Chapter 3

1.8K 98 6
                                    

PATRICK

"Aba syempre anak, papayag kami ng papa mo. Kung ikabubuti naman sayo, why not diba?" Sabi sa akin ni mama.

Nandito ako ngayon sa palengke at tinutulungan ko si mama sa pagtitinda ng paninda naming isda. Nasabi ko na kay papa yung tungkol sa paglipat namin ng school at payag naman siya kaya ito ako ngayon at tinatanong si mama.

"Pero paano po kayo ni papa? Wala pong tutulong sa inyo. Tapos matagal-tagal din na hindi ako makakauwi, mamimiss ko kayo."

"Ba't mo ba kami iniisip ng papa mo? Kaya namin 'to. Dapat nga hindi ka na namin pinapatulong sa mga gawain eh. Dapat nag-aaral ka ngayon. Chance mo na 'to Patrick kaya i-grab mo na. At tsaka whole school year lang naman iyon, hindi isang taon. So 10 months lang kayo doon. Tsaka pwede naman siguro kayong umuwi dito sa Pasko diba?"

"Okay lang po ba talaga kayo dito? Ayoko pong iwan kayo ni papa."

"Hay nako Patrick. Okay nga lang kami. Kaya ikaw, mag-impake ka na ng mga damit mo. Para naman 'to sa ikabubuti mo diba tsaka libre na yung tirahan niyo doon, yung pagkain niyo lang ang hindi. Tapos scholar ka pa o edi doble-doble na yung allowance mo buwan-buwan."

Napabuntong hininga nalang ako. Huhuhu. Mamimiss ko sila mama at papa. Waaah!

"'Di bale ma, magpapadala ako sa inyo ng pera kung may sobra ako."

"Ay nako anak, wag na. Tipirin mo yan para sa future mo."

"Ma naman. Gusto ko pa ring tumulong sa inyo kahit malayo ako."

"Tumutulong ka naman sa amin ah? Sa tuwing nag-aaral ka nang mabuti sa school, bayad ka na sa lahat ng paghihirap namin sayo ng papa mo. Kaya ikaw, mag-aral ka nang mabuti. Make us proud anak."

Napangiti naman ako sa sinabi ni mama kaya niyakap ko siya. Ang swerte ko talaga sa kanila ni papa.

Matapos yung pag-uusap namin ni mama ay umuwi na ako para makapag-impake ng mga gamit. Tinulungan naman ako ni papa sa pag-iimpake.

Kinabukasan, 8:30 ng umaga ay tapos na ako sa mga kakailanganin ko. Nakahanda na ang lahat-lahat. Wala akong maleta kaya dalawang bag nalang yung ginamit ko. Yung isa ay lagayan ng mga damit at iba pang mga personal na bagay, yung isa naman ay yung school bag ko.

"Handa na ba ang lahat anak?"

"Opo ma. Mamimiss ko kayo ni papa. Ingat kayo palagi dito ah?"

"Oo naman. At tsaka ikaw ang dapat mag-ingat doon. Mag-aral ng mabuti at huwag munang mag-boyfriend."

Namula naman ako sa sinabi ni mama. As if naman may magkakagusto sa akin diba?

"Wala pa po akong plano magboyfriend ma. Study first ako diba?"

"Dapat lang. Kung may manligaw man sayo, dapat dadaan muna sa amin ng mama mo." Sabi naman ni papa.

Natawa naman ako. Sigh. Ang protective nila sa akin. Kaya mahal na mahal ko sila eh.

"Sige ma, pa. Tatawag na lang ako sa inyo kapag nakarating na ako doon." Niyakap ko silang dalawa bago lumabas ng bahay.

Nakarating ako ng school 10 minutes before mag 9:00. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na kaagad sila Shane na nakatayo sa harap ng admission office at my suot na bag habang may maleta sa gilid nila.

Lumapit ako sa kanila at napansin kong wala pa sila Paul at Kalum.

"Good morning." Bati ko sa kanila nang makalapit ako.

Please Save MeWhere stories live. Discover now