Chapter 55

59 6 0
                                    

          May pagkakataon na lubos na appreciated ni Kaede ang personality na mayroon sya - reserved, quiet and even cold; sa ibang tao ay insensitive pa sya. Hindi nya masisi ang sarili sa ugali na mayroon sya ito na ang nakalakihan nya lalo na at sa business industry nag revolve ang mundo nilang pamilya. Aminado sya na hindi sya outspoken sa kanyang saloobin, sa mga pagkataon na hindi nya magustuhan ang kilos ng ibang tao towards him mag leash out na sya at makapagsalita ng masakit kung may gusto naman sya sabihin ay mas minabuti nya na sarilinin na lang ito ngunit unti unti nya napansin na mas open na sya sa saloobin at kalmado makihalubilo sa mga outspoken na tao katulad na lang ng kaibigan at katrabaho na si Hanamichi simula ng naging parte ng kanyang buhay si Haruko. Ganun pa man, masabi ni Kaede na nananalaytay pa rin sa kanyang dugo ang pagiging Rukawa maliban sa kanyang ina - sweet, bubbly and kind katulad ni Haruko, katulad ng nasaksihan nya ngayon kung katulad sya ng mga kaibigan malamang he'll make fun of himself na may nakabuka na ang kanyang bibig, may bahagya paglaki ng mata at pagtaas ng kilay itsura.

       Nanaig sa binata ang controlled emotions, calm and recollected thoughts ang pino-portray nya habang nakaupo sa sofa at pinagmasdan ang nasa kanyang harapan. Bakit nga ba affected si Kaede sa nakita nya? Simple lang, si Haruko at ang kanyang ama ay nag uusap which is a good thing for his perspective kasi it means na approved ang dalaga sa kanyang ama ang hindi lang usual ay may maliit na ngiti ang ama at nag crease pa ang mga mata sign na his father enjoys having conversation with his girlfriend habang hawak ang coffee mug, magkaharap pa ang dalawa. Si Haruko naman ay animated sa sobrang engross sa pag recall sa mga gusto malaman ng ama ng kasintahan- may kasama pa hand gestures ang pagkwento niya. Ang katabi ni Kaede na si Itsuki ay mas vocal ay nagsalita "Foolish little brother, am I the only one who notices that scene...". Una ay tahimik lang ang binata ilan segundo pa narinig ang trademark grunt nito in which Itsuki takes as no... na pansin rin ni Kaede ang interaction ni Ichinose at Haruko.

       Si Hisako naman ay sobrang tuwa sa nasaksihan, kilala nya ang asawa masyado itong seryoso, bihira nya lang makita ngumiti at hindi guarded ang expression "Oohhh, I can't wait for Haruko-chan to be my daughter in law and then when Kaede-cakes and her get married I'll soon have many grandkids to spoil..." pinigilan nya na mag squeal sa mga imahe na naglaro sa kanyang isip niyakap na lang nya si Ayumu ang aso naman ay masaya sa atensyon na nakuha. Si Itsuki ay hindi na natiis ang kanyang curiosity...

"Isali nyo naman kami sa usapan ninyo, Father... Haruko-chan"
"Oops... Sorry Itsuki-kun, sobrang engrossed ako sa pagkwento kay Otousan" may sheepish expression ang mukha ni Haruko

"We just talked about her work and I enjoy listening iba pala kapag may anak ka na babae" may content smile si Ichinose at sa bandang dulo ng pagsalita ay may mahina pagtawa
"Soon, Anata... daughter in law na natin si Haru-chan... and then grandkids to spoil... Kyaaah" hindi na nga napigilan ni Hisako ang sarili sa kilig at todo yakap kay Ayumu ngunit hindi naman masaktan ang aso

       Nasamid naman si Kaede ng marining sa ina ang 'grandkids' gusto nya pakasalanan si Haruko alam nya na hindi pa handa ang girlfriend sa ganitong bagay at syempre iniisip rin nya minsan once may sarili na sila anak ay sino ba ang maging kamukha - panalangin nya na mana sila kay Haruko kung sakali. Speaking of Haruko, halata na nailang ang dalaga dahil may pink dust sa cheeks niya.

"Mother, masyado pa po maaga para d'yan, busy pa po sa kani-kanyang career si Kaede at Haruko" si Itsuki naman ay inawat ang ina para hindi na mailang ang tinuturing na little sister
"Mou..." nag pout lang si Hisako

"I agree with your mother, on this one Itsuki... I can't help to imagine having grandkids to spoil" kalmadong tugon ni Ichinose
"Hehehe" alanganin na tawa lang ang narinig kay Haruko habang pinagdikit ang magkabilang hintuturong daliri

"Awww.... So cute.. Embarrassed si Haruko-chan, Kyaah" gush ni Hisako

       Binigyan na lang ni Itsuki ng gentle pat sa likod ang nakababatang kapatid dahil sa antics ng magulang nila "Ano pa po ang pinagusapan nyo ni Haruko" sinubukan nya ulit ibahin ang usapan "May Junior High reunion sila noong nakaraan, nagpunta pa daw kayo magkapatid kasama ang mga katrabaho ni Kaede" nag nod naman si Haruko, nagkatinginan ang magkapatid alam ni Itsuki na pinagbawalan sya magkwento ni Kaede "Pati Christmas Traditions, naikwento ko ano ginagawa natin ganon din si Haruko kung ano ang traditions ng pamilya nya" pagpatuloy ni Ichinose. Nilapag naman ni Hisako sa center table ang snacks na dala nya - pesto pasta and garlic bread may kasama pa na spring chicken (fried) bago tinabihan ang asawa at girlfriend ng anak "Ininform ka na ba ni Kaede-cakes?" nag nod si Haruko nag mutter rin ng thank you - - tinanggap ang plate na inabot ni Ichinose sa kanya "Kung pwede ang kuya Takenori mo, invited rin sya ha, Haruko-chan. Don't forget" nilunok muna ni Haruko ang pasta bago nagsalita "Hai... Okaasan".

       "Gutom na gutom ah" nagsabay pa si Kaede at Itsuki sa pang aasar kay Haruko, namula muli ang mukha ng dalaga "Hmm... nakakagutom kasi kapag malamig ang panahon tsaka favorite ko yung recipe ni Okaasan ng pesto pasta pati yung sa chicken.. Bukod sa Hot choco. Heheh" pag amin nya. Binulungan naman ni Itsuki ang kapatid "Nakakagutom daw, foolish little brother... magkasama pa naman kayo mamaya gabi malamig pa panahon, nako baka ubusin mo si Haruko-chan, my little sister... Tsk.. Tsk..." ramdam ni Kaede na nang aasar ang kapatid, pinigilan ang pagpula ng mukha sa double meaning na pang aasar nito at binigyan pa sya ng nakakalokong smirk, hindi sya nakatiis at hinampas ng unan ang mukha nito. Pinakalma nya ang sarili bago muli inasar ang kasintahan "Okaasan, nagparinig si Haruko, hot choco daw", nag pout naman ang dalaga bago binigyan ng eyeroll ang binata, nag giggle si Hisako "Of course, i-pagtimpla kita my baby gusto mo with marshmallows?" hinaplos nya ang buhok ng dalaga nag ningning naman ang mata ni Haruko "Oooh... can I request po?" pinisil ni Hisako ang pisngi ni Haruko gentle ito kaya hindi nasaktan ang dalaga "Of course, sweetheart" tumayo na ito para gawin ang hot choco ng dalaga. Si Itsuki naman ay nainggit "Mother, ako din po" kalmado lang ang boses nito natawa naman silang lahat dahil alam nila na may sweet tooth ang binata.

       Pinagtabi muli ni Hisako ng pagkain si Haruko at Kaede nag laan rin sya para kay Ayumu, napag alaman nilang mag asawa na walang kasama sa bahay ngayon linggo ang dalaga kaya nag offer si Kaede na doon na magstay sa bahay nya ang girlfriend. Approved naman kina Hisako at Ichinose ang ginawa ng anak nila lalo na nag aalala sila sa posible mangyari masama kay Haruko kung mag isa lang ito sa bahay "Dear, ito yung food ninyo. Bisitahin mo ulit kami sa susunod okay?" isang 'Hai' naman ang tugon ni Haruko "Thank you Okaasan" nagsalita muli si Hisako at niyakap ang dalaga "Don't forget to tell Takenori-san ah, and mag ingat kayo doon ni Kaede-cakes" "Opo. Mauna na po kami Okaasan, Otousan, Itsuki-nii" pagpapaalam ni Haruko nag beso si Hisako at Haruko, niyakap naman nina Ichinose at Itsuki ang dalaga. Si Kaede nakasuksok sa bulsa ang kamay "Wala man lang pag bilin sa akin? Sino ba talaga anak ninyo Okaasan" nahalata ng tatlo ang teasing sa boses ng binata "Si Haruko" nagsabay pa ang mag asawa sa pagsagot. Nag giggle si Haruko sina Itsuki at Kaede ay may mirrored expression - naka smirk ang dalawa "Tsk.. Alis na kami" pag address ni Kaede at hinanap agad si Haruko na wala sa tabi nya. Ang kasintahan pala ay hinahatak ang leash ni Ayumu dahil naka hilata ito sa sahig at sa tingin nya ay ayaw umalis.

"Yumu, baby... Uwi na tayo, tama na yan" rinig ng lahat ang pagtawa ni Haruko habang nag salita
"Aaarfh" si Ayumu naman ay naghikab, binukas ang isang mata bago ipinikit muli

"Ngayon ko lang nakita nagkaganyan si Ayumu, may sakit ba sya?" nag aalala tanong ni Ichinose
"Wala po Otousan, pinacheck-up ko na po sya last week healthy po si Yumu" pag assure ni Haruko

"I think ayaw lubayan ni Yumu si Itsuki" comment ni Hisako

        True to Hisako's words si Ayumu nga ay naka pwesto sa paanan ni Itsuki ang isang paw nito ay nakadantay sa mga paa ng binata, nagtaka naman ang lahat kung bakit ganito ang kinilos ng aso may napagtanto naman si Haruko "Itsuki-kun" pagtawag nya nag 'Hn' naman ang binata indikasyon na nakikinig sya "Mamasyal ka ba bukas? Or may puntahan ka man lang?" nag nod si Itsuki at tinaasan ng kaliwang kilay si Haruko hinampas naman ni Kaede ang kuya nya "Mag salita ka, ang rude mo kay Haruko" ngayon dalawa na ang kilay na nakataas kay Itsuki "Ako pa talaga, foolish little brother... Look who's talking" may taunting smirk ito nag eyeroll lang si Kaede "Ipaliwanag mo na Itsuki... use words" utos ni Hisako napabuntong hininga si Ichinose at sya na nagdecide na magsalita on behalf of his first son "Nag-usap kami ni Itsuki nagpaalam sya mag leave mamasyal daw sya sa eco-park bukas". May understanding naman sa mata ni Haruko "Aaah... kaya ka ayaw lubayan ni Ayumu, sinabi mo ang maging word 'Park'" nag giggle pa ang dalaga lalo na at malakas na bark ang ginawa ni Ayumu at minulat ang mata ang buntot ay sumayaw papuntang kana't kaliwa.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now