Chapter 65: Alpha

191 9 3
                                    

Zion

"Zion? Nasaan ka na? Nakauwi ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Ulfa sa telepono.

Umupo ako sa kama at sumandal. Hindi ako sumagot at tumitig lang sa litrato niyang palihim kung kinuha. Hawak ko ang singsing niyang ibinato niya sa harap ko.

"Zion, please talk! Nasaan ka na? Pupuntahan kita!"

"Maayos na 'ko... Tumawag ka ulit mamaya." Mahinang tugon ko.

"Zion... Patawarin mo 'ko ha? Dahil wala akong magawa simula noon... Zion, pupuntahan kita mamaya. Naiintindihan mo ba? Sasamahan kita." She breathed fast.

Binaba ko ang tawag nang walang sinasabi. How is she now? Is this how it feels to be far from her?

"Zion."

"Ruby..." I mouthed her name when someone came.

Mabigat akong bumagsak sa kama at pumikit. Si Drine...

"Zion, kain na. Nandito si Dixon. Kailangan ka sa mga Hidalgo. Kakausapin ka raw ni Papa at Tita Dina." Maayos na pakiusap niya.

"Drine, mauna na kayo. Pakisabi sa Papa mo na isasauli ko ang mga papeles ng negosyo mamaya." Tahimik na sagot ko.

Naramdaman ko ang mabigat niyang pag-upo sa kama. Hinawakan niya ang balikat ko at humiga sa tabi ko na parang bata.

"Iniisip mo bang wala ka nang lulugaran?" She asked.

"Drine, alis na. Marami akong iniisip."

"Zi, pinsan kita hindi ba? Hindi naman mahalaga kung saan ka nanggaling. Sabi ni Dixon, nagkita na raw kayo ng kapatid mo dahil narinig ka niya... Zion, bangon na." She shook my shoulder.

Bumangon ako nang walang buhay at nagpalit ng pang-itaas. Nauna siyang lumabas kaya sumunod na lang ako. Hanggang kailan ako makikisama sa iba para lang maipakitang may lugar ako? Sa kanya lang ako may lugar... Sa kanya, alam kong may lugar ako. Ngayong wala na, paano na?

"Putlang-putla ka. Napaano ka ba?" Bungad ni Tito Dexter na napatayo, Papa ni Drine.

"Dex, hayaan mo muna siya." Pigil ng asawa niya, si Tita Hillarine.

"Zion, what happened? Bakit ka nagkakaganyan?" Ulit na tanong ni Tita Dina, Mama ni Drine.

"Nag-break sila ng girlfriend niya." Bulong ni Dixon sa kanila.

Hindi nila nagawang sumagot. I sat down in front of them and gave the papers. After that, I went up to lock myself.

Hindi ko gustong buksan ang pinto hangga't hindi siya ang nasa labas... Alam kong naghihintay din siya. Hanggang kailan kami magpipigil na huwag hawakan o tingnan ang pareho? Humigpit ba ang oras para sa aming dalawa at wala nang natira?

Tatlong buwan ang dumaan at hindi siya bumalik. Hindi siya nagpakita o tumawag man lang. Hindi ko rin piniling dalawin siya sa bahay niya. Ano pa bang hahanapin ko? Kung alam kong nandoon na siya sa sarili niyang pamilya't kastilyo.

Now that you're an Alpha... Maybe you can already be fine to live without a king.

"Lakas ng kita ah simula noong bumalik ka." Dixon tapped my back.

"Pag-aadonis lang ang sagot, Dix." I smirked while checking the files.

It's already 3 months. That's how fast time flies. I once sneaked inside their realm and I'm glad to see her smile like that. She's so happy and I am so proud of my girl. I thought I will be her happiness. But I was wrong. I became her burden.

Umiling ako para mawala muna siya sa isipan ko. Ininom ko ang alak sa tabi ko. I licked my lower lip after that. Ruby Shim... Paulit-ulit kong ipagsisigawan nang patago na sobra akong natutuwa para sa mga naabot mo. I'm so proud of you, Ruby... So much.

Scent of EclipseWhere stories live. Discover now