DALAWAMPUT WALO

Magsimula sa umpisa
                                    

"Prince Willio! Tama na yan!" sigaw nung Trely.

"Sinabi naming protektahan mo siya ngunit nasaan siya?!" sigaw ni Juno. Sinamaan ko siya ng tingin. Charyon tss.

Nanatiling nakatingin lang saakin si Hellary.

Inilayo naman ako ni Lary kay Willio.
"Tama na yan. Hanapin na lang natin si Blesi." sabi ni Lary sakanila.

Alam kong may gusto siya kay Blesi. Ngunit tunay pa rin siyang kaibigan. Iniwan nila kami ni Lary dito. Inilalayan naman akong tumayo ni Lary.

"Thanks." tanging sinabi ko.

"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya saakin.

"Yun naman talaga ang plano ko eh, ang protektahan siya. Ngunit hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari. Nawalan ako ng malay kaya di ko na nakita si Blesi." sabi ko.

"Alam ko naman na hindi mo kasalanan. Kapag nakita na nila si Blesi mawawala rin ang galit nila sayo." sabi niya at tinap ang balikat ko at naglakad na siya papunta doon sa kakambal niya.

Napangisi na lang ako sa sarili ko. I know it's all my fault. But no matter what happen, I will find you wherever you are.

Bea/ Blesi's P.O.V.

"Bea! Gumising ka na dyan! Kakain na!" rinig kong sigaw ni Kuya Yael.

Napadilat na lang ako at nanatiling nakahiga.

Dalawang araw na ako dito. Pero kung isasama mo pa yung nawalan ako ng malay I think four days na ako dito.

Kailan ba ako makakabalik sa Normal kong pag-iisip? Hindi ko naman sinasabing abnormal ako mag-isip pero parang ganun na nga, charrs.

Tok! Tok!

"Bea! Ano ba?! Dalian mo na!" rinig kong sigaw ni Kuya Yael.

Medyo masungit din kasi si Kuya Yael. Pero mas lamang ang kabaitan at sweetness niya.

Teka! Bakit parang di nila maintindihan ang nga millenials talk?! So? Power ko na ba yun?

At teka?! Saan nanggaling ang salitang 'millenials talk?!'

Waahhh! Sa tingin ko nga abnormal na ako mag-isip!!!!

"Coming!!!" sabi ko na lang at inayos yung pinaghigaan ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Kuya na masama ang tingin saakin.

Nagpout na lang ako sa harap niya.
Nagulat naman ako ng hilain niya ang nguso ko.

"Awww! Kuya naman eh!" sad kong sabi sakanya.

"Ang tagal mong lumabas! Anong oras ka na kasi natulog kagabi! Hindi ganito ang oras ng gising dito ah!" sabi niya at pinitik ang noo ko.

Waahhh! Sinabi ko bang sweet siya at mabait? Binabawi ko na!!! Sa first day ko lang pala dito sa bahay nila siya mabait!

Ano yun? Para sabihin niya saaking 'Bea, ako to si Yael ang kuya mo na ngayon na mabait at sweet hehehehe' tapos kapag naramdaman ko na ang kabaitan niya at kasweetan niya tsaka siya magiging dragon?!

Nabigla ako ng pitikin nanaman niya ang noo ko.

"Kuya naman eh! Ang sakit kaya!" sigaw ko sakanya.

"Kung ano ano nanamang pumapasok sa isip mo! Tara na at naghihintay na si Aka." sabi niya at hinila na ang palapulsuhan ko.

Hinawakan ko naman ang palda ko na sumasayad sa sahig.

Pagkadating namin sa kusina ay naghahanda na si Aka ng mga plato at baso. Dali dali akong lumapit doon at tinulungan siya.

I'M HERE INSIDE OF MY BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon