Chapter 28

1.2K 82 7
                                    

PATRICK

"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Kenjie sa aming dalawa ni Jamaica habang kumakain.

"Oh yes kuya! Isa siya sa mga nakalaban ko 'nung nag-audition kami as members of the Math Club, diba Pat?"

Kuya?! Ba't kuya? Kapatid niya ba si Jamaica? Sa pagkaalala ko, si Ate Trisha lang ang kapatid ni Kenjie. Baka pinsan?

"Ah yes. Contestant no.6 siya 'nun tapos ako naman ay no.7 hehe." Sagot ko naman sabay subo ng kanin.

God! Ang sarap ng pagkain! 'Di naman siguro ako mukhang patay-gutom nito diba? 'Di niyo rin ako masisisi kung malakas ako kumain ngayon, gutom na gutom na ako eh.

"Akala ko nga nakalimutan mo na ako eh. Anyway, kamusta naman 'yung experience mo sa school namin?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"So far, okay naman. Marami nga lang projects and outputs na pinapagawa hehe."

"That's good to hear. Ganyan daw talaga ang college life, more on projects. Tapos meron pa daw reporting and pratical exa--- Oh my God!"

Nagulat kaming lahat nang bigla na lang sumigaw si Jamaica. Pati 'yung mga kasama namin na kumakain ay napatingin sa kanya.

"Bakit Jam? May problema ba?" Tanong ni Ate Trisha.

"Wala po ate. Nabigla lang hehe. Pasensya na po." Sabi niya pagkatapos ay tiningnan ako.

"I knew it! Umamin ka nga sa akin Pat, nililigawan ka ba ni Nikko?"

Nagulat naman ako sa tanong niya pero mas nagulat ako nang bigla nalang masamid si Kenjie sa iniinom niyang juice.

"Oh my God! Zach, are you alright?!" Tanong ni Ate Trisha sabay lapit kay Kenjie.

"Y-yes. I'm sorry, nasamid lang."

"Wait, kukuha muna ako ng pamunas."

Tumakbo kaagad si Ate Trisha papuntang kusina. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang pamunas at kaagad na pinunasan ang tubig na natapon sa mesa.

"Next time, be careful. Nakakahiya sa mga kasama natin." Sabi ni Ate Trisha pagkatapos niyang punasan ang mesa bago umalis pabalik ng kusina.

"So Pat, nililigawan ka ba ni Nikko?"

Napatingin ulit ako kay Jamaica na ngayon ay nakataas na ang kilay sa akin.

"H-hindi ah. Ba't niya naman ako liligawan eh magkaibigan lang naman kami." Pagdedepensa ko.

"Eh ano 'yan?" Tanong niya sabay turo sa kaliwang kamay ko kung saan nakasuot ang singsing.

"May ganyan din kasi si Nikko. Tapos sa kanya letter N, sayo naman letter P. Ano 'yan? Couple ring? Engagement ring?"

"F-friendship ring lang 'to." Sagot ko.

"Weh?"

"P-promise. Niregaluhan ko kasi siya ng friendship ring 'nung birthday niya kaya nasa kanya 'yung letter N, obviously tapos sa akin 'yung P."

"Sigh! Akala ko talaga may relasyon kayo ni Nikko eh. May chance pa pala ako char. Now if you don't mind, I'll excuse myself muna since iaannounce ko pa sa group chat namin itong magandang balita." Sabi niya at kaagad na umalis. 'Di man lang niya tinapos 'yung kinakain niya.

Pero teka, group chat? At tsaka iaannounce niya doon ang magandang balita? Anong magandang balita? 'Yung nalaman niyang wala kaming relasyon ni Nikko?

"In case na hindi ka makapasok dito, may iba ka pa bang sasalihan na club?" Tanong ko sa kanya.

Please Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon