Chapter 47

1K 83 2
                                    

PATRICK

Today is officially the day na magsisimula ang school tournament. Maaga akong nagising 'di dahil sa excited ako sa Battle of the Brains kundi dahil sa kinakabahan ako.

5:00 palang ng umaga pero gising na ang diwa ko kaya naisipan kong maligo kaagad. Nang matapos ako ay kaagad akong nagluto ng almusal. As of Kenjie, tulog pa ito.

Natapos akong magluto 10 minutes before mag 6:00. Hinanda ko na 'yung mesa. Sakto namang naggising si Kenjie.

"Maligo ka na para sabay tayong makapag-almusal. Hihintayin kita."

'Di man lang niya ako sinagot at nilagpasan lang ako na parang wala ako sa kinatatayuan ko.

Sigh.

Nagseselos pa rin ba siya 'nung nakita niya kaming magkasama ni Nikko sa loob ng 7/11? Wala naman kasing ibig sabihin 'yun eh.

I already explained to him na walang ibig sabihin iyon. But still, 'di pa rin niya ako pinapansin. My fault. My fault. My fault.

Nang matapos ako sa paghahanda sa mesa, naupo muna ako sa kama ko, kinuha ang cellphone sa bedside table at nagfacebook. Pawang about sa School Tournament ang nakikita kong mga post sa feed ko. Halatang excited ang lahat, ako lang ata 'yung hindi.

Nang makita kong lumabas si Kenjie sa banyo ay ngumiti ako sa kanya. Pero nilagpasan niya lang ako ulit.

"Manunuod ako ng laro niyo mamaya. Good luck." Sabi ko sa kanya pero 'di man lang siya sumagot.

Tumalikod nalang ako at naglakad papunta sa mesa. Umupo ako at nagsimulang maglagay ng kanin sa pinggan ko.

Nang matapos si Kenjie sa pagbibihis ay nakita ko siyang naglakad papalapit sa mesa at naupo rin. Napangiti naman ako kasi akala ko, 'di niya na naman kakainin 'yung niluto ko.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa matapos kaming kumain. Hinugasan ko kaagad 'yung pinagkainan namin at nang matapos ako ay nagsipilyo at nagbihis na ako ng uniform. Nagpabango rin ako ng konti at nag-ayos ng buhok sa harap ng salamin.

Nauna nang lumabas si Kenjie kaya ako nalang ang naiwan dito sa loob. Nang okay na ang lahat-lahat, lumabas na din ako ng dorm at naglakad papuntang Math Club.

Habang naglalakad ay kapansin-pansin na napakarami na kaagad mga estudyante sa paligid. Mostly from other schools at naghalo-halo na dito sa loob ng campus.

Nang makarating ako sa Math Club, andun na sila Jared, Wendy, at iba pang mga members namin.

"'Yung jingle, okay na?" Tanong ni Wendy sa mga co-members namin.

"Okay na po."

"Patrick, binago 'yung time slot sa Battle of the Brains. Instead of 9:00, ginawa nilang 8:00. Andun si Jared sa loob." Sabi ni Wendy na ikinagulat ko.

Hala siya! Ba't napaaga?!

"Ba't daw napaaga?"

"I don't know. Sige na, puntahan mo na si Jared. Pumunta na kayo doon sa school ground since dapat kasali kayo sa program."

Please Save MeWhere stories live. Discover now