Chapter 14

1.3K 85 5
                                    

PATRICK

Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Pagtingin ko sa cellphone ko ay 8:30 na pala ng umaga. Sunday ngayon kaya wala akong dapat ipag-alala kung tanghali na ako magising.

Napatingin ako sa kabilang kama kaso wala na doon si Kenjie. Asan kaya 'yun? Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kagabi. Ba't kaya siya umiiyak? Sana naman okay lang siya.

Oo galit ako sa kanya dahil ininsulto niya ako sa harap ng mga kaibigan niya pero bigla akong nakaramdam ng awa kagabi nung makita ko siyang umiiyak. Gusto ko siyang yakapin at i comfort kaso 'di ko naman iyon magagawa kasi pinaalis nga niya ako kagabi. Sigh.

Kumalam naman yung sikmura ko kaya naisipan kong magluto. Nagluto lang ako ng scrambled egg at nilagyan iyon ng kamatis. Ininit ko rin yung kanin kagabi para naman masarap.

Sakto namang naluto na yung itlog ay siya namang rinig ko ng pagbukas ng pinto. Nakita kong pumasok si Kenjie kaya naman aayain ko siyang kumain ng agahan baka kasi 'di pa siya nakakakain.

Alam kong galit dapat ako sa kanya ngayon pero 'di ko talaga siya matitiis eh. Roommate ko pa naman siya tapos 'di ko siya pinapansin. 'Di naman ako ganung tao eh, nagtatampo lang siguro ako sa kanya.

Pero nung makita ko siyang umiiyak kagabi, automatic na nawala yung galit ko sa kanya. Sana maging close na kami. Awkward kasi masyado yung atmosphere sa tuwing nagkakasama kami sa isang lugar.

Nakita ko siyang humiga sa kanyang kama. Sigh. I wonder kung nakakain na siya. Siguro bumili na siya sa labas or nag-order online. Pero kahit na no. Dapat tanungin ko muna siya kung nakakain na ba siya kasi magmumukha akong rude kung kakain lang ako nang hindi man lang siya tinatanong.

Lumapit ako sa kanya. Automatic naman na kumunot yung noo niya nang makalapit ako.

"What do you want?" Cold niyang tanong sa akin sabay binalik niya ang tingin sa cellphone na hawak niya.

"Nakakain ka na? Sabay na tayo. Nagluto ako ng scambled egg. Kumakain ka naman nun diba? Pero this time, may kamatis nga lang hehe." Sabi ko at napakamot nalang sa batok.

'Di man lang niya ako sinagot. Ni tapunan ng tingin ay hindi niya ginawa. Nakatuon pa rin yung tingin niya sa kanyang cellphone.

"Uhm kung nagugutom ka, kumain ka lang. Titirhan kita ng ulam at kanin. Sige kain na ako."

Bumalik ako sa dining area at nagsimulang kumain. Madali lang naman akong natapos kaya kaagad kong hinugasan yung pinagkainan ko.

Nagpahinga lang ako ng konti bago ko napagpasyahang maligo. Pupunta kasi kami ngayon nila Sam sa laundry area para labhan yung mga damit namin. May mga washing machine naman doon kaya 'di na kami mahihirapan. Kailangan lang namin magdala ng pera kasi 'di libre yung paglalaba namin doon.

Nang matapos akong maligo ay nilagay ko sa malaking lalagyan yung mga damit ko. Sinali ko rin yung kumot at lahat ng mga punda ng unan ko.

Nang matanggal ko na lahat ng mga punda ay pinalitan ko iyon ng bago. May extra kasi na available kaya naman iyon ang ginamit kung pampalit. Nang matapos na ay kinuha ko na yung lagayan ng mga damit na lalabhan ko.

"Where are you going?"

Napalingon ako kay Kenjie nang bigla siyang magsalita.

Please Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon