Chapter 41: The World We Knew

169 11 4
                                    

"I told you not to be with her!" Mariing sumigaw si Zarkas.

"Huwag ka ng dumagdag pa, Zarkas... Pagod ako." Si Havier.

"Paanong hindi ako dadagdag? Havier, nandoon ka habang dinudukot si Lady Ulfa! Nandoon tayong tatlo nila Conan! Ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon nina Tito Reis kung malalaman nila?" Zarkas leaned forward.

So Havier was there... He was there when Ulfa got hurt.

"Hindi nila malalaman kung tatahimik ka." He sighed heavily.

"Tatahimik? Havier, buntis si Lady Ulfa noong sinaktan siya para sa'yo! Kapag nalaman ni Tito Reis, mapapatay ka niya! Dinadala niya ang anak nila!"

"So what, Zarkas? The important thing is we're all safe! Mom is safe! You are safe, I am safe, Ulfa is safe, and Conan too! Manahimik ka na lang!" Havier yelled.

"Really?" She laughed.

"I need to get her out there. She must be in danger now." Alalang tono ni Havier.

Napatakip ako sa mga labi ko sa narinig, pretending to be shocked. What the fuck Havier Jacquer.... Zarkas Jacquer. You've been leaking us the whole time.

"Mali ang pinapasok mo... Isinusuko mo ang kampo natin para lang iligtas siya." Zarkas whispered loudly.

"She saved me too." He answered.

"Nilalaro ka lang niya. Havier, Brina is nothing but a slut-

"Don't talk anything bad about her..." He glared at his sister. "Brina is the only person who can understand me more than you do... Brina is my strength so shut your mouth."

"Tama na!" Awat ni Conan. "Kanina pa 'ko rito. Pakinggan niyo naman ako!" Sigaw niya pero para silang may sariling mundo.

"Leave me now. You don't have to yell at me all the time... Trust me. Brina is with us..."

"She's taking our side? Bakit ka nila target ngayon? Alam mo bang alam na ni Ruby ang totoo?"

I smirked when Zarkas said my name.

"She's playing dumb! I know she'll give us a chance to explain before telling us to Papa!"

"Paano kung hindi?Ano? Anong gagawin mo?!" Hamon ni Zarkas.

Noong oras na aawat sana si Conan ay natanaw niya akong nanonood sa kanila. Napaawang ang labi niya habang ang dalawa ay wala pa ring pakealam.

"Hindi niya malalaman... Kung si Papa ang makakaalam, ako ang magpapaliwanag."

"Kahit na! Lumipat naman sa taong mahal ni Ruby ngayon ang target!" Halos maputol ang ugat niya sa leeg nang sumigaw siya. "Mapapatay niya tayo sa oras na malaman niyang lumipat ang target kay Zion pagkatapos nating  makipag-alyansa tayo sa mga kalaban for goodness' sake!"

Mukhang hindi na nila alam ang gagawin kaya nagsalita na ang pinakabata sa kanila.

"Talagang mapapatay niya tayo..." Bulong niya sa kanila at itinuro ako. "Sa sobrang galit, tingin pa lang namamatay na 'ko."

Napatingin silang sabay-sabay sa gawi ko at kaagad na nanigas sa kinatatayuan. I held my phone up and played the record of their fight.

"What have you done?" Malamig na tanong ko. "I am very disappointed in you." Iling ko.

"Hindi ako kasali rito. Nandito lang ako para pigilan sila."

"Conan, pinagtakpan mo ang mga kapatid mo kahit na alam mo ang nangyayari. Zarkas, sinusundan mo ang yapak ng kakambal mo at pilit na nakikipagkita sa isang kalahi mong lalaki na minsan ng pinagbawalan ng mga magulang mo at ng mga Alpha. At sa huli..."

Scent of EclipseWhere stories live. Discover now