Chapter 43

1.1K 75 6
                                    

THIRD PERSON

Flashback...

Biglang nagising si Nikko mula sa pagtulog habang habol-habol niya ang kanyang hininga. Pinagpapawisan siya kahit sobrang lakas na ng aircon sa loob.

Kasabay ng pagtulo ng pawis niya sa kanyang noo ay siya ring pagsakit ng kanyang ulo. Para itong binibiyak at sa tingin niya ay mababaliw siya sa sakit nito. Nasobrahan ata siya ng inom kaya ganun nalang kasakit 'yung ulo niya.

Napatingin siya sa kanyang katawan at nagulat siya nang makitang wala siyang kahit ni isang saplot. Napatingin siya sa sahig at doon niya nakita ang t-shirt, pantalon at brief niya.

Pinulot niya ito isa-isa kaso natumba siya dahil nakaramdam siya ng pagkahilo. Sumakit na naman 'yung ulo niya kaya napasandal siya sa kama at hinihilot ito nang paulit-ulit.

Pilit niyang inaalala kung anong nangyari, kung paano siya humantong sa ganito. Inilibot niya ang tingin sa buong room kaso walang ibang tao maliban sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bedside table para tingnan kung anong oras na ba. 10:00 palang ng gabi. Tumayo siya at sinuot ang kanyang brief, t-shirt, at pantalon.

Naisipan niyang lumabas ng hotel room niya at bumaba sakay ng elevator. May maliit na café sa ground floor ng hotel kaya pumasok siya doon at bumili ng kape para naman mahimasmasan siya.

Habang umiinom ay pilit niyang inaalala ang nangyari. Naipanalo nila ang first two games nila kaya nagcelebrate sila. Uminom sila nang uminom kaso after 'nun, wala na siyang naaalala pa.

Napahawak si Nikko sa kanyang ulo dahil sa sumakit na naman ito. 'Di niya alam kung bakit napunta siya sa ganoong sitwasyon. Kilala niya ang sarili niya at alam niyang kapag nalalasing siya, hindi siya naghuhubad matulog.

'Pero bakit ganun? At tsaka sino ang nagdala sa akin pabalik ng room ko?' Takang tanong niya sa sarili.

Naisipan niyang tawagan si Patrick kasi namimiss niya na ito. Alam niya sa sarili niya na hindi siya straight. Alam niyang matagal nang binihag ni Patrick ang puso niya. Simula pa lang 'nung una silang magkita sa isang Math competition na sinalihan nilang dalawa, alam niya nang si Patrick ang gusto niyang makasama habang-buhay.

Cliché man pakinggan pero isa siya sa mga taong nalove at first sight. Gusto niyang i-stalk si Patrick sa mga social media accounts niya noon after ng pagkikita nila noon sa competition kaso wala pa itong Instagram, Twitter, or kahit Facebook man lang.

Nagkataon pa na nahack 'yung Facebook account niya ng isang admirer niya at pinalabas na kasal na raw siya sa babaeng naghack ng Facebook account niya makes it more traumatizing to him since it literally created issues. Kaya since then, he leave Facebook for good.

Wala siyang balita kay Patrick for almost 4 years until June 01, Saturday, 2 days before nagstart ang class, he was already in his dormitory nang pinapunta siya ni Mr. Denova sa office nito.

He was told na may bagong batch daw ng freshman which is the students from "Special Program" ang idadagdag sa list ng mga official freshman ng school and it was his job to sort their names on their respective dormitory room.

He read all the names of the students and started putting them sa mga dorm na isang student lang ang gumagamit.

Wala siyang kaalam-alam na 'yung Patrick na inilagay niya same sa room ni Kenjie ay 'yung Patrick pala na matagal niya nang gustong makita muli. He only knows Patrick by his name, at wala siyang kaalam-alam sa apilyedo nito. Ni hindi nga niya alam na may second name pala ito.

Please Save MeWhere stories live. Discover now