Chapter 36: First Shot

181 11 1
                                    

"Can we talk first? Before you go?"

I stopped fixing my things when she locked my room. Tinititigan niya ako, punong-puno nang galit at panunuya. Nagmadali ako ngunit hindi ko siya magawang talikuran. Hindi ko magawang kumilos dahil hindi ko pa alam kung tama ang mga hinala ko.

"I will not harm you, Ruby," she started.

"You're awake... U-Ulfa." Naluluhang tugon ko sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Gusto kong magpaliwanag sa tanong mo kanina... Ulfa, nandito si Zion. Baka puwedeng s-sa ibang—"

"Hush..." She placed her finger on her lips to stop me. I can still see how weak she is.

"Alam ni Reis na nandito ka na? Ulfa, sugatan ka pa," panimula ko.

Hinawakan ko ang nanghihina niyang mga balikat. Hindi niya naman iyon inalis at hinayaan lang ako.

"Hindi ko magawang magalit sa'yo, R-Ruby."

She started to cry on my shoulder. Lumakas ang tibok ng puso ko nang sumandal siya sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi yakapin siya pabalik at haplusin ang buhok niya. Ngayon, nagtutugma na ang lahat.

Bakit Ulfa? Bakit hindi mo ako patayin ngayon? I feel so guilty... I feel so sorry. For everything... That I've done terrible just to have something I know I won't have.

"Ulfa... You're making me feel guilty about all of this... Can you please just hurt me? Be angry just once... Make me pay about it... Please? I can't lose you so please just hurt me... Just so I could keep you... Please," I begged hardly.

Umiling siya at tumingala.

"You did a great job and I'm proud of you," pinahid niya ang luha sa mga mata niya.

"N-No..." I uttered.

"Galit na galit ako sa'yo dahil itinulak mo si Papa," she whispered to start the conversation.

I am looking at her feeble eyes. Those eyes tear me apart. She is not just my brother's mate to me. She's my best friend... Parang kapatid ang turing ko sa kanya mula noong nakilala ko siya.

Hindi ko alam na siya pala ang batang inalisan namin ang alaala. Hindi ko alam dahil matapos ang gabing iyon, tumalikod ako na parang walang nangyari. Pinili ni Reis na kalimutan ang lahat gamit ang mahika at nagtanggumpay siya kaya sobrang dali sa akin na kalimutan din ang lahat.

"Pero hindi ikaw ang nakasagasa... Hindi naman ikaw ang sasakyan, paano kita masisisi?" Pabirong tugon niya ngunit ramdam ko nag pait sa pananalita niya. "I don't know where to start but you did a great job. Bayad ka na sa akin... Aksidente ang nangyari."

"Ulfa... It was a blur. Bakit napakadali para sa'yo?! You're just making me feel so useless... Because I did nothing that night. I failed! I failed to save you!"

"When they died... Hindi ko man lang nakita ang mga bangkay nila. Ni hindi ko man lang naiyakan. Pagkatapos noon, iniwan ko ang kapatid ko. Hindi ko nagawang makita siyang lumaki. Dahil doon gusto kong ibato lahat ng sisi sa'yo."

"H-Hindi ko sinasadya," iling ko ngunit sinenyasan ako nito na tumahimik lang at makinig.

Ang gusto ko lang ay iligtas sila. Ang gusto ko ay ilayo sila sa panganib pero hindi ko alam na ako mismo, ang sarili ko pala ang panganib sa kanila.

"Kung sana hindi ka humarang. Kung sana hindi mo kami dinadamay sa mga kagustuhan mong ipunin ang mga katulad naming may dugong amaroq. Kung sana hindi mo niligtas ang taong nanakit sa'yo," she paused to catch air. "Kung sana hindi ka tanga at hinayaan mo na lang siyang matamaan, hindi ka sana hihilain ni Papa at sana hindi mo siya naitulak... Sana hindi ka naging makasarili para lang iligtas ang lalaking iniwan ka at hinayaang mamatay ang sarili niyong anak."

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon