Chapter 64

57 5 0
                                    

"Neh... Kaede-kun?"
"Hn...."

"Saan tayo pupunta? Hindi naman sa ano, pero I think sarado na lahat ng pasyalan ngayon since madaling araw na"
"Aa... Sa bahay ko tayo pupunta, nagpaalam ako sa kuya mo, mahirap na baka bigyan na naman sya ng isipin ni Gunggong"

       May mahina pagtawa si Haruko sa sinabi ng kasintahan nya "About sa pasyalan" untag ni Kaede habang nagmamaneho "Plano ko sana mamasyal tayo before my birthday... hindi natin magawa ito sa mismong araw..." pagpapatuloy ng binata madali naman naunawaan ni Haruko ang dahilan "Since New Year rin ang kaarawan mo, Kaede-kun... mas mataas ang risk na magkasunog sa gano'ng okasyon", tahimik lang si Kaede ang buong atensyon ay nasa kalsada, ang kaliwang kamay ay nasa steering wheel. Ramdam lang ni Haruko na narinig sya ng kasintahan dahil ang kanang kamay nito ay humigpit ang hawak sa kanyang kaliwang kamay "I understand Kaede-kun, don't worry" inisip na rin nya kung ano ang maaari nyang gawin para maging mas espesyal ang kaarawan ni Kaede.

Huminga ng malalim ang binata"Bakit kinakabahan ako" untag nya.

"Huh Bakit?" takang tanong ni Haruko
"Sinabi mo rin yan noong nakaraan "I understand... Kaede-kun" then hindi mo na ako pinansin" pilit ginaya ni Kaede ang tono ng boses ng kasintahan

"Ay, pinansin naman kita... Kaede-kun ah... Kinakausap pa nga"

       Hindi naman inasaan ni Haruko na mag pout si Kaede sa kanya "Aww... bagay pala sayo mag pacute, Kaede-kun... Hehehe", bigla naman nawala ang pag papaawa ng binata at klinaro ang lalamunan "Tsk", pinisil ng dalaga ang pisngi ng katabi "Neeh... Nag tampo ka ba Kaede-kun?", hindi naman kumibo ito kaya may naisip na ideya ang kasintahan nya "Sige ka, hindi na lang kaya ulit kita pansinin" napalakas ang tapak ni Kaede sa brake pad mabuti na lang wala ng mga sasakyan ng ganitong oras at nasa gilid lang din ang sasakyan na lulan nila.

"Kaede-kun, be careful..." wika ni Haruko
"Huwag mo gagawin ang sinabi mo Haruko" seryosong saad ni Kaede

"Ha..i... nag biro lang ako kanina... Sorry" utal utal na wika ng dalaga na nahalata naman ng kasintahan nito na may takot itong naramdaman

       Hinalikan ni Kaede sa noo si Haruko "Pasensya na... Hindi ko gusto matakot ka sa akin Haruko" nakahinga ng maluwag ang dalaga "Parang ang term na galit at ang pangalan mo can't be together in a sentence" wika ni Kaede at hinawakan ang pisngi ng dalaga "Mapatawad mo na ba ako?" nanumbalik naman ang ngiti ni Haruko "Hai..." "ang sweet mo ngayon lalo Kaede-kun" bulong ni Haruko sa kanyang isip, may smirk naman si Kaede "Lagot sa akin si Aniki sa susunod na magkita kami" na nagpailing na lang sa dalaga.

       Makalipas ang tatlumpung minuto narating na rin nila ang bahay ng binata, nang masigurado ni Kaede na naka lock na maigi ang gate at gaahe ay pumasok na sila ni Haruko sa loob.

"Ito..." untag ni Kaede
"Huh??" may pagtataka sa boses ni Haruko

        Maingat na iniabot ni Kaede ang paperbag na dala nya mula sa sasakyan "Sleepwear mo" nang makita na may paglaki sa mata ang kasintahan ay mabilis syang nagpaliwanag "Mas conservative ito kaysa sa bigay ni Kaasan" ngumiti agad si Haruko "Thank you Kaede-kun" bigla naman may pagtaas sa kanyang kilay sa antics ng nobyo "Aa... hindi kita pagsuotin ng binigay ni Kaasan non... baka hindi ako makapagpigil" mahina man ay narinig nya itong buo, nakita nya na mabilis na pag excuse ni Kaede papunta sa kusina. Napailing na lang si Haruko na may kasabay na mahina pagtawa bago umakyat ng kwarto ni Kaede para makapag palit ng pambahay na binigay sa kanya.

.

.

.

.

       Sinag ng araw ang gumising sa mahimbing na diwa ni Kaede, dahan dahan nya minulat ang mga mata para agad masilayan ang tanawin na gustong gusto nya makita pag gising pa lamang, nakita nya si Haruko ang kasintahan na mahimbing pa rin natutulog, ang ulo ng dalaga ay nasa pagitan ng kanyang leeg at balikat, nakayakap ito sa kanya habang nakakulong siya sa kanyang mga bisig. Hinawi nya ang ilan buhok na tumabon sa magandang mukha ng kasintahan, hindi sya nagsawa na suriin ang features ni Haruko, iniayos rin nya ang kumot na nakabalot sa kanilang dalawa, hindi rin nakatiis si Kaede at naglapat ng matamis na halik sa labi ng dalaga

Echoes in the NightМесто, где живут истории. Откройте их для себя