Chapter 29

56 4 4
                                    

Author's note: I wrote this chapter 2 weeks ago... Hindi ko inexpect na mangyayari ito, to be honest natakot ako ng makita ko sa news.... Naalala ko agad ang scene in this chapter... 
Coincidence lang po ito at just to be clear naka ready na po ang chapter na ito before what happened sa news.. Thank you. 
_________________________________________

          Naghahanda si Haruko pagpunta sa pedia ward, pinaliguan nya rin kanina si Ayumu, behave na aso ito at gustong gusto maligo anything that involves water excited sya. Pinapatuyo ng dalaga ang fur ni Ayumu gamit ang hair blower, naka ngiti naman ang aso habang ineenjoy ang atensyon at pag aasikaso ni Haruko sa kanya "Arf... Arf". Pinatay na ni Haruko ang hair dryer at tinanggal sa saksakan, ang pagtahol ni Ayumu ay signal upang malaman nya na dry na ang fur ng aso. Isa ito sa mga training na ginawa ni Takenori para sa service dog ng kapatid.

"Arf"
"I know Yumu.... Fresh ka na and let's go I'm sure excited na ang kids to play with you"

           Tumahol muli si Ayumu, nilock maigi ni Haruko ang kanyang bagay at pumunta sa bahay nila Momoka. Pinagbuksan naman s'ya ng pinto nito "Good morning Haruko-chan... Salamat sa paghatid kay Nagi sa pedia-ward, may work kasi ako" bati ni Momoka. Nag smile naman si Haruko "Good morning Momoka-nee, hindi naman abala at isa pa bonding moment namin ni Nagi-chan.. Hello Nagi-chan". Lumapit ang bata kay Haruko at niyakap ang binti ng dalaga, hinaplos naman ni Haruko ang buhok ni Nagi. Niyakap ni Momoka ang dalaga bago umalis ang dalawa ni Nagi patungo sa hospital.

            Hand in hand naglalakad sina Haruko at Nagi patungo ng pedia ward, nakahawak si Nagi sa kaliwang kamay ni Haruko at ang kanang kamay ni Haruko ay naka hawak sa leash ni Ayumu. Nang dumating ang dalawa sa hospital ay binati agad sila ng isang nurse at sinabi na inaantay na sila ng mga bata. Nagpasalamat naman si Haruko at kinuha ang braille music sheets. Ngayong araw instead na 7:30 to 9:00 am ang class nila naging 8:30-11:30 am at singing ang activity nila, ito ay bilang paghahanda sa presentation na gagawin ng mga bata for the founding anniversary ng hospital. Binuksan ni Haruko ang pintuan ng classroom cheer and giggle ng children ang sumalubong sa kanya

"Nandito na si Haruko-nee chan"
"Kasama rin ni Nee-chan si Nagi"
"Yehey!!"

"Haruko-nee! Haruko-nee! Ano po ang activity natin ngayon?"

           Pinakalma ni Haruko ang mga bata, "Kids, ang taas ng energy natin aah!! Pahingi nga si Haruko-nee..Haha", nagtawanan din ang mga bata. "Anyway, alam n'yo naman siguro na ang bawat departamento dito sa hospital ay inaasahan na magkaroon ng presentation" dagdag na paliwanag ni Haruko, inaantay ang susunod na sasabihin ng kanilang nee-chan. "Nag request ang mga doctors na magkaroon din tayo here sa pedia ward bilang representative ng isang intermission number" ngumiti si Haruko matapos sabihin kung ano ang kailangan nila gawin. "AAAAHHHHH" /"WOW" cheer ng mga bata. "Ano po gagawin namin?" tanong ni Shin.

"Baka sasayaw tayo?" tanong ni Ryuu
"Noooo! Naka wheelchair ako" angal ni Imari
"Kakanta?" tanong ni Shin

"Sing and dance?" comment ni Minari
"NOOOO!!!!" angal ng boys

             Nag giggle naman ang girls dahil sa pag react ng mga kalaro nila, "Hindi kayo sasayaw pero kakanta tayo!" paliwanag ni Haruko. Pumalakpak naman si Nagi para tawagin ang atensyon nila nakita ni Shin na nag sign language si Megumi "Haruko-nee, paano po si Nagi at Megumi hindi po sila makapagsalita" wika ni Shin para sabihin ang concern ng mga kaibigan. Nag smile naman si Haruko "Syempre naisip ko na yan at may way pa para makasali sina Megumi-chan at Nagi-chan.. Ang pagtugtog ng musical instrument ay isa sa naging activity natin hindi ba?". "Opo!" sagot ng mga bata na nakakapagsalita. "Eh Haruko-nee ano po iplay nina Megumi at Nagi na instrument?" tanong ni Minari.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now