Chapter 30

1.4K 93 6
                                    

PATRICK

"Anong oras kayo umuwi kahapon? 'Di ka man lang nagsabi na nakauwi na pala kayo." Sabi ni Sam.

"Tinamad ako kahapon eh. At tsaka napagod rin ako sa byahe kaya 'nung pagkauwi ko ay nagpahinga lang ako ng konti pagkatapos ay lumabas ako ng campus para pumunta ng karenderya para kumain."

'Di ko pa nasasabi sa kanya ang about sa nangyari kahapon at wala akong balak sabihin iyon. Ayokong sabihin baka kasi kapag nalaman niya pa iyon, bigla na lang niyang sugurin si Kenjie. Alam niyo naman 'yung lola niyo, na beast mode noon sa kanya.

Today is Monday, July 29. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa gitna ng soccer field papunta sa classroom namin. I wonder kung andun na sila Kalum. 'Di ko kasi sila nakasalubong kanina sa dorm.

"Kahit na no. Dapat nagsabi ka man lang. Anyway, alam mo na ba 'yung balita? Naipanalo daw nila Nikko 'yung game kahapon. Three wins na daw sila, tapos wala pang talo. I don't know kung totoo 'yun, narinig ko lang kasi kahapon."

Waaaah! 'Di ko pala napanuod kahapon 'yung game nila ni Nikko! Huhuhu. Wala kasi akong twitter eh, sayang. May nagsend pa naman ng link sa group chat the other day.

"Mag-iisang linggo na sila Nikko bukas doon. Kapag naipanalo nila ang final game, maraming mag-iinterview sa kanila at baka abutin sila doon ng tatlong linggo." Sabi ko sa kanya.

"Ay oo nga pala no? Kung ganuon, 'di pala sila makakasali sa trip natin sa Boracay?"

Automatic akong napalingon kay Sam nang sabihin niya iyon.

"Sure ba talaga na sa Boracay 'yung trip natin?"

"May program kanina diba kaya half day lang tayo? 'Yun daw ang pinag-usapan nila."

Uwaaah! Makakapunta na ako ng Boracay! Huhuhu! My dream place waaaah!

"Legit talaga? Excited na ako Sam! Alam mo naman kung gaano ako kasabik noon pa man na makapunta sa Boracay diba? Mukhang matutupad na ang isa sa mga pinapangarap ko."

"Okay lang sayo kahit hindi makakasama si Nikko?"

Bigla naman akong natahimik doon. Sayang pala 'yun. Okay sana kung andun 'din si Nikko.

"Okay lang naman kung hindi siya makakasama sa field trip. Mas mahalaga pa rin 'yung laro nila no. Once in a lifetime lang 'yun. At tsaka, nakapag-field trip naman na siya 'nung first year college siya."

"Kung sabagay. Mas importante talaga 'yung laro nila lalo na kung may matatanggap siyang regalo mula sayo kapag naipanalo nila 'yung laro diba?"

Namula kaagad ako sa sinabi niya. Bigla kong naalala 'yung time na sinilip nilang lima 'yung text message na sinend ko kay Nikko. Nakakahiya 'yun huhuhu.

"Pat!"

Napalingon ako sa likod nang may tumawag sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Alexa na tumatakbo kaya naman tumigil kami sa paglalakad ni Sam.

"Ba't ka tumatakbo girl?" Tanong ni Sam sa kanya.

"Paano ako 'di tatakbo eh ang bibilis ng mga hakbang niyo? Kanina ko pa kayo tinatawag." Sagot naman ni Alexa habang hinahabol ang hininga niya.

"So kasalanan pa namin? Ano ba ang kailangan mo?"

"Pakopya ako ng assignment. Sa Physics lang."

"Oh kita mo? Mangongopya lang pala. Eh kung pumunta ka sana sa room ko kahapon diba? Ano ba ang ginagawa mo kahapon ha?"

Please Save MeWhere stories live. Discover now