Chapter 78

69 4 2
                                    

Clank

Iniangat kaagad ni Ichinose ang ulo mula sa pagkatutok sa desktop, may pag soften ng expression ang kanyang mga mata nang mapagtanto na ang asawa pala ay dinalhan sya ng maiinom. Pinagmasdan ng patriatch na Rukawa kung paano yakapin ng asawa ang tray na pinagpatungan ng tasa na may ngiti.


"Mukhang malalim ang iniisip mo kung hindi mo man lang narinig ang pagkatok ko" bakas ang pang aasar sa boses ni Hisako kahit na malumanay pa ito
"Thank you... Hisako..." pag address ni Ichinose sa kape na katabi nya


(Nanatili tahimik ang asawa at hinintay ang susunod na sasabihin ng kaharap)

"I received an email last night from Father.... It's about the business venture offer that we have talked last week"


May paghinga ng malalim si Hisako na pinagmasdan ang asawa na pinadulas ang mga daliri sa kanang kamay sa buhok nito. Ito ang indikasyon na stress ang asawa, bihira lang gawin ni Ichinose ang ganitong mannerism at tanging sa kanya lang pinapakita ang kaugalian malayo sa kinasanayan ng lahat na makita na gruff, stern and strick na Ichinose. Tanda pa nya ang pinag usapan nilang mag asawa, malaking parte ng business venture na ito ay may posibilidad na may kinalaman ang kanilang mga anak "Humihingi na ba si Papa ng feedback, asap" mas realisasyon ito kaysa sa pagtatanong "Hn..." ang trademark na grunt ng mag aamang Rukawa ang narinig ni Hisako na mabiilis hinampas ang braso ng asawa. Ito ang dahilan para matawa si Ichinose at saglit na makalimutan ang pinoproblema, kinalma nya agad ang sarili nang makatanggap ng seryosong tingin mula sa kabiyak.


"Itsuki... and Kaede... may kani-kanila na silang buhay and career path... and our sons are both successful" ramdam ni Hisako na proud si Ichinose sa kanilang mga anak
"Of Course.... That's our sons... and they have their significant other na with beautiful traits..."


(May pagtaas ng labi si Ichinose na mabilis rin nawala, alam nya na nasa La La Land na naman ang asawa at iniisip na kaagad ang kasal ng kanilang mga anak)


"...So... seryoso talaga si Papa sa gusto nya?"
"Hai..."


Bumalik ang seryosong atmosphere sa mag asawa, lumagok ng kaunting kape si Ichinose para mabawasan ang stress kahit papaano. Tinabihan naman ni Hisako ang asawa at saglit na niyakap kahit na nakaupo ito, na niyakap rin sya pabalik "...I'm sure magagawan mo ng solusyon yan, Darling... that's the trait our sons got from you". Hinalikan ni Hisako sa labi ang asawa "...for good luck, Darling..." humagikgik siya at nag wink, may pagtaas ng kilay si Ichinose sa antics ng asawa na umalis mula sa pagkaupo sa kanyang hita at palabas na ng silid. Mabilis nyang hinablot ang palapulsuhan ng asawa para iharap sa kanya, wala syang pinalagpas na sandali at hinalikan ito ng mapusok sa labi.


"That's the kiss for goodluck..." seryosong wika ni Ichinose pero may smug expression



Ilan segundo ang lumipas ng bumalik sa ulirat si Hisako na nahulog ang tray na yakap sa sahig, at ang mga kamay ay naka kapit ng mahigpit sa braso at balikat ni Ichinose "Geez... Ichinose-kun... no wonder Haruko-chan stammers when I teases her about kissing Kaede-chan". May pag angat naman ng kilay ang asawa, kahit walang salita naunawaan ni Hisako ang sinasabi nito dahil matagal na silang mag asawa ay kabisado na nila ang kilos ng bawat isa "Kuhang kuha ni Kaede-chan ang traits and personality mo... and I guess pati talent mo for kissing..." humagikgik pa sya "Well si Itsuki-kun is more subdue although both naman sila respectful and conservative ni Kaede-cakes...".


Napapailing na lang si Ichinose bago napagtanto ang mas malalim na kahulugan na winika ng asawa lalo na ngayon na may pag taas baba ng kilay "Please... Hisako, I don't want to have visuals about our sons and his girlfriends' intimacy...." sumingit naman ang kausap "...or sex life?". Inuntog ni Ichinose ang noo sa ibabaw ng office table nya dahil hindi nya kinaya ang sinabi ng asawa "Please Darling....". Tinapik ni Hisako ang braso ng asawa na mas malumanay kumpara kanina at naglapat ng halik sa pisngi nito "Okay... okay... titigil na..." nakahinga ng maluwag si Ichinose "pero don't be a hypocrite... naranasan din natin ang ganon ng 'teenager' pa tayo...". Lumakas ang hagikgik ni Hisako sa hindi maipintang mukha ng asawa kaya naman hinalikan nya ito sa labi ng mapusok bago tumayo muli sa pagkakaupo sa hita nito.



"At dahil dyan, maiwan na kita Darling... I love you too...."

Echoes in the NightOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz