Chapter 9

1.4K 85 17
                                    

PATRICK

Sabado ngayon at nandito ako sa loob ng dorm. 9:30 palang ng umaga pero nakahilata pa rin ako sa kama at naglalaro lang ng Pou. Ewan ko ba, tinatamad akong bumangon ngayong araw.

Pupunta nga rin pala kami ng mall mamayang hapon para bumili ng mga groceries. Ewan ko lang kung saang mall kami pupunta. Basta ang napag-usapan namin ay magkikita nalang daw kami sa labas ng building ng dorm namin at exactly 1:00 ng hapon.

Ako lang ang mag-isa dito sa loob. I don't know kung nasaan si Kenjie. Umuwi siguro siya sa kanilang bahay. 'Di kasi siya umuwi kagabi dito sa dorm kaya ako lang mag-isa dito.

Bigla namang kumalam yung sikmura ko. Yikes! Gutom na ako, saan kaya pwedeng kumain? Sarado daw yung cafeteria tuwing weekends sabi ni Sam. Meron namang mga karenderya at restaurant sa labas ng school kaso ayokong lumabas kasi hindi pa ako naliligo.

Kung siguro nandun lang ako sa bahay, ganitong oras, tumutulong na ako kay mama sa pagtitinda ng mga paninda naming isda sa palengke. Boring naman dito sa loob. Sigh. Matawagan na nga lang sila mama. Mangangamusta ako sa kanila.

"Hello anak? Napatawag ka?"

"Nangangamusta lang po ako ma. Kamusta naman yung benta? Marami ba ang bumibili?"

"Syempre! Marami yata tayong suki!"

Napangiti naman ako doon. Yay! Malakas yung benta namin!

"Mabuti naman pala kung ganun. Mag-ingat pa kayo ni papa diyan ha? Tatawag ako sa inyo kung may free time ako."

"Mag-ingat ka rin diyan. Sige anak, ibababa ko na 'to, marami kasing bumibili."

"Sige po ma! I love you!"

"I love you too anak, bye!"

Binaba ko na yung cellphone ko at nahiga sa kama. Nakatingin ako ngayon sa kisami at nagmumuni-muni lang. Sigh. Gutom na ako kaso tinatamad akong lumabas.

Ganuon lang ako hanggang sa lumipas ang kalahating oras. Napagdesisyunan kong bumangon at maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako at lumabas na ng dorm.

Time check: 10:15 ng umaga at grabe yung tirik ng araw. Naglakad ako palabas ng campus at pinuntahan yung pinakamalapit na karenderya. Sana mura lang yung bilihin dito.

Tumingin-tingin naman ako sa mga pagkain na available. May pancit, fried chicken, tocino, ham, itlog, hotdog, chorizo, tinolang manok, sinigang na baboy, at iba pa. Typical breakfast meal tapos may sabaw sa gilid. Mukhang masarap 'to ah?

"Yes sir, ano pong order nila?"

"Uhm miss, magkano isang serve ng pancit?" Tanong ko dun sa babae. Katulong yata dito sa karenderya.

"30 pesos po."

Ngek! Ang mahal ah? Bente nga lang samin eh. Sigh. Ano ba ang maaasahan mo Patrick? Eh 'di naman 'to ordinaryo na karenderya. Mayayaman na mga estudyante yung kumakain dito kaya mag-expect ka na rin na pangmayayaman rin yung presyo ng nga pagkain.

"Ito pong tinolang manok?"

"60 pesos po isang serve."

Kailangan ko na talaga bumili ng mga groceries para ako nalang yung magluluto ng mga kakainin ko. Mabubutas yung bulsa ko sa mahal ng mga pagkain dito. Malakas pa naman akong kumain. Huhuhu, help!

Please Save MeWhere stories live. Discover now