Chapter 54

1.1K 83 11
                                    

THIRD PERSON

Today is Sunday. Nakangiting pumasok si Kenjie sa room kung saan nakaconfine si Patrick. May dala-dala siyang mga bagong bili na prutas. Nakita niyang nanunuod lang ng TV si Patrick pagkapasok niya sa loob.

"Hi, dinalhan kita ng mga prutas." Sabi niya rito bago kinuha ang mga prutas na binili niya sa loob ng plastic at inilipat sa basket na nasa mesa.

"Mag-isa ka lang dito? Asan si tita?" Tanong niya kay Patrick.

No response.

Napabuntong hininga siya at naupo nalang sa upuan.

It's been 4 days simula nang magising si Patrick. They already asked the doctor kung bakit 'di naaalala ni Patrick si Kenjie, and the doctor said that it is very common sapagkat malakas ang pagkakabagok ng ulo ni Patrick sa semento. Usually, amnesia is just temporary but in some cases, amnesia might be permanent.

At 'yun ang ayaw ni Kenjie na mangyari. He is hoping that one day, maaalala na siya ni Patrick. He is hoping that one day, bumalik na sa dati ang lahat.

He keeps reminding himself na to be patient and to never lose hope kahit pinagtatabuyan na siya palayo ni Patrick.

"Tiis-tiis lang muna, maaalala ka rin ni Patrick." He whispers to himself.

Napatingin si Kenjie sa kanyang relo at nakita niyang 11:20 na pala ng umaga. Naalala niya ang sabi ng doctor na dapat ang lunch ni Patrick must be 11:30 kasi may iinumin pa itong gamot.

Dali-dali naman siyang tumayo at inihanda ang kakainin ni Patrick. Nag-init siya ng tubig at inihanda ang noodles na kakainin nito. Nang maluto niya na iyon, lumapit siya kay Patrick dala-dala ang mainit na noodles sa loob ng bowl.

"Kain ka muna, para naman makainom ka na ng gamot."

"'Di ako nagugutom." Sagot nito habang nakatingin pa rin sa TV.

"Kahit na. Kahit kaunti lang para naman magkalaman ang tiyan mo at para na rin makainom ka ng gamot. Susubuan na lang kita." Sabi niya at kinuha ang upuan sa gilid at naupo sa tabi ng kama ni Patrick.

"Umalis ka na please."

"I told you, 'di mo ako basta-basta mapapaalis. 'Di ako titigil hangga't 'di mo ako naaalala."

Napabuntong hininga naman si Patrick.

"Why are you so determined na alagaan ako? Kahit anong gawin kong pagtataboy sayo, bakit bumabalik ka pa rin dito?"

"Kasi mahal kita. At natatakot akong mapalayo sayo Pat. Iniisip ko pa lang na uuwi na kayo sa inyo sa Friday, napanghihinaan na kaagad ako ng loob. 'Di ko kayang mapalayo sayo Pat. Ikaw 'yung tao na naging dahilan kung bakit ako naging ganito ngayon. I know this sounds very cliché pero 'yun ang totoo Pat. You bring back the old me, but much stronger and better."

Nagsimulang tumulo ang luha ni Kenjie. He just can't help but to feel emotional.

Kaagad niya rin naman iyong pinunasan at ngumiti kay Patrick.

"Kain ka na, paiinumin pa kita ng gamot."

"Kaya kong kumain mag-isa." Bumangon si Patrick mula sa pagkakahiga at kinuha nito ang bowl at kutsara mula kay Kenjie.

Please Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon