Chapter 21: Caught by the knight

257 16 8
                                    

I watched him do his buttons in front of me. I placed his clothes inside the paper bag I brought last night.

"Are you sure you're completely fine?" I asked, ten times from the first time.

He bit his lower lip, without even answering me. I raised my brows. Pagkatapos niya kong halik-halikan kung kailan niya gusto, ngayon hindi niya 'ko pinapansin?

"Shit, this woman," mura niya.

"Minumura mo na ako ngayon matapos mong sabihin na gusto mo akong makasama habang buhay?" Tumaas ang tono ng boses ko.

"Dahil ba gusto kita, hindi na ako puwedeng magmura?"

Mariin kong isinarado ang mga kamao ko at tumayo para harapin siya. My wolf wants to shift with my body but I can't do it dahil lang sa napipikon ako.

"Anong pinaglalaban mo?" Inis na tanong ko.

"Pagmamahal ko sa'yo," diretsang sagot niya at kumindat.

"Really?" I tried to stop myself from smiling.

"Uhuh, really," he nodded. "Love you," he said.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Goddess! Parang kinurot ang tagiliran ko roon. Nakakakiliti pakinggan.

"Oo nga pala," klinaro niya ang boses niya. "Bago umatake iyong si Raven, nakita ko pala yung brochure sa lamesa."

Inisip ko kung ano iyon at nagproseso sa utak ko na magazine iyon ng mga boxers at underwears. Kinuha ko iyon dahil may reregaluhan ako.

"And?" Sinilip ko ang namumula niyang mukha.

"And?" His voice raised into thunder. Bakit naman nagagalit? "Kababae mong tao ganoon ang nasa bahay mo? Did you forget? Brief at boxers iyon! So ano tinititigan mo roon?" Tuloy tuloy na sermon niya.

Humalagpak ako sa tawa habang binabasa ang ekspresyon niyang hindi ko maintindihan.

"Brief at boxers," natatawang sagot ko at tinalikuran siya pagkatapos.

Bago ako makalabas ay hinila niya ang pulsuhan ko at napahilamos sa mukha. And what's with the tempo?

"Isa pa na makikita ko iyong brochure na 'yon sa bahay mo..."

"What? Ako pa ngayon ang pinagtatangkaan mo?" Hamon ko. "Nawala yata sa isipan mo na puwede kitang kainin kahit ngayon na."

He's grinning at me like a devil when he heard it. Ngayon lang pumasok sa isip ko ang sinabi ko at nakakahiya! Umiwas ako ng tingin at pinalo ang kamay niya para bitiwan ako.

"Eat me then," he whispered exactly at the spot of my earlobes.

Tinulak ko siya palayo dahil doon. Shit!

"Manyakis," singhal ko.

"Ikaw ang manyak!" Depensa nito. "Sino sa atin ang tumitingin sa brochure ng brief?"

"Ano ba binubunganga mo?" Tanong ko rito.

"Tumitingin ka sa abs ng iba, Ruby. Have you lost your mind?" He raised his tone once again.

"Inutusan ako ni Kuya na kunin 'yon," pamumutol ko at agad siyang natigilan sa hiya. "Ano? Gusto mo ikuha rin kita?" Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya.

"Stop it," he murmured.

"Why are you mad?"

"Next time don't buy something like that again. People will think that you're a maniac."

"Edi sasabihin kong para sa asawa ko," tawa ko at pinakita ang singsing sa mukha niyang namumula sa hiya. "Next time, I'll get you one."

"Stop being naughty... Nga pala," he stared at me.

Scent of EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon