Chapter 32

1.3K 90 18
                                    

PATRICK

"Room 57, anyone?" Tanong ni Maam Minerva, one of our Professor in college.

Napatingin ako sa hawak kong papel. Nakasulat doon ang numerong 57 kaya naman kaagad kong itinaas ang kamay ko.

"Well then, Mr. Santiago. Kindly get your key here in front."

Pumunta ako sa harap at kinuha ang susi. Kaagad akong bumalik sa tabi ni Shane at hinintay na matapos madistribute ang mga susi sa room ng hotel.

"Each room will be occupied by 4 students. No more, no less. To make room for other students, as soon as you get the key, proceed to your respective room quietly. We don't want to disturb other guests in here."

"Mauuna na ako." Paalam ko kina Shane.

"Sure. Kita-kita nalang tayo mamayang hapunan."

Ngumiti ako sa kanila bago naglakad kasama ng mga estudyanteng nakakuha na rin ng susi para sa room nila.

"Hi. Room 57 ka diba?"

Napatingin ako sa lalaking bumati sa akin. Matangkad ito sa akin ng konti at nakangiting nakatingin sa akin.

Familiar ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita?

"A-ah oo. Room 57 ka rin ba?"

"Yup. Ito oh."

Ipinakita niya sa akin ang papel na hawak niya at may nakasulat din doon na Room 57. Nginitian ko kaagad siya.

"Tara. Hanapin natin kung saang room 'to."

Nagsimula akong maglakad at naramdaman ko naman siyang sumunod.

"Patrick, right?"

Tumango ako.

"Do you still remember me?"

"H-hindi eh. Hehe."

"I'm Jared Gonzales. Contestant no.3 sa Math Club, remember me? Sabay tayong nag take nun."

Wait! Oh my God! Siya nga! Kaya pala familiar 'yung mukha niya!

"Hala sorry! 'Di kaagad kita nakilala! Ikaw pala 'yung kasama ko na nakatake ng spot sa members ng Math Club. 'Di kasi kita palaging nakikita sa Math Club kaya 'di kaagad kita nakilala. Pasensya na talaga."

Nakita ko naman ang paglawak ng ngiti niya.

"Magkaiba kasi tayo ng schedule sa Math Club. Pero palagi kitang nakikita sa school kasama ng mga kaibigan mo."

"Kaya naman pala."

Sumakay kami ng elevator kasama ng mga ibang estudyante. Nang bumukas ang elevator sa second floor, kaagad kaming lumabas at nagsimulang hanapin ang room namin.

"Ito na pala. Room 57." Sabi ko kay Jared at kaagad na pinasok ang susi sa doorknob ng pinto.

Nang mabuksan ang pinto ay kaagad na bumukas ang ilaw. Tumambad sa amin ang dalawang malalaking kama, cabinet, TV, mesa, upuan at may ref pa.

Nauna akong pumasok at kaagad na naupo sa isa sa mga kama. Pagod na pagod ako sa byahe kaya gusto ko munang magpahinga. Tinanggal ko ang suot kong sapatos at medyas pagkatapos ay inilagay sa ilalim ng kama.

"Pwede ba akong tumabi sayo matulog?

Napatingin ako kay Jared at nakita ko siyang nakangiting nakatingin sa akin. Bigla naman akong nailang kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko.

"Oo naman. Malaki naman 'tong kama kaya kasya tayo ditong dalawa." Sagot ko bago pinaandar ang air-con.

"Thanks!"

Please Save MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora