Chapter 35: Too Fast

196 11 3
                                    

Ulfa's POV

"Sa sobrang pangungulila mo sa mga magulang mong matagal mo nang hindi naalala, isang bagay ang hihingin ko sa'yo ngayon bilang kapalit ng pagbabalik ng alaala mo sa kapatid mo," diin ni Raven habang hawak ni Lysandra ang batok ko.

Napaluhod ako sa sakit habang patuloy niyang ibinabalik ang mga bagay na tinggal nila sa alaala ko... Mga alaalang tanging natira sa akin na ipinagkait ng kaibigan ko at ng taong sinabing gusto akong pakasalan. 

Bakit si Reis? Bakit ai Ruby? Bakit kayo na tinuring kong pundasyon ang bumigay sa tiwala ko?

All this time I thought I was abandoned by my family. All this time, I was living in a blur. I was living all alone... Trying to smile everyday even if it hurts cursing my family for leaving me. I thought I was an orphan... I hated my mother for leaving me but I was wrong...

Maging ang lapida nilang dalawa ay kinamuhian ko sa matagal na panahon dahil akala ko iniwan nila akong tatlo pero hindi... Hindi ako iniwan nila Zion dahil ako ang nang-iwan sa kapatid ko habang namatay ang mga magulang ko dahil sa akin.

Iniwan ko si Zion at kinalimutan para lang iligtas ang sarili ko. I was not a Gonzalo. Reis thought I was from the family of Gonzalo... But the truth is, I never was gone. I was just an adopted Gonzalo. I am a Flinn.

And how did I never knew that Zion was a Flinn too? How did I never recognized my little brother?

"Maging espiya ka sa kampo ko... Bilang kapalit ng mga alaala mo at kapalit ng kaligtasan ng kapatid mong ngayon ay nasa kamay ng mga kalaban..." Raven lifted my chin. "Iisa lang tayo ng pinag-daanan... Pare-preho tayong niloko ng pamilyang 'yan."

Pagbabaliktad para sa kalaban? Sino ba ang kakampi ko? Sino ang tunay na sandalan ko? Kung buong buhay ko nag-iisa ako dahil namatay ang mga magulang ko dahil sa mga taong pinagkatiwalaan ko. 

"S-Spy?" Nanghihinang tanong ko habang tinitingnan ang mapait na nakaraan ko. "Bullshit..." I looked at him with my wet eyes. "Mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysa kumampi sa katulad niyong walang ibang ginawa kundi paglaruan ang alaala ng iba!" Mariin na sigaw ko kaya malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni Lysandra.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa lakas ng sampal niya. Hindi ko magawang bumalanse dahil nakagapos sa kadena ang parehong mga kamay at paa ko sa gitna ng kanilang kastilyong binabalot ng ungol ng mga rebeldeng lobo.

"Tignan natin kung ipagtatanggol mo pa sila kapag nakita mo 'to," bigkas ng kanilang Alpha at mariin na inangat ang panga ko.

Napadaing ako sa sakit ng pagkakahawak niya. Sa isang iglap ay biglaang nagdilim ang paligid. Ang alam ko lang ay nandito ako sa isang daan. Pinapanood ang pagtakas naming tatlo noong gabing iyon.

Isang pamilyang tumatakas sa ulan. Nawala sa paningin ko ang batang kapatid ko na kanina ay hawak-hawak ko. Isa lang ang alam ko. Nasa dibdib ako ng isang lalaking basa sa ulan habang yakap ako nang mahigpit at pilit na inilalayo sa mga taga hilaga na kinilala naming mga kagrupo sa mahabang panahon.

Sa paglaki ko, sila ang naging kampo namin. Maayos na buhay ang naranasan namin sa kanila. Tahanan. Ngunit isang araw na nalaman nila na nasa amin ang lahing kinamumuhian ng lahat, ang lahing Amaroq, itinakwil nila kami na parang walang ginawang mabuti ang ama ko sa kanila.

Parehong buhay ng kapatid at ama ko ang kailangan nila dahil sa dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat. Isang dugong sinabi nilang isa ring banta para sa mga immortal.

"Nasaktan ka ba?" Tanong sa akin ng lalaki.

Umiling ako sa takot. "Hayaan mo na 'ko... Nawawala na ang kapatid ko!" Humiwalay ako sa bisig niya at tinitigan siya sa mga mata.

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon