Chapter 44

1.1K 79 28
                                    

PATRICK

Today is another new day, but of course, dahil sa nangyari kahapon, 'di maganda ang gising ko ngayon. Masakit rin 'yung ulo ko at anytime, para akong matutumba dahil sa nahihilo ako.

May lagnat ata ako eh, huhuhu. Ano ba naman kasing nakain ko kagabi at nagpaulan kami ni Kenjie? Ang lakas pa ng tama ko kasi nagwaltz kaming dalawa sa ilalim ng ulan.

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong ni Sam sa akin sabay niyugyog ang katawan ko.

Waaaah! Parang lumala bigla 'yung pagkahilo ko.

"O-okay lang." Sagot ko at inayos ang paglalakad ko.

Kasama ko ngayon sina Sam at Alexa at pupunta kami ng Music Club para magpractice sa kakantahin namin sa darating na School Tournament.

"Alam mo girl, magkaibigan naman tayong anim diba pero 'di ko alam kung bakit 'yung isa diyan kailangan pang maglihim." Sabi ni Alexa kay Sam, halatang pinaparinggan ako.

"Magkaibigan lang kami." Sagot ko naman.

Alam ko naman na si Kenjie 'yung tinutukoy ni Alexa. Kalat na kalat talaga kahapon 'yung nangyari. I still wonder kung anong magiging kahihinatnan ni Nikko. Ayokong maexpell siya.

"Ganun ba? May kaibigan palang naghahalikan."

Grrr! Wala pa naman ako sa mood mag-explain ngayon. Pero anong magagawa ko? Kailangan kong ipaliwanag sa kanila para naman 'di na nila ako kulitin pa.

"Palabas lang 'yun ni Kenjie para tumigil na si Freah. Malaki ata ang galit nun sa akin."

"'Di pa rin ako makapaniwala sa kumalat na balita kahapon. 'Di ko aakalain na nakabuntis pala si Nikko. Kaya siguro malaki ang galit 'nung Freah sayo Pat kasi alam naman natin, palagi kayong magkasama ni Nikko. Baka nagseselos." Sabi ni Sam.

"Wala silang relasyong dalawa. Nikko was drunk that night when Freah took advantage of his situation."

"Yeah, I heard that one too. Kawawa naman si Nikko, I wonder kung asan siya ngayon. Sabi ni Kalum kanina, 'di daw umuwi si Nikko sa dorm."

Sa totoo lang, nag-aalala rin ako kay Nikko sa kung anong ginagawa niya ngayon. I'm sure alam niya na ang kumakalat na balita. Gusto ko siyang damayan ngayon. Alam kong napakalaki ng problema ang dinadala niya ngayon.

Nakarating kami sa Music Club at kaagad kaming nagsimula sa pag-practice ng aming kanta. 'Di ako makapag-concentrate kasi nahihilo ako at feeling ko, matutumba ako.

Damn.

I wonder kung masama rin ba ang pakiramdam ni Kenjie. Kapag nagkalagnat 'yun, kasalanan ko pa kasi hinila ko siya sa gitna ng school ground at sumayaw.

"Good morning po."

Napatingin kaming lahat sa labas ng pinto at nakita namin ang isang babaeng estudyante na nakatayo.

"Anong kailangan mo?" Tanong 'nung President namin.

"Andito po ba si Mr. Santiago? Pinapunta po kasi siya ni Mr. Denova sa office niya."

Nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko. Waaaah!

Bigla kong naalala 'yung sinabi ni Jared kahapon na punishment kasi may nalabag kaming rule ni Kenjie. Huhuhu.

Tiningnan naman ako ng mga kasama ko. Sila Sam at Alexa ay tinaasan pa ako ng kilay.

"Punta muna ako sa Principal's office." Sabi ko at lumabas na.

Habang naglalakad papuntang office, nagsimula ulit umikot ang paningin ko kaya napaupo ako sa pinakamalapit na bench.

Waaaah! Ayoko na talagang magpaulan. Mukhang mahina ata immune system ko eh.

Please Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon