Chapter 29

1.3K 88 12
                                    

THIRD PERSON

Paglabas ni Kenjie galing sa banyo ay nakita niyang tulog na tulog na si Patrick. Siguro dahil sa pagod ay kaagad itong nakatulog.

Naglakad siya papalapit sa kama habang pinapatuyo ang basa niyang buhok gamit ang tuwalya na nasa ulo niya. Nang matuyo na ay sinampay niya 'yung tuwalya at naupo sa kama.

Tiningnan niya si Patrick na ngayon ay nakanganga habang natutulog. Ngayon niya lang ito natitigan ng malapitan. Ang peaceful ng awra nito habang natutulog. 'Di niya alam kung bakit bigla na lang siyang napangiti kaya naman kaagad niyang iniwas ang tingin niya rito.

Hihiga na sana siya sa kama nang bigla na lang tumunog ang cellphone ni Patrick. Kumunot kaagad ang noo niya nang marinig iyon kaya naman tumayo siya mula sa kama at pinuntahan ang cellphone ni Patrick na ngayon ay nakapatong sa bedside table sa side ni Patrick.

Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita kung sino ang tumatawag doon. 'Di niya alam kung bakit pero bigla na lang siyang nakaramdam ng inis.

Nikko Gerard calling...

Wala siyang balak sagutin iyon. Napatingin naman siya kay Patrick at tulog na tulog talaga ito kaya malamang sa malamang, 'di iyon magigising sa simpleng tawag lang na nanggagaling sa cellphone nito.

Iniwan niya iyon doon at hinayaan na lang na tumunog hanggang sa namatay. Bumalik siya sa pagkakahiga sa kama at humiga na. Ipipikit niya na sana 'yung mata niya nang tumunog ulit 'yung cellphone ni Patrick. Sa inis niya ay bumangon siya at sinagot 'yung tawag.

"Hi Pat! How are you?"

"What do you want?" Seryosong tanong niya kay Nikko.

"Sino 'to? Kenjie? Ikaw ba 'yan?"

"I said what do you want?"

"Mangangamusta lang sana ako kay Patrick. Pwede mo bang ibigay 'yung cellphone niya sa kanya?"

"He's comfortably sleeping beside me. Napagod ko kasi. Alam mo na, we did that thing." In Kenjie's mind, he had this smirk in his face.

"Ano?! Gago ka ah?! Asan kayong dalawa ngayon?! Andyan ba kayo sa dorm?!" Bakas na sa boses ni Nikko na nag-aalala ito kaya naman nagsimulang gumuhit ang munting ngiti sa labi ni Kenjie.

"Motel I guess? Ibababa ko na 'to, napagod rin kasi ako. 'Wag kang istorbo."

Hindi na nakasagot si Nikko kasi kaagad na pinutol ni Kenjie ang tawag. Inis niyang tiningnan si Patrick na ngayon ay nakatalikod na sa kanya habang mahimbing na natutulog.

"So nangangamusta pala 'yung lalaking 'yun sayo gabi-gabi? As if naman maagaw ka niya mula sa akin." Sabi niya rito kahit alam niyang 'di iyon maririnig ni Patrick.

Babalik na sana siya sa kama nang tumunog ulit ang cellphone ni Patrick. Si Nikko ulit iyon kaya naman sa inis ni Kenjie ay pinatay niya 'yung cellphone at kaagad na humiga sa tabi ni Patrick.

Tiningnan niya si Patrick na ngayon ay nakaharap sa kanya. Doon niya lang natitigan ang makakapal na kilay nito, matangos na ilong at ang labi nitong parang may hipnotismo na nanghihila papalapit sa kanya.

Bago pa man siya may magawang mali, iniwas niya na kaagad ang tingin niya mula rito at tumalikod. Ipinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa makatulog siya.

Nagising siya kinabukasan bandang 9:30 na ng umaga. Kumunot ang noo niya nang makitang wala na sa tabi niya si Patrick. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at naglakad papuntang banyo kasi naiihi na siya.

Please Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon