Chapter 10

76 2 2
                                    

          10:30 am na, halos 2 hours and 30 minutes na ang mga boys na nandito. Nakatulog na si Nagi sa tabi ni Haruko. "Haruko-chan, mahihirapan ka kung katabi mo si Nagi. Dito na lang s'ya sa sofa" wika ni Momoka. Nag-aalala pa din s'ya sa kalagayan ng dalaga. Umiling naman si Haruko "Ayos lang Momoka-nee, maliit naman si Nagi-chan at hindi s'ya abala sa akin". Nag smile naman si Momoka. May palabas sa tv na dahilan upang may maalala ang dalaga "Ano.. Please don't tell kuya kung ano nangyari sa akin, Momoka-nii, Fujii. Ayaw ko na mag-alala s'ya". Nagkatinginan naman sina Momoka at Fujii "Pero... " wika ni Fujii ng makita n'ya ang itsura ng kaibigan pumayag na din s'ya "Sige na nga".

"Don't worry we won't tell" pagpayag na din ni Fujii
"Kilala namin kapatid mo, kapag nalaman non ang nangyari sayo. Good bye Kanagawa ka na, Haruko-chan" comment naman ni Momoka

"Sino ba kapatid ni Haruko?" sumingit naman sa usapan si Kaede
"Si... Ta..."

"HWAG!!" sigaw ng lahat maliban kay Kaede

          Tuluyan na hindi nasabi ni Momoka ang pangalan ng kapatid ni Haruko sapagkat bumukas ang pinto at may pumasok. "Mukha nagkakasiyahan tayo dito mga Sir, pakiusap lang po hwag masyado malakas hospital po ito" pa-alaala ng Doktor. "Pasensya na po Doc" chorus nina Mitsui, Sendoh at Sakuragi. Nabosesan naman ni Haruko ang doktor na dumating "Hello po Doc Kogure". Ngumiti naman ang doktor sa dalaga "Hello, Haruko-chan, ako ang magiging doctor mo. Sinabi na nila ang nangyari, kumusta ka? Ano pakiramdam mo?". Habang nagsasalita si Kogure ay lumapit s'ya sa higaan ng dalaga. Inalalayan n'ya maka-ayos ng upo ang kanyang pasyente. "Masakit po ulo ko Doc Kogure, pati po tagiliran ko" pag-amin ng dalaga.

          Pinakinggan ni Kogure ang heartbeat ni Haruko gamit ang kanyang stethoscope. Doctor Kogure attended seriously and focused entirely on Haruko. Lingid sa kaalaman ng dalawa binabantayan ni Kaede ang Doctor dahil para sa kanya masyado 'touchy' ang lalake kay Haruko. Pigil naman ang tawa nila Sakuragi at Mitsui, hindi naman gets ng tatlo (Sendoh, Fujii at Momoka) kung anong nangyayari kaya tinuro ni Sakuragi si Kaede. Pinagmasdan naman nila maigi ang kinikilos nito at napa smirk sila dahil obvious na nag seselos.

          Dahil nag-uusap sina Haruko at Kogure nagising si Nagi. Bumangon ito at kumaway sa binata "Good morning Nagi-chan, ikaw naman ba ang magbabantay kay Haruko-chan?". Nag smile naman ang bata at niyakap ang katabi. "Aww" chorus nina Sendoh, Fujii, Momoka at kahit si Kogure ay nakisali. "Hindi ko talaga kayo mapaghiwalay. Haha" comment ni Kogure. "Oo nga Doc Kogure eh, parang si Haruko-chan pa ang nanay ni Nagi chan kaysa sa akin" nagsusumbong ni Momoka. Itinaas naman ni Nagi ang kanyang kanang kamay at tinuro ang sarili, gumawa ng heart finger sign at itinuro si Momoka. "Ahaha, nagbibiro lang si Mama, Nagi-chan. I love you too". Nag nod naman si Nagi at ngumiti.

          Pinagpatuloy ni Kogure ang assessment n'ya kay Haruko, tinignan din n'ya ang ang mga sugat nito sa katawan at may napansin s'ya "Haruko, i prescribe kita ng pain reliever, padadaanin natin si swero dahil may sugat ang lalamunan mo. After lunch na lamang dahil nakaka antok ang gamot, kailangan mo yun para makapahinga ka. Sasabihin ko din sa nurse na ischedule ka for x ray, may pasa ang braso at kaliwa mong binti may possibility na may fracture ka. I saw your MRI earlier, luckily wala naman problema". Nod naman ng nod si Haruko "Okie dokie Doc... pero hanggang kailan po ako dito? Hehe". Natawa naman si Kogure "Haha.. Sorry Haruko-chan, I think 3 to 5 days ka pa dito. Hindi biro ang sinapit mo. Pasensya ka na hindi kita natulungan". Hinaplos ni Kogure ang buhok ng dalaga. Titig na titig naman si Kaede sa kamay ng doctor. Tinatandaan naman ng boys ang mga reaksyon ng kaibigan nila, ikwekwento nila sa station at para may pang asar sila sa susunod. Habang abala si Kaede sa pagiging matanglawin, sinabi ni Fujii kay Momoka na hindi kilala ng binata si Takenori Akagi at hwag ipaalam.

          Nag twinkle naman ang mata ni Momoka at nag okay okay, gumawa pa ito ng action na izini-ziper ang kanyang bibig. "Kailangan ko na umalis. Mag rounds pa ako sa ibang pasyente. Pagaling ka Haruko-chan. Hindi ko sasabihin kay Akagi ang nangyari sayo. Huwag ka mag-alala". Nag smile naman si Haruko "Thank you Doc Kogure, kaya favorite kita. Haha" binigyan ni Haruko ng heart finger sign ang binata. Ginaya naman s'ya ni Kogure "Ako din Haruko-chan. Para sa'yo". Sinabi ni Kogure na nag heart finger sign din sya. Si Kaede ay tahimik lang na nagmamasid pero deep inside tinatanong n'ya ang kanyang sarili "Ano ang relasyon nila? Bakit binigyan ni Haruko ng heart finger si Doc? At ano 'tong may pa 'favorite person'?".

          Lumapit si Kogure sa mga nakaupo sa sofa at nagpakilala bago umalis. Nagpakilala din naman ang mga boys and girls. Nagpakilala din si Kaede kanina. Tuluyan na lumabas si Doc Kogure. Dumating naman ang rasyon ng lunch ni Haruko, soft foods lang ito dahil sa sugat nito sa throat. Si Kaede na ang nag prisinta muli na magpakain sa dalaga "Sir, pagka nakakain na po si patient, paki press ang button po para babalik ako, kailangan na po natin s'ya bigyan ng pain reliever" paliwanag ng nurse. Nag nod naman si Kaede. Nagsasalo salo din ang lahat dahil may binigay na pagkain sa kanila si Kogure bilang pasasalamat sa pag-aalaga kay Haruko "Kaibiganin din natin si Doc Kogure, kahit boy labo s'ya tingnan n'yo may pa free foods" mula ito kay Sakuragi. "User" comment naman ni Mitsui at Sendoh. "Ayaw n'yo ba s'ya kaibiganin?" tanong ni Fujii. "Syempre gusto, may pa free foods eh. Baka may next time pa na palibre si Doc. Haha" comment ni Akira. Nagtawanan naman ang lahat.

        Kasama nila sa sofa si Nagi. Pinapakain ni Momoka ang anak. "Rukawa-kun, sige kumain ka na okay na ako. Nakakahiya inabala pa kita, pero salamat sa tulong mo" sabi ni Haruko. Nag nod naman si Kaede "Aa. Wala yun". Pinindot muna ni Kaede ang button na sinabi ng nurse bago tumabi sa mga kaibigan. Kumain na din s'ya ng kanyang lunch. Maya-maya dumating na ang nurse at ininject na ang gamot sa dextrose ni Haruko. After 30 minutes nagpasya na ang boys na magpaalam, pinayagan sila ni Maki na hanggang 12:30 lamang sila dahil nag-aalala din ito kay Haruko. Nagpaalam na sina Mitsui, Sendoh, Sakuragi at Rukawa.

"Alis na kami. Paki-update n'yo na lang din kami" wika ni Mitsui. Nag nod si Sakuragi bilang pagsang ayon sa sinabi ng kaibigan.
"Oo nga. Babalik na kami sa station, makikibalita na lang din kami sa mga kaibigan namin na pulis" comment ni Akira

"Update n'yo din kami kung ano man" sabi naman ni Fujii

         Sinabi naman ng boys na gagawin nila ito. Lumapit naman sila sa kama ni Haruko para magpaalam din, napansin nila na natutulog na ito kaya hinayaan na nila para makapagpahinga din ang dalaga. Isa-isa lumabas ang apat, pang huli lumabas si Kaede "Momoka-san, Fujii kayo na muna bahala kay Haruko. Update n'yo din sana ako tungkol sa kalagayan n'ya". Nag nod naman ang dalawa bilang pag sang ayon.

Pagkapasok pa lamang ng boys sa kanilang opisina bumungad na sa kanila si Maki "Ano balita?". "AAAAHHHH" napasigaw ang tatlo maliban kay Rukawa. Nainis naman si Maki sa ginawa ng mga katrabaho "Para kayo nakakita ng multo dyan. Nakakainsulto". Umayos naman ang mga ito, tahimik lang si Rukawa na nakatayo.

"Chief, ginulat mo kasi kami. Bakit ka nagtatago sa pader" comment ni Mitsui
"Kaya nga, hindi ka namin agad napansin, pareho kasi ang kulay mo at ang pintura ng pader. Nyahahahaha" asar ni Sakuragi
"Hahahaa. Grabe ka don Sakuragi, pero oo nga noh. Brown" sabi naman ni Sendoh

"Mabuti nga sana kung brown, dark chocolate eh" dagdag pa ni Mitsui
"HAHAHAHAH"

          Nagtawanan ang tatlo, nainis naman si Maki dahil inaasar na naman s'ya ng mga katrabaho sa kulay ng kanyang balat. Kinaltukan ng binata ang ulo ni Sakuragi. "Aray!" Uumbagan din na sana n'ya ang dalawa pero inawat s'ya ni Miyagi "Chief, hindi ka na nasanay sa kanila, nang aasar lang mga yan". Kumalma naman si Maki ngunit hindi ito nagustuhan ni Sakuragi "Unfair. May favoritism ka naman chief, bakit ako lang may umbag. Dapat sila din". "Tama na yan, Gunggong" pag-awat ni Rukawa. "Ikaw na lang ang sasalo ng para sa amin" asar ni Mitsui. Tumawa naman si Sendoh. "Uy mouse squad nga daw tayo eh. Sabi ni Haruko".

"Kamusta naman si Haruko?" tanong ni Maki
"Madami s'ya sugat sa katawan...
Baka 5 days pa mag stay ng ospital...
Nakaka awa nga si Haruko. Huhu" magkakasunod na paliwanag nina Mitsui, Sendoh at Sakuragi. May napansin naman si Miyagi

"Bakit wala kang reaction dyan Rukawa. Hindi ka ba nag-aalala kay Haruko?" tanong ni Miyagi.

         Nagkatinginan naman ang tatlo at nag tawanan "HAHAHAHHAHA. SYEMPRE NAMAN NAG AALALA YAN. NAKAKAPORMA NA NGA SI RUKAWA EH MAY ASUNGOT SO NASIRA DISKARTE N'YA. HAHAHAH" asar ni Sakuragi. "Oy, ano yan. Kwento nga" napukaw naman ang atensyon nina Maki at Miyagi sa sinabi ng kaibigan. "Dumating si Doc Kogure kaya wala na sila moment ni Haruko" / "May pa heart finger pa nga sina Haruko at Doc Kogure eh" dagdag nina Mitsui at Sendoh. Binigyan naman ng nakakaloko ngiti ng group si Rukawa. "SELOS SYA OH" asar ng boys. Poker face naman si Kaede "Magtigil kayo mga daga ni Cinderella" at umupo sa kanyang office chair.

          May question mark naman sina Maki at Miyagi "Anong mouse ni Cinderella?" / "Nakaka degrade naman yan" magkasunod na sabi ng dalawa. "Uy, kunwari ka pa. Bagay kaya sayo Ryo chin, ismol ka naman kasi eh. Feeling matangkad ka lang. Hanggang feeling lang HAHAHAHHA". Napaiyak na si Sakuragi sa katatawa, nainis naman si Miyagi at sinugod ang kaibigan "Sumusobra ka na!!". Si Maki naman ang nagpakalma "Battalion Chief, hindi ka na nasanay sa kanila, nang aasar lang mga yan". Natigilan naman si Miyagi dahil yun ang ginamit n'ya kanina para awatin ang kaibigan, napakamot ulo na lang s'ya.

          Habang abala mag chismisan ang lima, hinahanap ni Kaede ang pictures ng "Mouse Squad" ni Cinderella. "Oi, Gus pumunta kayo dito. Ito yung Mouse Squad ni Cinderella". Mabilis naman lumapit ang lahat. Itinuro ni Mitsui kung sino ang sino base sa tawag ni Haruko. Nag react naman si Sakuragi "Dapat talaga si Sendo si Mert at si Ryo-chin si Luke. Tignan n'yo maigi oh mas maliit si Luke at mukhang lampa. HAHAHAHHA". Pinagmasdan naman ng boys ang sinabi ni Sakuragi "Haha. Oo nga noh, tama si Sakuragi pero ako pa din si Luke, inaantok intsura eh" comment ni Sendoh. Inis na inis naman si Miyagi dahil s'ya na naman ang inaasar "Kanina ka pa talaga.. Nako". "Baka naman bakla to si Sakuragi kaya ka n'ya bet asarin Mert. HAHAHAH" comment ni Mitsui. Nagpatuloy ang pagbabangayan ng boys.

AHOOOOO..... AHOOOOO

          Bumukas ang pinto at pumasok ang isa pa nila katrabaho "Chief, nasusunog po ang wet market sa bayan. Level 3 na po". Nag nod naman si Maki "Rukawa, Sendoh, Sakuragi sumama kayo sa Team B pag rescue". "Yes Chief" seryoso naman ang tatlo at nagmamadali na kumilos. "Miyagi, Mitsui tawagan n'yo ang fire department sa kasunod na bayan. In case na tumaas pa ang level ng sunog madali natin maapula" instruction ni Maki. Nag nod naman ang dalawa at ginawa na ito.

Echoes in the NightWhere stories live. Discover now