Chapter 47: Stay With Me

199 12 3
                                    

"We're still having our dinner... She's calling me again..." Pagod na bulong ko nang tumawag si Rashea.

"Sagutin mo na." Turo ni Zion sa telepono.

"Kakauwi lang natin... How should I call you?" Natigilan ako.

Hanggang ngayon wala pa kaming call sign. Hindi naman kailangan na mayroon hindi ba? Pero mas magandang pakinggan kung mayroon.

"You're thinking of an endearment?" Tanong niya.

Pinatay ko muna ang tawag dahil mukhang magandang usapan ito. Sorry, Rashea pero huwag ka munang umepal for once. Just this night, please.

"Oo." Tango ko saka sumubo.

"Didn't we call each other before, love?" He asked.

Kahit pilit niyang itago ay halatang kinikilig siya dahil sa pamumula ng leeg at tenga niya. Dagdag pa na sobrang lawak ng ngiti niya.

"Napakarami ko nang tinawag sa'yo."

"Babe? Baby? Baby love? Honey? Tanda ko pa ang mga binanggit mo." Tumatawang pinaalala niya.

"Why are you laughing?"

Hindi ko namalayan na pati ako ay natatawa na rin. Sa sobrang tagal ng panahon, nakalimutan ko kung paano ba maramdaman ulit ang kiligin.

"Alin ba ang gusto mong tawag?" Aniya at pinunasan ang labi.

Bahagya niyang inayos ang basang buhok. Katatapos niyang maligo. I'm staying here just like what he said... We'll sleep together. I really love it when he's making his promises happen.

"Hindi ko alam... I want something romantic pero hindi kadiri pakinggan." I said as he wiped my lips with his thumb.

"Honey?"

"Hell no." Kaagad na sagot ko.

"Sweetie?"

"Think of another one... Iyong hindi pa nagagamit." Iling ko.

"Ang arte naman." Reklamo niya. "What about snookie?"

"Sounds lame."

Napakamot siya sa batok.

"What if..."

Tinitigan niya 'ko mula ulo hanggang paa saka ngumisi. He is smiling like a devil.

"Sexy?"

Naibuga ko nang bahagya ang iniinom ko sa sinabi niya. Sexy? Anong tingin niya sa'kin? Babae sa gay bar?

"What the hell, Zion?!" Sigaw ko sa kanya.

"I'll call you that way. I like it." Kindat niya.

It's nice especially when I'm the one he will call that thing but what if narinig ni Papa? Baka mapatay niya kaming dalawa. Lalo na si Reis at Ulfa, mamaya iba ang isipin niya.

"Tunog nag-aaya ng ano." I exclaimed.

"Nag-aaya ng ano?"

"Ibahan mo nga!"

"Are you mad about it?"

No, of course! But I just don't like it. Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing tumigil siya sa pang-aasar. Hindi siya nag-salita. Mukhang wala siyang balak magseryoso.

"I want to sleep." Pag-iiba ko.

"I'm sorry about that, Ruby."

Napalingon ako sa kanya nang hawakan niya ang tiyan ko at yakapin mula sa likod. Inamoy-amoy niya ang buhok ko. Hinawi niya iyon para isandal ang ulo sa balikat ko.

Scent of EclipseWhere stories live. Discover now