Chapter 19: Worried

245 21 5
                                    

"When will he recover?" I asked covering the deep cut of his chest.

I don't know he got it while having a fight with Raven. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano umapoy ng asul ang mga mata niya kagabi. It was my second time to I see him act like that. He looks pale. His eyes are closed. He's not even moving. His whole body's starting to get dark.

"It takes time for him to heal," si Papa.

Nanginginig na ang mga kamay ko. Ilang oras na siyang hindi gumagalaw o gumigising. What should I do? What will I do?

"Fuck that time! Paano kung hindi siya makalaban? Just give him the potion!" Sigaw ko dahil ayaw nila siyang bigyan kahit isang patak lang.

Bakit ba napakadamot nila? Samantalang kapag may kailangan sila binibigay ko naman. This is so cruel.

Everytime that I'm calling them for help, they don't give what I wish. And when they call my name for help, I'll run to give them what they want... Even it will take my life. Tama si Zion... I'm only loud but not empty. I regret being an empty bottle for filling in someone's thirst.

"You know it's prohibited. Nasa batas natin na hindi natin maaaring gamitin ang kahit anong kapangyarihan o lakas natin sa mga mortal. Hindi tayo maaaring makialam sa kung anong puwedeng mangyari sa kanila kahit dahil pa ito sa atin kung sila naman ang nakealam," paliwanag ni Kuya.

"Kuya, hindi siya nakealam! He was hurt! He got hurt! To save me!"

"Ruby, he did. He tried to fight the Alpha by his will."

"Then what? Hahayaan kong ganyan kalalim ang sugat niya? Hahayaan kong lamunin siya ng lason dahil niligtas niya ako?"

Sinubukan niya akong hawakan para kumalma pero umatras ako.

"Just wait... Umasa ka na muna na magigising siya at gagaling."

"Kuya! Paano kung mas lumala pa 'yan?" Sigaw ko sa kanya.

"Trust him, Ruby," he convinced me.

Pinasada ko ang kamay sa mukha ko sa inis. Malalim akong kumawala ng hangin.

"How can you trust someone who's taking his steps away from me? Kailan ka pa magtitiwala sa kamatayan? Hahayaan ko bang lahat ng taong mahalaga sa akin aalis nang ganyan?" Naluluhang tanong ko.

"He's not dying. Enough, Ruby," Papa tried to step closer.

"How dare you trust death, Papa!? Zion's is not just a mortal to me! He's-

"He's what?" Pamumutol ni Papa.

Umurong ako at sinubukan kong lingunin ang lagay niya. Lumuha ang mga mata kong kanina ko pa pinipigilang maluha.

"He's my friend... My only friend," I whispered in a weak voice.

"Ruby," suway ni Mama sa akin.

"If something bad happens to him, if ever he will suffer the whole night, I will not hesitate to bring you down again just to get what I want," diin ko at bumaling sa kanya.

Doon ko naisip na tumutulo na pala ang luha ko habang nakikipagtalo. Kanina pa ako lumuluha para lang magmakaawa sa sarili kong mga magulang.

"Papatay ka para sa isang mortal na nilagay mo sa kapahamakan dahil sa mga kagustuhan mo? Iyan ba?" Si Papa.

Nilingon ko si Papa na ngayon ay galit ng nakatingin sa akin para iparamdam kung gaano ako nakakadismaya bilang anak niya. Tinitigan ko siya nang matalim.
Walang halong takot. Kayang-kaya ko silang ubusin lahat.

Just once. Why don't you listen? Kahit kailan ba talaga ang mga pagkakamali ko na lang ang nakikita ninyo? Imbis na tulungan niyo ako ay pinapamukha niyo pa ang mga mali ko. That's why I never changed at all. I am still this hard-headed daughter of the clan.

Scent of EclipseKde žijí příběhy. Začni objevovat