Chapter 18

1.3K 83 7
                                    

PATRICK

"Ang taas naman yata niyang listahan ng bibilhin mo?"

Napatingin ako kay Kalum nang magsalita siya tapos napatingin ulit ako sa listahan na hawak ko. Napabuntong hininga nalang ako sa kabobohan ko kagabi. Ba't na naman ako pumayag?!

Okay na sana eh! Lilipat na ako ng room, magiging roommate ko na si Nikko, naudlot nalang bigla. Huhuhu. Siguro dahil sa kaba kaya napapayag nalang ako kagabi.

Eh sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung yung roommate mo na masungit sayo ay bigla ka nalang kinorner tapos ang lapit pa ng mukha niya sayo? Yung tipong ilang inches nalang, maglalapat na yung labi niyong dalawa? Huhuhu.

Ang bobo mo talaga Patrick!

"Hoy Pat, okay ka lang? Natulala ka diyan?"

Nabalik ako sa aking ulirat at nginitian lang si Kalum bago naglakad papunta sa frozen section para bumili ng baboy, isda, manok at mga frozen foods. Nakita ko naman siyang sumunod.

"Sure ka na ba talaga na 'di ka na tutuloy sa paglipat?" Rinig kong tanong niya.

"Hindi na." Sagot ko naman. Well, oo, gusto kong lumipat kaso shems! Yung roommate ko, kinareer talaga ang pagiging bossy at ginawa pa akong alipin. Bwiset!

"Ang gulo-gulo mo talaga kausap Pat. Parang kagabi lang, sobrang excited ka na lumipat then kaninang umaga lang, sinabihan mo akong 'di ka na pala tutuloy. Buti nga at hindi pa ako nakakapag-impake ng mga damit at gamit."

Eh si Kenjie kasi eh! Nilock ba naman 'yung pinto gamit 'yung card kaya 'di ko mabuksan. Tapos kinorner pa ako, no choice tuloy 'yung lolo niyo.

Speaking of Kenjie, 'di ko alam kung anong trip niya ngayong araw. Ginising ko siya kaninang umaga para kumain ng agahan kaso kinuha niya lang 'yung kumot niya at nagtaklob. Kung trip niya lang matulog buong araw, edi mabuti. Walang sasagabal sa akin ngayon.

Today is Saturday at kasalukuyan kaming namimili ng grocery ni Kalum dito sa mall. Nauna nang umuwi sila Samantha kasi kanina pa sila natapos. Si Kalum naman ay pumunta muna ng Palawan para kunin 'yung pera na ipinadala ng parents niya bago siya dumeretso dito kaya ito kami ngayon, sabay na namimili.

Ako naman, sa dami ng bibilhin ko, umabot na ako ng dalawang oras dito palibot-libot, 'di pa rin ako tapos mamili. Langyang Kenjie 'yan!

Well kasalanan ko naman. Bakit ba kasi ako pumayag? Langya talaga. Pero kahit na no! Kung ikaw ba naman, bigla-bigla na lang ikorner ng roommate mo tapos wala pang daan palabas, mapapatango ka nalang talaga sa lahat ng sasabihin niya.

Pero dahil nga optimistic akong tao, palagi akong tumitingin sa positive side. Ako lahat ang bibili ng mga groceries tapos ako din 'yung magluluto, ang kapalit nun, libre na lahat ng kakainin ko, may sweldo pa akong matatanggap. Oh diba? Mukhang ito na yata 'yung oras na yayaman na ako hihihi.

Imagine, may 20,000 akong matatanggap kada buwan from allowance and scholarship, tapos wala akong gastos sa kakainin ko sa dorm tapos may sweldo pa ako. Uwaaah! Makakabili na ako ng bago kong cellphone. Huhuhu.

"Ang dami naman niyang pinamili mo Pat? Sayo lahat 'yan? Pang dalawang buwan na yata 'yan eh." Sabi niya matapos kong mailagay 'yung hotdog sa shopping cart.

'Di naman 'to sa akin lahat. May palamunin kaya akong kasama sa dorm.

"Sa amin ng roommate ko 'yan." Sabi ko naman.

"Sa inyo? Eh bakit wala dito 'yung roommate mo? Wala ba 'yang kamay at paa at ikaw pa talaga ang inutusan na mamili dito?"

Kinuha ko naman 'yung credit card na binigay sa akin ni Kenjie kagabi at ipinakita kay Kalum. Ito daw ang gagamitin ko kung babayaran ko na 'yung mga groceries na pinamili ko.

Please Save MeWhere stories live. Discover now