Chapter 19

1.3K 83 9
                                    

PATRICK

Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang makaramdam ako ng gutom. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at kinuha ang cellphone ko sa tabi upang tingnan kung anong oras na ba. 7:30 palang ng umaga.

Sigh. Kaya pala nakaramdam ako ng gutom kasi 'di ako nakapaghapunan kagabi. Siguro dahil sa pagod ay tuluyan na akong nakatulog kahapon matapos kung asikasuhin si Kenjie.

'Di rin pala ako nakapaghalf-bath man lang. Ang lagkit ko shems!

Napatingin ako kay Kenjie na mahimbing na natutulog. I wonder kung may lagnat pa rin siya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa kanya.

Nilapat ko 'yung kamay ko sa noo niya. Thank God at 'di na siya gaanong mainit. Gumalaw naman siya ng konti pero kaagad 'ding bumalik sa pagtulog.

Umalis na ako doon at bumalik sa kama para kumuha ng damit at tuwalya. Maliligo muna ako bago ako magluluto.

Nang makuha ko na ang mga kakailanganin ko, pumasok na ako sa banyo at naligo. Habang naliligo ay biglang pumasok sa isip ko ang birthday party mamaya ni Nikko.

Uwaah! Excited na ako! First time kung pumunta sa birthday ni Nikko at 'di na kaagad ako mapakali. Ewan ko ba pero excited na akong ibigay 'yung regalo na binili ko kahapon. Sana magustuhan niya 'yun. I wonder kung susuutin niya din iyon.

Nang matapos akong maligo, lumabas na ako ng banyo at nagsimulang magluto. Pancit lang 'yung niluto ko. Madali lang naman iyon lutuin. Bandang 8:15 ng umaga, tapos na lahat. Luto na rin 'yung kanin kaya nagsimula na akong kumain.

Habang kumakain ay napatingin ako kay Kenjie nang gumalaw ito. Iminulat niya 'yung mga mata niya at kaagad na bumangon mula sa pagkakahiga.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin pero kaagad din siyang nag-iwas ng tingin.

"I feel better." Sagot niya bago tumayo at naglakad papasok ng banyo.

Natapos akong kumain at kaagad kong hinugasan 'yung pinagkainan ko. Nang matapos ay bumalik ako sa kama ko at naabutan ko si Kenjie na nanunuod ng TV.

"Kumain ka na. Nagluto ako ng pancit." Sabi ko sa kanya bago ako lumabas ng dorm.

Gusto kong maglibot-libot ng campus ngayon. More than 1 month na kami dito pero 'di ko parin kabisado ang mga pasikot-sikot ng paaralang ito. Aside from that, feel ko lang talaga magpahangin ngayong araw kaya lalabas muna ako.

'Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatayo sa isang mini park sa labas ng campus. 'Di naman mainit pero wala ring sign na uulan.

Today is Sunday at dapat magsisimba ako ngayon kasama nina mama at papa. Kaso ang layo ko sa kanila eh. 'Di bale, sa susunod, aayain ko sila Samantha. I wonder kung malayo dito 'yung simbahan.

Maraming mga bata ang naglalaro ngayon dito sa park. Mostly, mga nasa 6-10 years old at naglalaro ng tumbang preso, patintero, chinese garter at iba pa. Aliw na aliw ako sa panunuod kasi ganito 'din ako nung bata palang ako. Brings back memories ika nga nila.

"So you're telling me na we should not submit the requirements until the deadline?!"

"Oh please Amanda! Pwede ba kahit ngayon lang, let's take a break?! 'Wag muna nating isipin 'yang trabaho na 'yan kasi ako 'yung naiistress diyan!"

Please Save MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz