Chapter 33

1.2K 85 11
                                    

PATRICK

Today is August 10, Saturday. Ngayon magsisimula ang mga activities namin kaya naman excited na ako. Maaga akong nagising at naligo at kaagad na nagsuot ng red t-shirt na may surname sa likod namin. Color coding kasi kami tapos kaming mga freshmen ay red tapos 'yung mga sophomore naman ay blue.

Kasalukuyan akong kumakain ng agahan ngayon dito sa dining room kasama si Jared. Marami-rami kami dito kaya naman ang ingay-ingay ng paligid. Dagdag mo pa na may nagpapatugtog ng disco music. Umagang-umaga, mukhang masisira kaagad ang araw ko.

Patuloy lang kami sa pagkain nang bigla na lang nagsitilian ang mga babae pati ang mga bakla. Kumunot ang noo ko nang makita ko silang nag-uunahan na lumabas ng dining room.

Nagtaka naman kami ni Jared kaya nilingon ko rin ang exit ng dining room.

"Anong meron?" Tanong ni Jared.

"Ewan ko din. Baka may artista na nagcheck-in sa hotel." Pabiro kong sagot.

"Baka nga."

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain ni Jared at hindi pinansin 'yung ingay. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko.

Samantha calling...

"Excuse me. Sasagutin ko muna 'to."

'Di ko na hinintay na sumagot si Jared at kaagad na lumayo sa kanya upang sagutin ang tawag.

"Hello Sam?"

"Hello."

"Teka, hindi kita masyadong marinig. Ang ingay-ingay kasi dito sa loob ng dining room."

"SI NIKKO ANDITO NA!!!!!"

Bigla kong nailayo ang cellphone ko sa tenga ko. Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi ni Sam.

Oh my God! Waaaah!

"Pupunta ako diyan! Asan kayo?!"

"Sa lobby area."

Kaagad kong binaba ang tawag at patakbong binalikan si Jared.

"Uhm Jared, hinahanap kasi ako ng mga kaibigan ko. Mauna na muna ako. Enjoy ka lang dito." Sabi ko naman.

Inubos ko muna 'yung natitirang pagkain sa pinggan ko at uminom ng juice bago lumabas ng dining room.

Nakipagsiksikan ako sa lobby area kasama ng mga ibang estudyante.

Waaaah! Sino 'yung amoy putok? Huhuhu! Ang aga-aga taena naman! Teka padaanin niyo ako!

"Students, please stop creating unnecessary noise inside the hotel. Remember, hindi lang tayo ang nandito sa loob. Now, if y'all don't mind, lumabas muna kayo ng hotel since gumagawa na kayo ng ingay dito sa loob. At exactly 8:00 in the morning, magsisimula na ang activity natin." Sabi ni Maam Minerva.

Nagsilabasan naman ang mga estudyante. Nagpaiwan ako kasi gusto kong makita si Nikko hehe. Miss na miss ko pa naman 'yun char.

"Mr. Santiago? What are you still doing here? Lumabas ka na." Sabi ni Maam Minerva.

"Ah ano po kasi maam, may kukunin pa kasi ako sa room namin. May naiwan po ako doon hehe."

Nice one Patrick. Galing mong magpalusot. May spot ka na sa impyerno.

Please Save MeWhere stories live. Discover now