Chapter 25: I want you gone

316 16 12
                                    

Rashea's POV

"Where is she?" Zion stood up quickly when he learned about the capture.

Hindi ko alam kung talaga bang matigas ang ulo niya o sadyang ganoon lang siya kasabik na makita ang kapatid ko.

"Ano ba, Zion! Kapag napahamak ka mapapatay kami ni Ruby! Makinig ka nga, kami na nga bahala," tulak ko sa kanya sa kama at tumukod para hindi na siya makawala.

"I need to find her so get out! She must be so scared now!" He shouted. Galit na galit siya sa panghaharang ko sa kanya.

Tinukod ko ang mga tuhod sa magkabilaang katawan niya para wala na talaga siyang kawala. Tinulak ko siya at tinitigan nang matalim.

"Are you really that much in love?" Tanong ko habang ang mga buhok ko ay sumasayad sa mukha niya. Umiwas siya ng tingin at bumaling sa bintana.

"I still need her to find my family so I need to keep her safe. That's all," saad niya para itanggi.

"Sus, ilang ulit mo ngang hinalikan eh," iling ni Kuya sa kanya. "Did she bite you? Or did you two made love?"

Namula ang mukha niya sa inis at galit. Lumunok pa siya habang sinusubkang itulak ako ngunit lalo lang akong pumapaibabaw.

"What the fuck! Hindi ako katulad ng iniisip niyo. How could I fuck her if she's completely broken?" He insisted to defend his side. "And will you please get the hell out of my top?" Sigaw niya sa akin.

Doon ako napatingin at nakaramdam ng hiya. Mukha na pala akong nangmomolestya sa lagay ko. Gumulong ako sa kabilang parte ng kama at tumayo.

"Sorry," usal ko at inayos ang sarili.

"Now tell me where is she! Hindi na ako makapaghintay!" Sigaw niya sa amin.

"We're going there tonight... Maghintay ka na lang dito dahil baka mapahamak ka," paglilinaw ni Conard.

Conard looked at me. Kumindat siya para kunin ang loob ko ngunit umiwas kaagad ako. I heard him laughed silently because of what I did.

"Sasama ako," panlalaban niya sa amin.

"Hindi mo kakayanin. Puwede ba maghintay ka na lang?" Sigaw ko sa kanya at dinuro siya sa mukha.

Laking gulat ko nang paluin niya ang kamay ko palayo.

"Huwag mo akong tinatakot," diin niya. "Kahit pa paulit-ulit akong lumunok ng lason para maligtas siya gagawin ko," he said.

"In love ka na," sagot ni Reis.

"Para sa kapatid ko!" Sigaw niya sa amin pero tinawanan lang namin siya.

"Sus, in love—

"And so!?" Sagot niya sa akin.

"Magpalakas ka na lang dito at kami na ang bahala. Sasagabal ka lang," napalingon kami kay Ulfa na pumasok sa loob.

Silence covered our atmosphere for a moment when she entered the room. Nanatiling nakatitig sa kanya si Zion na para bang kinikilala niya kung sino ba ang babaeng ito. Why do I feel that they know each other? 

"Who are you?" He asked while looking at her innocently.

Natigilan kaming lahat. Hindi namin alam ang sasabihin dahil sa kinikilos ni Zion. Para siyang nakakita ng taong patay na nabuhay muli.

"Kailangan na nating tumuloy. Hawak ngayon ng isang Amaroq si Ruby," saad muli ni Ulfa.

"Don't worry..." Conard whispered at me.

"Paano kung pinaglaruan nila ang mga alaala niya?" Kinakabahang tanong ko.

"Papatayin niya tayo sa galit," bulong ni Reis sa pagkataranta at lumabas sa kuwarto.

Scent of EclipseWhere stories live. Discover now