Chapter 7

1.4K 91 14
                                    

PATRICK

"Bilisan mo Patrick! Malapit na magsisimula ang audition!" Rinig kong sigaw ni Sam sa labas.

Nandito ako ngayon sa loob ng CR at nagbibihis ng damit kasi nabasa ng tubig kanina nung kumakain kami. Sinadya ko talagang bagalan yung paggalaw ko para hindi ako makasama sa kanila ni Alexa sa audition.

Ayoko talagang sumali dun huhuhu. Napag-isipan ko din na paano kung hindi nalang ako pumunta doon diba? Tutal, 'di naman ako ang nagpalista ng name ko doon. Pero nakakahiya kay Nikko yun, huhuhu. Siya yung judge tapos paano kung makita niya yung name ko sa listahan ng mag-aaudition tapos 'di pala ako magpapakita? Edi nadisappoint si Nikko sa akin. Ayokong mangyari yun. Ayokong dumihan yung image ko sa harap niya hehe.

"Bilisan mo naman Patrick!"

"Oo na! Sandali lang!" Tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin for one last time bago lumabas.

Pagkalabas ko ay kinuha ko yung pabango ko sa loob ng bag at nagpabango lang ng konti and then tada! Tapos na ako!

Lumabas na kami nila Alexa at Sam at ngayon ay naglalakad na kami papunta sa Music Club. 'Di ko talaga gusto itong idea nila. Huhuhu. Inilista ba naman yung pangalan ko doon nang hindi humihingi sa akin ng permiso. Kaibigan ko nga sila.

Nang makarating kami sa Music Club ay marami pa ring mga tao pero hindi na gaya kanina. Sumilip ako sa loob at doon ko lang naconfirm na judge nga si Nikko since nakaupo siya sa harap kasama ng iba pang mga co-members niya.

Nagsimula nang tumibok ng pagkalakas-lakas yung puso ko. Huhuhu. Please help me. Sana hindi ako mawala sa tono mamaya. Kasi kapag nagkataon, mapapahiya talaga ako 'di lang kay Nikko kundi sa mga tao sa paligid. Waaaah!

"Next, Alexa Lynn Flores!"

"Go girl! Kaya mo yan!" Pagchicheer sa kanya ni Sam.

Ngumiti lang siya sa amin bago pumasok sa loob ng club. Nanuod naman kami ni Sam sa kanya sa labas.

Nagsimulang kumanta si Alexa. Kinanta niya yung Stone Cold ni Demi Lovato. Nang matapos siya ay nagpalakpakan naman kaming lahat. Ang ganda ng boses ni Alexa promise.

"Your voice is pretty impressive. I think you can hit different ranges with your voice. Can you do F#6?" Sabi nung nasa gilid na judge.

Pinakitaan naman sila ni Alexa ng isang high note. And wow! Just wow! Nakuha niya yun? Ang taas ah? Pumalakpak naman kaming lahat.

"Impressive. You're in!"

Napatalon naman si Alexa sa tuwa. Yay! Pasok siya!

"Next, Samantha Joy Martinez."

Si Sam na ang magpeperform. Pumasok na si Sam sa loob at lumabas naman si Alexa.

"Congrats. Ang taas nun ah?" Sabi ko sa kanya.

"Akala ko nga 'di ko makukuha yung high note eh. Alam mo naman, matagal na akong hindi nakapagpractice."

"Ang galing mo nga eh."

Mas lalo tuloy akong kinabahan. Baka utusan rin ako nung mga judge na maghit ng isang high note. Waaah! 'Di pa naman mataas masyado yung vocal range ko. Usually, parang normal lang na lalaki na kumakanta.

Nagsimulang kumanta si Sam. Kinanta niya yung The Climb ni Miley Cyrus and just as Alexa, namangha rin ako sa boses niya. Waaaah! Ayoko na! Huhuhu. Ako lang yata yung pangit ang boses dito eh.

Please Save MeWhere stories live. Discover now