Chapter 26

1.3K 81 34
                                    

PATRICK

"Okay na ba 'to?" Tanong ko kay Kenjie habang nakaupo sa stool kasi nakakapagod nang maglakad pabalik-balik sa loob ng fitting room.

Nandito lang naman kaming dalawa sa loob ng isang botique at kasalukuyan kaming naghahanap... ay hindi pala, si Kenjie lang 'yung naghahanap ng masusuot ko raw para sa blind date nila.

Guess what? Lahat ng uniform ng waiter na available dito, halos masuot ko na pero itong si Kenjie, reject nang reject. Eh ano ba ang gusto niyang suotin ko?

Tiningnan ko naman siya at nakita ko siyang sinusuri ako ng tingin. Bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

"That's okay."

Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Sigh! Salamat naman at tapos na. Halos isang oras na kaya kami dito. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas.

Bumalik ako sa fitting room at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay binigay ko ito sa saleslady na nagbabantay doon. Agad niya naman iyong kinuha at binalik sa plastic na lagayan nito at kumuha ng shopping bag na may logo ng kanilang store at nilagay ito doon.

Matapos mabayaran ni Kenjie 'yung damit ay lumabas na kami doon. Kasaluluyan kaming naglalakad sa parking lot sa labas ng mall. Madilim-dilim na and time check, 6:05 na ng gabi.

Habang tinatahak namin ang daan pauwi, bigla kong naalala 'yung naging usapan ni Kenjie at 'nung lalaki sa cellphone kanina. Halos mamutla ako nang maalala ko kung paano utusan ni Kenjie 'yung lalaki na ipapatay 'yung nambugbog sa kanya at ipatapon sa ilog pagkatapos.

Uwaaah! Kung mamatay man ako ngayon din, sana naman 'yung mala teleserye diba? 'Yung tipong nakahiga na ako sa kabaong tapos biglang dadating si Nikko tapos aamin siya na mahal niya rin ako then hahalikan niya ako. In that way, kahit namatay na ako, masaya naman akong pupunta sa langit charot!

"What's with that face?"

Napatingin ako kay Kenjie nang magtanong siya. Nakatingin pa rin ito sa harap kasi nagfofocus ito sa pagmamaneho.

"Papatayin mo rin ba ako?"

'Di ko alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Kasi naman eh! Kinakabahan kaya ako huhuhu.

"Bakit, gusto mong patayin kita dito ngayon din?"

Uwaaah! Ayoko po! Huhuhu.

"'W-wag po." Sabi ko. Naramdaman ko naman ang mainit na likido na tumutulo mula sa mata ko. Naiyak pa ako.

"Hoy, 'di ka naman mabiro. Kahit kailan, 'di ako papatay ng tao no kaya 'wag ka nang umiyak. Pangit ka na nga, mas pumangit ka pa."

So hindi totoo 'yun? Waaaah! Eh ano 'yung tawag kanina? Naguguluhan ako huhuhu.

"Gawa-gawa lang 'yun okay para mapapayag kang sumama sa akin. Walang taong ipapatay at walang taong itatapon sa ilog kaya 'wag kang praning. Acting lang 'yung kanina. 'Di ko naman aakalain na paniwalang-paniwala ka 'dun."

Uwaaah! Thank God at hindi pa ako mamatay! Huhuhu. Pwede pa kaming magpapakasal ni Nikko hihihi.

Landi ko talaga. Pahampas nga ako ng sandok ni mama sa mukha.

Please Save MeWhere stories live. Discover now