Chapter 2

2.2K 88 4
                                    

PATRICK

"Wala rin akong alam iho eh. Ba't kayo nasali sa Special Section? Ano ba yang special section na yan?" Tanong sa amin nitong babaeng nagbabantay sa admission office.

"Hindi rin po namin alam maam. Nakatanggap lang po kami ng email kagabi na isa daw kami sa 40 na students na napili para mga maging part daw nitong special section. Sabi sa email ay pumunta daw kami sa Building B9 pero wala namang available na classroom doon. Lahat nakalock tapos wala namang mga blackboard at mga upuan." Paliwanag ni Alexa.

"Wait lang ha? Magtatanong muna ako sa ibang professors."

"Sige po maam."

Lumabas naman yung babae at naiwan kaming anim dito sa loob. Yung iba naming mga kaklase ay nanduon lang sa labas at kaming anim lang ang pumasok.

"Uwi nalang kaya tayo?" Tanong ni Alexa.

"Girl, wag mo kaming idamay. Ikaw lang 'yung gustong umuwi." Sabi naman ni Sam.

Nagbabangayan na naman silang dalawa. Sigh.

"Maski ako, inaantok pa nga eh. Gusto kong umuwi nalang." Bulong sa akin ni Shane.

"Ako rin. Hinampas pa nga ako ng sandok ni mama kanina eh. Ang sakit kaya nun. Tingnan mo yung mukha ko, namumula diba?"

"Hindi naman na halata."

After 5 minutes...

Bumalik yung babae dito sa loob at naupo sa inuupuan niya.

"Wala kayong pasok ngayong araw. Bumalik na lang daw kayo bukas."

Nanlaki kaagad ang mga mata namin. Ha?!

"B-bakit daw po maam?" Tanong ko.

"Wala rin akong alam eh. Pero yun ang sabi ng adviser niyo. 'Di niya kasi kayo mamimeet ngayong araw kaya bukas nalang daw niya kayo imemeet."

"Ganun po ba? Sige po maam salamat." Sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sa amin.

"Mauna na ho kami."

"Sige, ingat kayo."

Lumabas kami ng admission office at kaagad naman nilang sinabi sa mga kaklase namin ang balita.

"Bakit kailangan nating umuwi? Isa lang ba ang adviser natin?" Rinig kong tanong ni Kalum.

"Tingnan mo nga sa schedule." Sabi ni Alexa.

Kinuha naman ni Kalum yung schedule niya kaya naman nakitingin rin ako.

"Hala, ngayon ko lang napansin na wala palang mga adviser yung bawat subjects natin. Isa lang yung nakalagay sa ilalim, si Maam Kyla daw. Siya siguro yung classroom adviser natin?"

"Oo. Siya 'yan." Sabi ko kay Kalum.

"So uuwi tayo?" Tanong ni Samantha.

"Gala muna tayo guys. Treat ko kayong lahat." Sabi ni Paul.

"Uhm ano kasi, uuwi na ako. Sabi kasi ni mama na umuwi daw ako kapag-"

"Yan ka na naman Patrick eh! Ang KJ mo! Minsan na nga lang tayo gumalang anim na magkakasama, sige na!" Tapos niyugyog ako ni Alexa. Bigla naman akong nahilo dun.

"S-sige na nga."

"Yes!"

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanila. May dalang sasakyan si Paul at Kalum kaya iyon ang ginamit namin. Sa sasakyan ni Paul, ako at si Shane ang nakasakay. Tapos sa sasakyan ni Kalum naman ay si Alexa at Sam ang nakasakay.

Please Save MeWhere stories live. Discover now