Chapter 04: Ring

633 67 10
                                    

I cleaned up the mess I made. Talagang nagiging halimaw ako kung nakakaharap ko ang lalaking 'yon. How can I just be so in love with him? Bakit hindi ko makalimutan? I'm so tired loving him. I'm so done loving the man I can't have. I've gone so far... Hindi na ako maaaring bumalik pa.

Wala akong pinanghahawakan sa aming dalawa. Sila ng kapatid ko ang mayroong pamilya at sila ang kasal. Kasal. Hindi mababali iyon kahit pa na magmahalan pa ulit kami.

Hindi ko na dapat ipilit pa. Wala na akong magagawa. It's been a long time. Ang kailangan ko lang gawin ay kalimutan ka. And done. Malaya na ako. Hindi mo na rin ako mahal, Conard. Matagal mo na akong hindi minahal.

Hinubad ko ang white dress na nabalutan ng dugo at nagpalit ng ibang damit. I hate the smell of blood. It will just remind me of someone's death.

Umikot ako sa kuwarto at kinuha ang bag. Lumakad ako pababa ng bahay. Sa may basement ako dumeretso at binuksan ang lugar na iyon.

Sumalubong sa akin ang amoy ng bulaklak.

"Aalis ka na ba?" Yumuko sa akin si Xeres bilang paggalang. "Napalitan ko na ang mga bulaklak," he said in a plain way pagkatapos ay hinayaan akong mag-isa sa loob.

"Thank you..." Ngumiti ako bilang paggalang sa kanya na nakakatanda. "You can take your off. Just comeback tomorrow before two o'clock in the afternoon. Sa'yo ko ibibilin ang bahay. Ako na lang ho bahala umamoy sa Zion na 'yan," ani ko.

"Kung ganoon ay iiwanan na kita... Mag-iingat ka palagi," tapik niya bago umalis.

Napangiti na lang ako na kahit hindi ko kasama ang pamilya ko ay ramdam ko pa rin na may magulang ako. Siya ang gumabay sa akin simula noong napagdesisyunan kong manirahan sa mga mortal... I can't imagine myself without him.

He's the only man who gave me the fatherly love that I needed... Kung siya ang aalis, katapusan ko na.

Tumango ito at nagpasalamat. Now I'm all alone. Kaagad na namasa ang mga mata ko habang naglalakad palapit doon.

Sumalubong sa akin ang kanyang lapida at ang mga bulaklak na nakapaligid dito. I want her grave to be special since hindi ko nagawa ang tungkulin ko sa kanya. Umupo ako rito at hinimas ang nakaukit na pangalan niya.

Daciana Shim Haji Jacquer

I'm sorry....

Nangingilid ang mga luha ko habang iniisip ang mga bagay na dapat nagawa ko sa kanya. Andaming 'sana' ang umuukit sa isipan ko habang iniisip na sana hindi ko nalang hinabol ang Ama mo.

Walang nakakaalam ang tungkol sa libingang ito maliban kay Xeres at ibang kasambahay na pumaparito. Ni hindi alam ng mga kapatid niya na may isang Daciana Jacquer na bunga namin ng Ama nila. Hindi nila alam na ang dinadalaw nilang mansion ay kung saan nakatago ang kapatid nilang namatay dahil sa mga magulang nila.

"Patawarin mo ako," bulong ko habang inaalala ang mga panahong hindi ko siya nagawang protektahan. "Patawarin mo ako dahil naisugal kita... Hindi ko sinasadya. Mom's sorry... I'm really sorry... My angel. Please don't hate me."

Ilang oras akong nanatili dito hanggang sa nakaidlip ako kakaiyak. Pang-ilang iyak ko na ba ito? Hindi ko na mabilang. Dahil isa lang ang alam ko. Walang sukat ang hinagpis ng isang ina para sa nawala niyang anak.

Tumayo ako at umayos. Lumabas ako ng kuwarto at nilingon siya sa huling pagkakataon.

Kailangan kong kalimutan ka muna para unahin naman ang sarili ko. This time, Mom will do everything to make you proud.

Ni-lock ko ito at nilagay ang susi sa ilalim ng ikatlong tiles mula sa pinto. Si Xeres lang ang nakakaalam dito.

Lumabas ako at nilipad ang buwan papunta sa isang building. Tumalon ako pababa kung saan hindi ako makikita ng sinumang mortal. Ginamit ko ang bilis ko para makapunta kaagad sa isang bar.

Scent of EclipseWhere stories live. Discover now