Chapter 69

35 2 0
                                    

       Tinitigan ni Kaede maigi sa mata ang kaharap, ginawa nya ito para ipaalam na seryoso sya sa pinag usapan nila. Mas naging panatag ang kalooban nya ng makita ang pag tango ng ulo ng kausap indikasyon rin na naiintindihan nito ang sinabi nya "Salamat... mahirap pagkatiwalaan ang iba tao at kayo ang malapit kay Haruko". Nagkatinginan naman sila bago sabay sabay na nag nod "Opo... Kaede-niichan...". Bahagya may paglaki ng mata ang binata ng makita na nakataas ang kamao ng isang bata malapit sa kanyang katawan "Hn..." ginaya nya rin ito at pinagtama sa kanan nyang kamao.


"Mga bata salamat..."
"Walang anuman niichan"


        Mahina ngunit sabay sabay na tugon ng mga bata, nandito si Kaede sa Pedia Ward. Nakaupo sila ng mga bata sa puzzle mat, pinabatid nya ang posibleng mangyari; walang katiyakan kung kailan eksakto mangyayari ang alam nya. "Kaede-niichan... mahal mo talaga si Haruko-nee... ayaw mo maulit ang nangyari noon" narinig nya na wika ni Minari habang yakap ang penguin plushie. "Oo..., kayo rin hindi ko gusto na mapahamak rin ang kahit sino sa inyo" alam ni Kaede na may kapansanan ang mga kaharap nya na bata kaya mas mainam kung gamitin nya ang abilidad nya na magsalita para magkaunawaan nila; sinubukan nya mag sign language ngunit mayilan salita na hindi nya kaya gawin nakita nya si Imari at Nagi na agad nag sign language para tulungan siya, pinasalamatan nya ang dalawang bata.


"Minari... ikaw naka...." hindi sigurado si Kaede kung dapat nya ituloy ang sasabihin

(Sa tingin nya sensitibo ang bagay na ito)

"Hai... niichan, binigyan ako ni Doc Kogure ng therapy... maraming salamat sa pag aalala sa akin...." saad ni Minari
"Mabuti kung ganon"

"Hmmp... Kaede-niichan naman, brave si Minari... pareho sila ni Haruko-neechan"


       Rinig ni Kaede ang boses ni Ryuu na mababakas na proud at mataas ang tiwala nito sa kaibigan; naalala nya ang kwento ng kasintahan na sa tingin nya 'crush' ng kausap. May maliit na smirk si Kaede "Pingwen..." mutter nya. Narinig naman ng mga bata kaya nagtawanan ang mga ito, humaba ang nguso ni Ryuu "Niichan!! Nang aasar ka" pagkatapos ay binigyan ng stinky eye si Kaede habang naka krus ang mga braso sa dibdib  "....paano mo nalaman yan?". Ang mga kalaro nito ang sumagot para sa binata


"Syempre... kuwento ni Haruko-nee"
"Hn..."

"Oh, see... Haha...."
"PINGWEN!!! PINGWEEN!!"


       Tahimik si Kaede habang pinagmasdan ang mga bata na mag asaran, noon isang linggo pumunta sina Uozumi at Ikegami sa fire station para ipaalam sa kanila ni Takenori ang nakalap nilang balita. Minarapat nilang hindi na ipaalam kay Haruko ito para hindi na mag alala pa, kaya ngayon araw pinuntahan nya agad ang pedia ward, may ilan minuto pa bago dumating ang kasintahan para sa duty nito. Sinabi ni Haruko sa kanya kagabi na may pinakisuyo ang kapatid nito kaya half day ang duty nya sa Pedia Ward. Kinuha ni Kaede ang pagkakataon na ito para kausapin ang mga bata at bigyan ng abiso na kailangan nila mag ingat. May katok sila narinig, dumating na ang alam nya na magpapakita ngayon araw "....mag kunwari kayo na walang alam... pero kung sakali mangyari ang napag usapan natin..." ang mga bata na ang nagtuloy para sa binata "Gawin po namin ang tinuro nyo niichan".


        Satisfied naman si Kaede sa narinig, kahit sandali lang sila nakapag usap ng mga bata may pahabol pa sya na paalala "Maging mapanuri kayo..." hindi naman nya inasahan na dudumugin sya ng ilan bata para yakapin - ang ending napahiga sya sa latag habang natabunan ang buong pagkatao gawa ng mga bata "Hn...." untag nya nang awatin ng nurse ang mga ito "Kaede-nii..." narinig nya wika agad nya nilingon ang tumawag sa kanya si Shin pala ito na nag sign language kahit na nakapagsalita "Pwede po pa hug...", may maliit na ngiti na tugon ang binata. Naalala nya na napag usapan nila ni Haruko tungkol sa estado ng mga bata, batid nya na ang ilan sa mga ito ay kulang sa aruga ng magulang, ang iba ay pinabayaan at inabandona na, ang iba naman ay nakaranas ng pagmamalupit sa mga magulang at pamilya. Naintindihan nya na kung bakit gano'n na lang ang malasakit ni Haruko sa mga bata. Sa pagkakaalam nya pinondohan ng mga doctor ang Pedia Ward para suportahan ang pangangailangan nila, napagalaman rin nya na ilan sa mga bata dito ay kinupkop na rin ng mga Doctor isa na si Doc Kogure - maswerte pa rin si Nagi dahil kapiling pa rin nya ang ina. Bumalik sa kasalukuyan si Kaede ng marinig ang boses ng mga bata


"Me... first..."
"Hindi ako muna..."
"Ako muna sabi...."
"Ang daya nyo...hmmmp"

"Uhm... mag fall inline tayo katulad ng turo ni Haruko-nee"
"Oi... narinig nyo si Minari, fall in line... sila muna ni Imari ang mauna"


        Bahagya tumaas ang kilay ni Kaede sa narinig si Ryuu na naman ang nakapukaw ng atensyon nya "Sya ba ang leader ng mga bata?? Like a boss kumilos..." bulong nya sa isip at kinalma ang sarili para hindi tumawa. Isa isa binigyan ni Kaede ng yakap ang mga bata - minsan ginulo nya ang buhok ng batang lalake dahil makulit ang mga ito "Ingat... kailangan ko na bumalik sa trabaho", nag 'babye' ang mga bata bago pa tuluyan makaalis si Kaede pinaalalahanan nya muli sila "....huwag nyo sabihin kay Haruko na nag punta ako". May amusement sa mga mata ng binata ng umarte ang mga bata na sinasara ang kanilang bibig na animo isang zipper "Okay niichan" at gumawa pa ng 'Shh' sound.

        Nakasuksok sa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay ni Kaede palabas ng hospital, kahit na may napansin sya at pinili nya na mag patay malisya. Pasalamat sya at hindi sya nagpunta ng nakauniporme at walang nakakakililala sa kanya sa ayos nya ngayon.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now