Chapter 10

1.4K 95 16
                                    

PATRICK

Halos kalahating minuto din kaming natapos ni Kalum sa pag-aarange nung mga binili ko sa freezer nila. Natagalan kami kasi hindi nagkasya lahat sa freezer kaya naman hinanapan pa namin iyon ng paraan. Buti naman at nakahanap kami ng way kaya naman naipagkasya namin iyon lahat.

Nagpasalamat naman ako kay Kalum at bumalik na sa loob ng room ko. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Kenjie na nanunuod na uli ng TV. 'Di man lang niya ako tinapunan ng tingin at nanatili pa rin itong nakatingin sa TV.

Isinara ko yung pinto at pumasok. Pumunta ako sa dining table at nagulat ako nang makitang dalawang piraso nalang ng manok ang naiwan sa mesa. Ganun kadami yung nakain niya? Iniwan ko 'to kanina, nasa sampu pa 'to eh. Ang lakas din pala kumain ni Kenjie. Akala ko ba ayaw niya ng cheap foods? 'Di bale na nga lang. At least tinirhan niya ako ng ulam para bukas.

Kinuha ko yung cellphone ko at nahiga na sa kama. Nag-open ako ng messenger ko at kaagad na nagpop up yung message sa akin ni Sam.

"Search mo @gerardmoñier07 sa instagram. Official account niya 'yan bilis!"

Instagram? 'Di naman ako marunong gumamit nun. At tsaka wala akong instagram kasi full na yung memory ng phone ko huhuhu. Wala nga akong account dun eh.

"Paano ba 'yan gamitin?" Reply ko sa kanya pabalik.

"Madali lang 'yan! Mas madali pa nga yang gamitin keysa sa facebook!"

"Full na memory ko hehe. ^_^v"

"Delete mo yung zombie tsunami mo!"

Waaah! Zombie tsunami talaga? Pou na nga lang at zombie tsunami yung games ko dito sa phone, idedelete ko pa. Huhuhu.

Naghanap ako ng pwede kong idelete kaso lahat ay napakaimportante kasi magagamit ko ito later sa school. No choice ako kundi idelete yung zombie tsunami ko para sa instagram. Huhuhu.

Nang madelete ko yung zombie tsunami ay triny kong magdownload sa Google Play Store ang Instagram. Nagdownload naman ito and currently, 5% na out of 100.

Nang madownload ko na ay binuksan ko ito at kaagad akong pinalog-in. May nakalagay naman na connect to facebook kaya yun yung pinili ko and then tada! Meron na akong account, then need nalang ng password and username.

Ano ba ang magandang pang username? Paano kaya kung @nikkobaby char. Ang landi ko pala hihihi. Halata naman yun masyado no. Ang nilagay ko na lang ay @patrickdarwin17 at nilagyan ko na kaagad ng password and then tada! Tapos na!

Sinearch ko kaagad yung account na sinasabi ni Sam. Pagsearch ko ay automatic namang lumabas yung account niya tapos verified pa. Nalula ako nang makita ko ang followers niya. 1.7M waaah! Sikat pala yung crush ko huhuhu tapos 'di ko man lang alam. Ang dami kong kaagaw help!

Finollow ko naman kaagad yung account niya hihihi. Nagtingin-tingin lang ako doon. Mostly ay mga pictures niya iyon related sa soccer and Math competitions. May picture siya habang naglalaro ng soccer, meron din yung time na nanalo sila ng team niya or picture nung may napanalunan siya sa isang Math competition. May selfies, meron ding group tapos meron din namang siyang mga picture kasama yung family at kaibigan niya sa mga iba't-ibang lugar gaya ng Singapore, Italy, Japan, Rome, Korea, USA, and UK. Sana all.

Marami siyang mga pictures at mga videos doon kaya naman enjoy na enjoy ako sa kakastalk. 'Di ko namalayan na 10 na pala ng gabi kaya naman tumigil na ako. Nagpray muna ako bago matulog.

~~~

Nagising ako kinabukasan dahil kumakalam na yung sikmura ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa gilid at tinignan kung anong oras na. 9:00 na pala ng umaga. Sigh. Kapag talaga late na ako matulog, tanghali na ako magigising. Buti nalang talaga at wala ako sa bahay kasi kung andun ako, hinampas na ako ng sandok ni mama.

Please Save MeWhere stories live. Discover now