Chapter 20

1.3K 89 25
                                    

THIRD PERSON

"Mga bro, punta muna ako ng CR. Naiihi ako." Ang sabi ni Lloyd. 'Di niya na hinintay na sumagot ang mga kasama niya at kaagad na tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad papuntang CR.

"Samahan mo 'yun Brandon. Baka mapano 'yun." Sabi ni Calex sabay kinuha ang shot glass at ininom iyon.

"Ako?! Teka ba't ako? Si Frederick nalang. Nag-eenjoy ako dito eh." Reklamo naman ni Brandon.

"Gago! Ikaw malilintikan ng mommy 'nun kapag gumawa 'yun ng katarantaduhan. Diba ang bilin sayo, laging bantayan si Lloyd kapag nalasing na?" Tugon ni Calex.

"Eh ba't niyo kasi nilasing?! Hindi pa nga nagsisimula ang party eh. Diba sabi ko mamaya nalang tayo mag-inom? Atat na atat kayong uminom eh!" Inis na sabi ni Brandon bago tumayo at sinundan si Lloyd sa banyo.

Naiwan sina Calex, Frederick at Kenjie sa kanilang upuan. Nandito sila ngayon sa birthday party ni Nikko and as expected, nasa gilid lang sila nakaupo at umiinom habang pinapanuod ang mga iba pang bisita na naliligo ng pool o 'di kaya naman ay dumadaan sa kanilang harapan.

Kanina pa bagot na bagot si Kenjie sa kanyang inuupuan. Paanong hindi mababagot eh pinilit lang naman siya ng mga kaibigan niyang sumama dito sa birthday party ni Nikko.

Ilang beses na siyang tumanggi na hindi siya sasama, ilang beses din siyang pinilit ng mga kaibigan niya hanggang sa napapayag nalang siya.

Kinuha ni Kenjie ang shot glass sa harap niya at nilagyan iyon. Kaagad niya itong ininom at kaagad niyang nalasahan ang pait ng likidong ininom niya.

Nakaramdam naman siya na maiihi na siya kaya agad siyang tumayo at sinundan sina Brandon sa banyo.

Habang naglalakad ay may nakabunggo siyang isang babae na nakaswimsuit. Nagkatinginan silang dalawa kaso kaagad na iniwas ng babae ang kaniyang tingin at kaagad na nagpatuloy sa paglalakad.

Doon lang napagtanto ni Kenjie na isa iyon sa mga kaibigan ng roommate niya. Hindi niya lang alam kung ano ang pangalan 'nun pero he's a hundred percent sure na isa iyon sa mga kaibigan ni Patrick.

'So kung nandito ang kaibigan ni Patrick, does that mean, nandito 'din si Patrick?' Sa isip ni Kenjie.

Kaagad niyang iwinaksi iyon at nagpatuloy sa paglalakad papuntang banyo. Nang makarating siya doon ay naabutan niya si Brandon na inaalalayan si Lloyd kasi sumusuka ito sa bathroom sink.

'Di niya pinansin ang dalawang kaibigan niya at kaagad na pumasok sa malaking cubicle sa gilid at umihi.

Nang matapos siya ay lumabas siya ng cubicle at naabutan niyang papalabas na ng banyo sila Brandon kaya sumabay na siya sa kanila at tumulong ding inalalayan si Lloyd.

"Dalhin natin siya sa loob ng sasakyan bro. Lasing na 'to eh." Sabi ni Brandon.

"Sige."

Hinatid nila si Lloyd sa loob ng sasakyan na ginamit nila papunta sa birthday party ni Nikko na nakapark sa labas ng mansyon. Nang makarating sila sa sasakyan, binuksan ni Brandon 'yung pinto sa likod ng passenger seat at doon nila inihiga si Lloyd. Pinaandar nila ang aircon para hindi mainitan si Lloyd at kaagad nila itong iniwan at bumalik sa loob.

Please Save MeWhere stories live. Discover now