Chapter 53

1.1K 74 10
                                    

THIRD PERSON

Tahimik ang loob ng hospital room kung saan naka confine si Patrick. Tanging pag-iyak lang ng mama niya ang maririnig. Sa tabi naman nito ay ang papa niya na kinocomfort ang mama niya.

Nanunuod lang ang mga kaibigan ni Patrick sa gilid. Kasama na doon si Kenjie na nakayuko lang katabi ang kanyang magulang.

"Lalabas muna ako." Paalam ni Alexa at lumabas.

"Sundan mo." Bulong ni Sam kay Paul.

"Sige."

Sinundan ni Paul si Alexa na ngayon ay naglalakad palabas.

"Hey." Pagtawag niya sa kanyang kaibigan.

"Pabayaan mo muna ako. Gusto ko lang muna mapag-isa." Sagot nito sa kanya.

Nagdadalawang isip siya kung susundan pa ba niya si Alexa. Pero baka kung ano pang mangyari rito, mas pinili niyang sundan pa rin ang kaibigan.

Nakita niyang lumiko papuntang mini park ng ospital si Alexa. Kaagad niya rin naman itong sinundan.

Naupo si Alexa sa bench at napahagulgol. She can't afford to see her friend laying in bed unconsciously. Sa kanilang lima, siya ang pinakamalapit kay Patrick. Siya ang naging unang kaibigan nito before pa nakilala ni Patrick sila Sam, Shane, Kalum, at Paul. She knows Patrick so well, mabait, matulungin, matalino, maintidihin, maalalahanin, masipag, lahat ng mga magagandang katangian, nasa kay Patrick lahat.

And it just breaks her heart seeing her friend like that. She never expected na ganun ang aabutin ng kaibigan niya when in fact, 'di naman nito deserve ang nangyari. She keeps asking herself since yesterday kung bakit sa dami-dami ng taong maaaksidente, bakit ang kaibigan niya pa?

"Napakawalang kwenta kong kaibigan. Hindi ko man lang nabantayan si Patrick gaya ng bilin sa akin ng mga magulang niya."

The day before their arrival here, binilinan siya ng parents ni Patrick na bantayan nito ang kaibigan. Dahil nga siya ang pinakamalapit kay Patrick, sa kanya
tumawag ang mga magulang nito.

And she blames herself kasi 'di man lang niya nasunod ang bilin ng magulang ni Patrick sa kanya.

"Don't say that. Wala namang sinisisi sa nangyari. It was an accident, okay?"

Tiningnan niya ng masama si Paul.

"Pwede ba, layuan mo muna ako?! Gusto ko munang mapag-isa!"

"Kahit ipagtabuyan mo pa ako, 'di ako aalis dito. Umiyak ka lang diyan, 'di kita papakialaman."

Umupo si Paul sa bermuda at tumingin sa kalangitan. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ngayon ni Alexa. Maski siya, 'di niya rin aakalain na mangyayari iyon kay Patrick.

Aksidente nga naman, walang pinipiling oras at tao.

~~~

20 minutes, before mag 3:00 ng hapon, naisipan ni Paul na bumalik na sa loob ng ospital. Halos tatlong oras na silang dalawa ni Alexa na nasa mini park at tahimik lang.

Tiningnan niya si Alexa na ngayon ay nakatulala lang sa kawalan. Napabuntong hininga siya bago nagsalita.

"Babalik na ako sa loob. Dito ka lang ba?"

No response.

"Babalikan na lang kita dito." Sabi niya at umalis.

Nang makaalis si Paul, tumulo na naman ang luha sa mga mata ni Alexa. Kaagad niya itong pinunasan at tumingala sa kalangitan.

"Uulan pa yata." Wala sa sariling sabi niya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bench at naisipang pumasok na rin ng ospital.

Please Save Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن