Chapter 79

53 3 2
                                    

Nasa library si Haruko, taimtim na binabasa ang aklat ng sinusubaybayan na nobela. Sinubukan nya hanapin sa bookstore ang lahat ng volume ngunit wala ng available, nasa public library na lang matatagpuan ito. Ayon sa mga tindera, sold out na at wala pang plano ang publishing na mag re-print ulit ng kumpletong book series. May pdf ang 'Underneath the grass.... Caress of the wind' ngunit masyadong mataas ang presyo. Kulang pa ang pera na naipon nya kaya naman dito muna sya sa public library nagbabasa. Kilala na rin sya ng librarian na si Ms. Yvonne at sinisigurado na available ang aklat tuwing bumibisita ang dalaga.


Ang 'Underneath the grass... Caress of the wind' ay romance novel na may drama rin. Ito ang paborito nyang genre ng books. Minsan hindi nya maiwasan na maglakbay ang isipan, ang mga bidang karakter ay ginagampanan nila ni Kaede. Sa bawat eksena ng bawat pahina, sa bawat palitan ng salita, sa bawat lugar na nilalarawan, naiisip nya na silang magkasintahan ang bumubuo ng istorya. Malakas na hangin ang dumaan mula sa bukas na bintana at humaplos sa buhok ni Haruko; maingat nya hinawi ang ilan takas na buhok at nilagay sa likod ng tenga. Agad na gumawi ang tingin nya sa matayog na puno na sinasayaw ng hangin ang mga mayabong dahon, pares ng ibon na dumantay sa isang sanga.


 Muling dumating ang malamig na hangin, bahagyang napapikit si Haruko sa nangyari. Sa unting unting pagbukas ng mga mata ay hindi naawat ang sariling pagmasdan ang magandang tanawin mula sa labas; ang mga ulap ay mabagal ang pag galaw sa kalangitan. Sa pagmamasid ay agad nyang napansin na parang ang korte ng isang ulap ay ang mukha ng kasintahan "Kumusta ka na... Kaede-kun?...."


Hagikgikan ang naging musika sa hardin ng Silver Crest. Alas onse syete pa lang ng umaga ngunit napagpasyahan ng magkaibigan na Haruko at Kara na maaga sila mag 'lunchbreak'. Ngayon lamang muli sa loob ng halos tatlong linggo nagkasabay ang kanilang oras ng pag pasok. Kalimitan kasi ay gabi ang duty ni Kara bilang nurse. Nagkwentuhan ang dalawa at naisipan i-update ang bawat isa sa kaganapan ng kani-kanilang buhay.


May ngiti sa labi si Haruko habang nakikinig sa istorya ni Kara tungkol sa naging surprise ng kasintahan sa kanilang anniversary noon nakaraan sabado. Hawak ang bento na nakapatong sa ibabaw ng mga hita. Hindi maikakaila ang saya at kilig sa boses ng kaibigan



"Grabe... hindi ko talaga inexpect na gagawin ni Babe yon...

Hihi... kinikilig pa rin ako... nag punta kami sa amusement park
& sa aquarium ...."

"Ayyiiieee.... I'm happy for the both of you, Kara-chan...
Alam ko na mahal ka talaga ni Sendoh-kun..."


Lalo namula ang buong mukha ni Kara sa salitang binitawan ni Haruko, kaya naman napalakas ang hampas nya sa braso nito "Aisst... Ano be Haruko... Kakahiya... Kyaaah". Napailing na lang ang nakikinig sa antics ng kasama, maya maya ay may pag gush nang pinakita sa kanya ang kwintas na niregalo "Wow... 'infinity'... at may engraved ng names nyo both!!". Si Kara naman ngayon ang may pagtawa sa biglang pag tili ni Haruko "Kyaah... Oh em gee... Kilig to the bones".



"1 year pa lang kami ni Akira-kun... pero ang bilis noh... parang kailan lang noon una
Kami nagkakilala... patient ka pa non diba?" pag muni muni ni Kara


(Tumango naman si Haruko, naalala pa nya ito at ang kalokohan ng mouse squad)



"Eh, nga pala... may taon na rin ba ang relationship nyo ni Rukawa 2nd?..."


Napatingin si Haruko sa katapat nilang puno na ngayon ay sinasayaw ng hangin ang mga sanga na hitik sa dahon. Ang kaliwang hintuturo ay nakapatong sa labi, may pagkurap ng mata bago binaling ang tingin sa kaibigan "Now that you mentioned it... Hmmm.... 2 years na kami...." may pag kinang ang mga mata ni Kara at na excite para sa kaibigan ngunit naiba ang timpla sa mga sunod na sinabi nito "Actually, today yun anniversary if I'm not mistaken".



Agad na kinalog ni Kara ang kaibigan "Kaloka ka!!! Anniversary nyo dapat nag ready ka na!! Malay mo may pa surprise si Rukawa the 2nd... kahit na ganon pa yon bowa mo". May sweatdrop si Haruko, tinatanong ang sarili kung kailan pa tinawag ng kaibigan na 'Rukawa the 2nd' ang kanyang kasintahan. Sa kanyang isipan ay napailing sya sa antics ng kasama na kung ano ano na ang binubulong na puro patungkol sa dapat nyang ayos at paghahanda para sa 'upcoming anniversary date'.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now