Chapter 57

1.1K 90 31
                                    

PATRICK

"Good evening."

Bumukas ang pinto ng ospital kaya napalingon ako doon at nakita kong may pumasok. 'Di ko siya masyadong maaninag kasi blurry 'yung pangingin ko hanggang sa unti-unti itong luminaw.

Kaagad na nagsalubong ang kilay ko. Anong ginagawa niya dito?

"Kamusta?"

I did not answer his question. I remained silent. Kung ano man ang ginagawa niya dito, makakaalis na siya. 'Di ko kailangan ng bisita.

"I heard na nagising ka na raw kanina kaya pinuntahan kita kaagad dito."

Still, I remained silent.

"I have an offer for you. I heard na nasunog daw ang bahay niyo, so here is my offer. I'll buy you and your family a new house plus wala na kayong babayaran dito sa ospital in one condition, layuan mo ang apo ko."

Bigla kong naalala 'yung nakita ko sa park. The reason kung bakit ako humantong sa ganito. Biglang sumikip ang dibdib ko at kaagad na naramdaman ang mainit na likido na nagsisimulang tumulo sa mata ko.

"Ano ang gagawin ko?"

"It's for you to think about. Ikaw ang bahala. Basta all I want you to do is layuan mo ang apo ko, 'di ka nararapat para sa kanya."

"But I can't afford to lose him. Mahal niya ako at mahal ko siya."

"Hindi ka mahal ng apo ko. Si Danica ang mahal niya. Alam mo naman siguro na ikakasal na silang dalawa diba?"

"Arrange marriage."

"And so? Ano naman kung arrange marriage? They once become lovers so hindi malabong magkafeelings ulit sila sa isa't-isa. So why are you forcing yourself? Sabit ka lang naman, bakla ka pa. Isipin mo na lang na gagawin mo 'to para sa pamilya mo."

Napakuyom ang mga kamao ko.

"If I knew, ikaw ang dahilan ng pagkasunog ng bahay namin."

Natawa siya bigla. "And what made you think na ako ang dahilan ng pagkasunog ng bahay niyo? Ako na nga ang tumutulong diba?"

"I'm not dumb. You already threaten me to make my life a living hell. Dinamay mo pa ang pamilya kong nanahimik."

"Yeah whatever, matalino ka nga as they say. Anyway, kung magsusumbong ka sa pulis na ako ang dahilan ng pagkasunog ng bahay niyo, 'di lang 'yan ang aabutin ng pamilya mo."

"'Yan ba ang pinunta mo dito?"

"Yes. So ano na, deal?".

"Pag-iisipan ko muna."

"Sige. Pero dapat by tomorrow morning, nakapagdesisyon ka na." Sabi niya at umalis.

Naiwan akong mag-isa sa loob. Kaagad kong ipinikit ang mga mata ko. Nagsimulang magflashback sa akin ang lahat-lahat ng mga memories naming dalawa ni Kenjie.

Please Save MeWhere stories live. Discover now