Chapter 4

1.5K 101 10
                                    

PATRICK

"Pat, gising na. Nandito na tayo."

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nagsisibabaan na ang mga kasama namin. Napatingin ako sa labas ng bus at kaagad na namangha nang tumambad sa aking mga mata ang napakalaking paaralan. Ito na ba yung Saint Michael Denova Academy?! Ang laki!

Kinuha ko yung bag ko, isinuot at bumaba na. Kinuha ko kaagad yung isa ko pang bag sa compartment ng bus.

Ang laki talaga ng paaralan na 'to. Harap palang yung nakikita namin, paano pa kaya kung nakapasok na kami sa loob?

"Ang dami sigurong pogi sa loob." Sabi ni Sam. 'Di ko napansin na nakatayo na pala siya sa tabi ko. Masyado kasi akong nadistract sa ganda ng school.

"Students, let's get inside." Sabi ni Maam Kyla.

Sumunod naman kaming lahat. Pumasok kami sa loob at naagaw kaagad namin ang atensyon ng lahat ng mga estudyante na naroroon. The time is already 5:30 pero marami pa ring mga estudyante. May klase pa ba sila?

"Bawal umuwi sa kanilang mga bahay ang lahat ng mga nag-aaral dito diba?" Tanong ko kay Sam.

"Yup. May dorm kasi kaya doon dapat magststay lahat ng mga students. Pero nakakauwi naman yung mga students especially friday afternoon since weekend na after nun pero dapat bumalik sila ng dorm nila Sunday afternoon."

Napatango naman ako.

"Grabe namang mga titig yan. Alam ko namang maganda ako kaya 'di na dapat nila ipahalata na ako yung tinitingnan nila." Bulong ni Alexa na narinig naman namin ni Sam.

"Wow girl ha? Sayo pa talaga nanggaling." Sabi naman ni Shane. Narinig din pala niya.

"Tumahimik na nga kayo." Saway sa kanila ni Sam.

Aliw na aliw ako sa kakatingin sa mga nagtataasang buildings. Para na nga akong baliw kasi ngumingiti ako nang mag-isa.

Nakita naming pumasok si Maam Kyla sa isang room. I think it is the admission office kaya naman naiwan kami dito sa labas.

Naghintay lang kami na lumabas si maam. Hindi naman na mainit since hapon na rin at malapit na ring dumilim.

After mga ilang minuto pa na paghihintay, lumabas na din si Maam Kyla. Nang makalapit siya sa amin ay isa-isa niya kaming binigyan nung sobreng hawak niya. Nang matanggap ko yung sobre ko ay binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang sampung one thousand sa loob. Ito na ba yung allowance namin for the whole month?

"Yan na yung budget niyo for the whole month. Mamayang 7:00 ng gabi, pupunta tayo ng cafeteria nila para kumain. But first, let's go to your dorm para naman makapagpahinga kayo."

Naunang maglakad si Maam Kyla kaya naman sumunod kami. Naglakad lang kami nang naglakad hanggang sa matanaw namin ang mga naglalakihang 3-storey buildings. Yan na ba ang dorm namin? Ang laki!

"This dorm is for girls only. Yung sa inyo naman boys is nasa likod. Maam Elizabeth will accompany you." Sabi ni Maam Kyla habang nakaturo sa isang professor na naglalakad papalapit sa amin.

"Hello students."

"Hello po maam."

"So boys, shall we?"

Tumango lang kami kay Maam Elizabeth. Nagpaalam naman kami kina Shane bago sumunod kay maam.

Nang makapunta kami sa likod ng dorm ng mga babae ay namangha-ulit ako. Wow! Ang gaganda naman ng dorms dito. Parehas lang yung laki ng dorm ng babae sa lalaki. Walang masyadong pinagkaiba.

Please Save MeWhere stories live. Discover now