kaede. Maya maya may naalala sya "Ang haba ng sinabi ni Rukawa-kun kanina. Hehe". Halos 30 minutes din nag ikot sina Kaede at Ayumu. Nang bumalik ang dalawa, lumapit agad si Ayumu sa binti ni Haruko, "Nag enjoy ka ba Yumu. Naalala mo ba?" / "Ahooo". "Good boy" compliment ni Haruko sa kanyang aso. Nag wag naman ng tail si Ayumu. Maya-maya dumating na si Kaede may dala ito na bowl na may laman dog food. May narinig na kalampag si Haruko mula sa bowl ni Ayumu ng inilapag ni Kaede ito sa sahig.

"May dog food and bowl ka dito?"
"Bigay ni Momoka-san, kasama ng gamit mo"

"Gutom na si Yumu" comment ni Kaede

          Mabilis na inubos ni Ayumu ang kanyang pagkain, binigyan ni Kaede ang aso ng tubig. "Rukawa-kun, may garden ka ba? Pwede mo ba palabasin si Yumu saglit para magawa nya ang business nya?" pakiusap ni Haruko. Naintindihan naman ni Kaede kung ano ang tinutukoy ni Haruko kaya nilead nya si Ayumu sa likod na garden. Maya maya bumalik na ang dalawa sa sala, "Okay lang sa garden hwag lang sa sofa and carpet" comment ni Kaede at binigyan ng serious look si Ayumu nag bark naman ang aso. "Huwag ka mag-alala Rukawa-kun, well trained si Yumu" wika ni Haruko. Nag offer si Kaede kung gusto manood ng tv or makinig ng radio ni Haruko, pinili naman ni Haruko ang former. Binuksan ng binata ang tv at tinanong kung ano channel gusto pakinggan ng dalaga. News ang gusto malaman ni Haruko kaya inilipat ni Kaede ang channel. Nagpaalam sya saglit upang maghanda ng kanilang hapunan. 7:00 pm na ng gabi.

          Kumain na sina Haruko at Kaede. Nagpasalamat si Haruko sa pagkain na inihanda ng binata. "Kailangan mo na uminom ng gamot at mag spray para sa throat mo" paalala ni Kaede. Binigyan ng binata ng tubig si Haruko, sya na din ang nagbukas ng gamot para sa dalaga. "Mamaya na yung pag spray, gusto ko sana mag bath muna" request ni Haruko. Nag nod naman si Kaede at inalalayan makapunta sa kwarto si Haruko "Sure ka ba kaya mo?" pag aalala ni Kaede. "Oo, kaya ko naman. Alangan ikaw mag paligo sa akin" pagbibiro ni Haruko, "Uy, joke lang. Na conscious ka noh". Pinindot ni Kaede ang ilong ng dalaga "Mang aasar ka talaga. Sige na maligo ka na. Isprayan pa natin ang throat mo para gumaling ka na". "Papalitan mo na ba si Doc Kogure, Mr. Firefighter? Haha". Pinindot naman ni Kaede ang tagiliran ni Haruko naintindihan naman ito ng dalaga at inalalayan sya ni Ayumu makapasok sa loob.

           Nakabantay si Ayumu sa pinto ng banyo ni Haruko, "Yumu, bantayan mo si Haruko"bilin ni Kaede bago bumalik sa sala. Tumahol naman ang aso. Nanunuod ang binata ng basketball game ng may malakas na tunog mula sa second floor, kasabay nito ay humahangos si Ayumu pababa ng hagdan papunta sa kanya. Wala na inaksaya na oras si Kaede at nagpunta na agad sa kung nasaan si Haruko. "Haruko papasok ako" wika ni Kaede at binuksan agad ang pinto ng banyo. Nakita nya si Haruko na napa upo sa sahig, nahulog ang stainless rack na pinaglalagyan ng mga toiletries at bukas pa ang shower. Pinatay agad ng binata ang shower at kinuha ang tuwalya na nakasabit at bahagya ibinalot sa katawan ni Haruko. "Mabuti hindi ka nasugatan. Ano nangyari?" tanong ni Kaede, laking pasasalamat nya at hindi nadagdagan ang sugat ng dalaga. "Bago ang lugar na ito. Hindi ako sanay... Akala ko kaya ko... Akala ko magagawa ko pa din ang ginagawa ko dati.... Ng dahil sa mga lalake na yun mas lalo ko naramdaman na invalid ako... Pinaramdam nila sa akin na disabled talaga ako.... I'm sorry Rukawa-kun nasira ko gamit mo. I don't even know how to distinguish shampoo bottle sa body wash na dati kaya ko..." umiyak si Haruko dahil pakiramdam nya ngayon ay invalid talaga sya.

          Nag whimper naman si Ayumu nag aalala sya kay Haruko. Pinunasan naman ni Kaede ang luha ng dalaga at pinakalma "Mapapalitan naman ang gamit, mas mahalaga ka.. Hindi ka invalid Haruko tandaan mo yan. Bago lang ang lugar na ito sayo at sana makita na ang gumawa sayo at makulong na sila". Nag nod naman si Haruko at ngumiti "Salamat Rukawa-kun". Hindi inaasahan ni Haruko na mararamdaman nya ang hininga ng binata alam nya na malapit ang mukha nila sa isa't isa "Haruko.... / Rukawa-kun....". Unti unti lumalapit ang mukha ni Kaede sa dalaga, maglalapat na ang mga labi nila...

DING DONG

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now