Chapter 20

70 4 3
                                    

"Rukawa, huwag mo na ako hintayin. Salamat sa paghatid mo sa akin. Sinabi sa akin ni Maki na binigyan ka nya ng leave." paliwanag ni Takenori bago bumaba ng sasakyan. Inihatid sya ng binata sa fire department/station. "Sige" tipid na sagot ni Kaede. Bumaba na si Takenori ng sasakyan at pumasok na sa loob, "Ang tipid magsalita ni Rukawa" comment nya. Dumeretso sya sa front desk at tinanong kung saan ang opisina ni Maki. Tinanong naman si Takenori kung ano pangalan nya. "Pasensya na po Lieutenant General, hindi ko po agad kayo nakilala. Ihatid ko na po kayo kay Chief" paghingi ng paumanhin ni Kaname. "Ayos lang, unannounced naman ang pagpunta ko dito" pagpapakalma ni Takenori. Nagpunta na ang dalawa sa office ni Maki ngunit wala ito. "Kaname! Si Chief ba hinahanap mo? Nasa common office sya" sigaw ng isang firefighter volunteer ng makita si Kaname na palipat lipat ang tingin at hindi alam ang gagawin. "Salamat" sabi ni Kaname. Nagtungo na sina Takenori at Kaname sa itinuro sa kanila.

Kumatok sa pinto si Kaname kahit nakabukas ito, napalingon naman ang lahat ng nasa office, "Chief, may bisita po kayo..". Hindi naman pa nakikita ni Maki kung sino ang tinutukoy ng kanyang staff "Sige, salamat Kaname. Bumalik ka na sa station mo". Nag nod naman si Kaname at pinapasok nya sa loob si Takenori.

"GOOOORRRIIIII!!! / AKAGI!!" bati nina Sakuragi, Mitsui, Miyagi at Sendoh
"Ah Akagi, noong sinabi mo na pupunta ka akala ko next week pa" comment ni Maki
"Hello" bati ni Takenori sa lahat

Pinagkaguluhan ng boys si Takenori. "Ano ginagawa mo dito, sa Kanagawa? Nasa Kyoto ka di'ba?" tanong ni Mitsui. "Sira ka ba, syempre para kay Haruko" paliwanag naman ni Miyagi. "Sinabi nyo ba sa kanya nangyari kay Haruko?" tanong ni Sendoh. Nagkatinginan naman ang tatlo kasama si Sakuragi at pagkatapos ay gumawi ang ang tingin nila kay Takenori.

"Captain / Gori/ Akagi"
"Mga walang hiya kayo.. Alam nyo nangyari sa kapatid ko tapos hindi nyo pinaalam sa akin?" galit na galit si Takenori.
"Sorry na. Hwag ka na magalit, nagiging Gorilla ka na naman eh" sabi ni Sakuragi.

Nakatakip ang tenga ng apat Kakaltukan na ni Takenori ang apat isa isa, na suntok na nya ang ulo ni Sakuragi at Mitsui ng magsalita si Maki "Huwag mo pag initan mga staff ko. Si Haruko ang may gusto na hindi ipaalam sayo". Nag apir naman sina Miyagi at Sendoh "Buti na lang naka iwas tayo sa umbag" / "Thank you Chief" magkasunod na sabi ng dalawa. Nakahawak naman sa mga ulo nila si Sakuragi at Mitsui, "Ang sakit non... Ang daya" chorus ng dalawa. Napailing na lang si Maki sa kakulitan ng mga staff nya.

"Kilala nyo si Haruko?" tanong ni Takenori
"Oo naman. Friends na kami" sagot ni Miyagi
"Mouse Squad nga tawag nya sa amin" pagkwento naman ni Sendoh
"Si Haruko si Cinderella, kami ang mouse squad nya. Haha" comment ni Mitsui

"Kung kilala nyo si Haruko. So, magkakilala din sila ni Rukawa.. Paano ba sila nagkakilala? Sabi ng kapatid ko dahil kay Fujii. Totoo ba yon?" nagtanong ulit si Takenori. Oo, sinabi na sa kanya ng kapatid kung paano sila nagkakilala ni Rukawa pero hindi sya kumbinsido kaya gusto nya malaman ang totoo sa mga kausap nya ngayon. Nagkatinginan naman sina Mitsui, Miyagi, Maki at Sendoh sa isip nila "Hindi pwede malaman ni Akagi kung paano nagkakilala si Haruko at Rukawa. Magwawala sya" . Tahimik pa din ang apat, "Gori... Nyahahaha maniniwala ka ba kung paano nagkakilala si Rukawa at Haruko... alam mo ba na... hmmmm.... Mmmmm" hindi natapos ni Sakuragi ang pagkukwento ng takpan ni Sendoh ang bibig nito. Hinatak naman papalayo ni Mitsui ang kanang braso ni Sakuragi sa kaliwang braso naman si Miyagi.

"Huwag mo pansinin si Sakuragi, magyayabang lang yan na sya ang dahilan kung bakit nagkakilala si Rukawa at Haruko" paliwanag ni Maki. Nakaharap si Takenori sa apat kaya binigyan ni Maki ng tingin si Sakuragi, nagets naman ito ng binata. "Mukhang nagsasabi nga ng totoo si Haruko" comment ni Takenori nag nod naman ang boys.

"Hindi nagsisinungaling si Haruko" chorus ni Sendoh, Miyagi at Mitsui
"Si Haruko sinungaling? NEVAH! Mabait sila ni Fujii honey ko" nakawala si Sakuragi mula sa tatlo

"Akagi, pumunta na tayo kay Uozumi" pag anyaya ni Maki

Nag nod naman si Takenori at umalis na sila ni Maki papunta sa kabilang building kung nasaan si Superintendent Uozumi. Nagbilin si Maki sa apat na gawin ang trabaho at huwag mag pa petiks petiks. Nag salute naman ang boys, ng sumara ang pinto nag kumpulan sina Sakuragi, Miyagi, Mitsui at Sendoh.

"Parang si Kingkong talaga si Gori. Simpleng bagay nag wawala agad" comment ni Sakuragi
"Bagay sa kanya yung movie na King Kong vs Godzilla" comment ni Mitsui
"Hindi noh, mas bagay yung Planet of the Apes movies kay Chief at Akagi" mula naman kay Miyagi

"Isama nyo na si Uozumi sa Planet of the Apes" sumali si Sendoh sa usapan

"HAHAHAHA, Monkeys in the house" asar ni Sakuragi
"Ahoo.... Ahoo" chorus ni Mitsui at Miyagi
"Bagay sa inyo. Hahaha" comment ni Sendoh
"Hey!"

"Teka, naisip ko lang, paano kaya kung may confrontation sina Gori at Rukawa. Nyahahaa nakakatawa siguro yon" pag voiceout ni Sakuragi sa iniisip nya. Nag nod naman sina Mitsui at Miyagi. "Oi, di'ba may project tayo sa mga susunod na mga buwan, bakit hindi kaya natin gamitin yun para magkita sila" suggestion ni Sendoh. Inakbayan naman ni Sakuragi ang binata "Nyahahah. Ang talino mo Sendoh, sabi ko sayo magsasama ka lang sa akin eh". "Huwag yung buhok ko" pag awat ni Sendoh. "Paki tawag nyo nga si Kaname, mag plaplano kami kailangan namin sya" pag uutos ni Mitsui. Nagplano na ang apat at kinutsaba pa nila ang mga kaibigan sa police department.

.

.

.

.

.

Kadarating lang ng kanyang bahay. Pag pasok nya sa loob ang bumungad sa kanya ay si Haruko na nakabihis at nakakabit naman kay Ayumu ang leash. "Rukawa-kun?? Ikaw ba yan?" tanong ni Haruko. "Oo ako ito. Saan ka pupunta Haruko?" tanong naman pabalik ni Kaede. "Tumawag sa akin si Kuya, mag kita daw kami sa park, mag picnic kami at bonding" paliwanag ng dalaga. Ngayon lang napansin ng binata na may bitbit na basket si Haruko, "Hindi ko alam may basket pala ako sa bahay". "Haha, silly. Wala ka basket sa bahay mo Rukawa-kun, dala ni Kuya, ibinigay nya sa akin kanina" sabi ni Haruko. Ipinaliwanag din nya na nag picnic sila ng kanyang kapatid tuwing bumibisita ito sa kanya dito sa Kanagawa. Nag aalala naman si Kaede kung paano makakarating ng park si Haruko ng walang problema "Gusto mo ihatid ko kayo ni Ayumu?". Umiling naman si Haruko "Kaya na namin ni Yumu ito". "Arf" tumahol si Ayumu.

"May tiwala ako kay Ayumu, wala akong tiwala sa mga makakasalubong ninyo Haruko. Kalalabas mo lang din ng ospital" pag amin ni Kaede. Ngumiti naman si Haruko alam nya na nagaalala lang sa kanya ang binata "Nakakahiya lang kasi Rukawa-kun, palagi kita naabala". Hinawi ng binata ang ilang buhok ni Haruko na nasa pisngi nito at nilagay sa likod ng tenga "Sinabi ko naman sayo, I don't mind when it comes to you Haruko", paliwanag ni Kaede. Hindi naman maiwasan ni Haruko ang pagpula ng mukha nya, "Siguro ang swerte ng mama mo kasi malambing ka, or naging girlfriend mo before". "Wala pa ako naging girlfriend" pag amin ni Kaede. "Ay hindi ko alam na choosy pala ang isang Kaede Rukawa" pagbibiro ni Haruko. Pumayag na siya sa alok ng binata na ihatid sila ni Ayumu sa park.

Napagkasunduan nina Kaede at Haruko na maglalakad na lamang dahil malapit lang naman ang park mula sa bahay ng binata. 12 minutes lamang ay narating na nila ito. "Arf. Arf" tahol ni Ayumu nang makita nya si Takenori na nakaupo sa bench sa may flower garden. "Aah, hindi lang pala si Yumu ang nag aalaga sayo Haruko" asar ni Takenori na nakita na nakalingkis ang kamay ng kapatid sa braso ni Kaede. "Haha, kuya nakakatawa" sarcastic na comment ni Haruko. Nag paalam na si Kaede ng magsalita si Takenori, "Rukawa, mag pareserve ka sa restaurant for three gusto ko mag dinner kami ni Haruko, I am inviting you as well". Nagulat naman ang binata sa sinabi ng kapatid ni Haruko pero nag nod sya "Okay. Ano oras?" tanong nya. Sinabi naman ni Takenori na 8:00 pm ang time. Umalis na ang binata.

Tinulungan ni Takenori si Haruko, sya na ang naglatag ng blanket, katabi nya si Ayumu. Maganda ang panahon ngayon araw, nagsimula na magkwentuhan ang magkapatid.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now