Chapter 40

1.3K 85 15
                                    

PATRICK

Today is third week of September, 18, Wednesday, at nandito ako ngayon sa loob ng classroom at nagbibihis ng damit kasi katatapos lang ng PE acitivity namin.

Maingay dito sa loob. 'Yung iba ay nagpapaganda kasi nasira daw 'yung beauty nila. 'Yung iba naman ay nagpapabango kaya naman halo-halo na 'yung amoy ng putok at perfume dito sa loob. Sakit nga sa ilong eh! Meron ding nagpapahinga lang sa gilid.

So far, maganda naman ang naging takbo ng school year na 'to. Nakakaya ko namang ibalanse 'yung time ko sa pag-aaral at pagtuturo kay Kenjie. And by the way, matagal nang tumigil si Nikko sa pagtuturo sa akin maggitara kasi marunong na ako.

Naging busy masyado si Nikko this past few weeks dahil na rin panay ang practice nila sa soccer kasi may sasalihan na naman silang laro. Minsan na nga lang kami magkita kung 'di pa ako pupunta sa soccer field para panoorin silang magpractice. 'Di rin naman kami nagkakasalubong sa dorm kahit malapit lang 'yung nga room namin.

Pero naiintindihan ko naman. Masyado lang talaga siyang busy, pati na rin sa academics. 'Di ko nga alam kung paano niya iyon pinagsabay-sabay. Kung ako siguro 'yun, stress aabutin ko. But I support him. Sana maipanalo nila 'yung game nila next week.

As of Kenjie naman, kitang-kita ko ang pag-improve niya. Aba dapat lang para naman worth it 'yung tinuro ko sa kanya 'no!

Anyway, so ayon nga, kitang-kita ko ang pag-improve niya in academics. Did you know na siya ang pinakahighest sa exam nila sa Calculus? Out of 50, 35 ang score na nakuha niya, the rest are nasa 10-30 lang. 'Di man siya nakatungtong ng passing score, atleast nag-imrpove 'yung score niya at siya pa 'yung highest.

Every afternoon, after dismissal akong nagtuturo sa kanya. Ginawa na naming routine araw-araw na after dismissal, deretso kaagad pauwi sa dorm para makapagsimula na kaagad kami. Good thing at hindi siya busy sa basketball niya at hindi rin ako busy sa Math and Music Club kaya may time talaga akong turuan siya.

And by the way, hindi lang pala ang academics niya ang napansin kong nagbago at nag-improve, pati 'yung personality niya ay nagbago na talaga ng tuluyan. Hindi na niya ako inaaway o sinusungitan, hindi na rin niya ako inaasar dahil sa bakla ako. I think 'yung last na nangyari na may hindi kami pagkakaintindihan ay 'nung last month pa kung saan pinagalitan ko siya kaya nagalit din siya sa akin pero nagkabati naman kami kaagad.

I also observed kung paano siya naging sobrang protective towards sa akin na para akong isang nakababatang kapatid tapos siya ang older brother ko.

Simula 'nung sinabi niya sa akin that night na kapag lalabas ako ng dorm tuwing gabi ay magsasabi ako sa kanya palagi para masamahan niya ako or siya na mismo ang bibili kung may kailangan akong bilhin, he really did it.

Like one time ay gusto ko lang magpahangin sa labas kasi nastress ako bigla sa output ko, sinamahan niya talaga akong maglibot-libot sa campus in the middle of the night. He even treated me foods sa cafeteria kasi bukas pa 'yung cafeteria that night. He really is protective towards me and also a caring person.

And I think, tama talaga 'yung sinabi sa akin ni Sam at Alexa na kaya lang sinabi ni Kenjie na wala raw siyang nararamdaman sa akin is because Kenjie's afraid na masaktan. Kahit ako, convinced na convinced na ako na may gusto talaga si Kenjie sa akin. But he still remained silent. Ayaw niyang umamin sa akin but I can't force him.

As for me, I don't know, magulo ang isip at puso ko ngayon. 'Di ko na alam kung sino ba talaga ang tinitibok ng puso ko. Si Nikko ba talaga o si Kenjie na?

Please Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon