Chapter 25

1.4K 82 8
                                    

PATRICK

Bagong araw na naman and as usual, maaga akong nagising kasi marami pa akong gagawin bago pumasok. Pagkabangon ko sa aking kama ay una kong tiningnan ang higaan ni Kenjie ngunit laking dismaya ko nang makita kong wala siya doon.

Umuwi kaya siya kagabi? Maaga kasi akong natulog kagabi kaya 'di ko alam kung umuwi ba siya o hindi.

Bigla ko tuloy naalala 'yung nangyari. Ba't ko ba kasi nilihim? Alam ko naman na ayaw ni Kenjie kay Nikko pero dinadalhan ko pa rin si Nikko ng lunch araw-araw.

Ang kapal talaga ng mukha mo Patrick no? Dinalhan mo pa ng pagkain si Nikko tapos 'di mo naman pera 'yung ginamit pambili.

'Di bale na nga lang, papalitan ko na lang si Kenjie sa lahat ng mga gastos. Sigh! Kung bakit ba naman kasi parang ang laki ng galit 'nun kay Nikko eh ang bait-bait kaya 'nung tao. Sa kanilang dalawa, siya yata 'yung demonyo 'yung ugali eh.

Inayos ko 'yung higaan ko bago kumuha ng damit. Pagkatapos ay dumeretso na ako sa banyo para maligo.

Madali lang akong natapos at kaagad na nagsimulang magsaing ng kanin sa rice cooker. Ininit ko lang 'yung pancit kagabi kasi marami pa ang natira.

Nang matapos maluto ay nagsimula na akong kumain then nagsipilyo at hinugasan ang pinagkainan ko.

By 7:30, tapos na ako sa morning routine ko kaya naman lumabas na ako ng dorm at inilock iyon.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang classroom. Sinadya kong dumaan sa soccer field pero walang mga naglalaro doon. Siguro nagreready na sina Nikko sa kanilang pag-alis.

Today is the day na pupunta sina Nikko ng Singapore para magcompete sa isang Soccer League Championship. Nakapag-good luck na ako kay Nikko kagabi pa through chat kasi 'di ko naman 'yun magagawa sa kanya ngayong araw kasi aalis sila ng 11:00 in the morning at alam kung nasa loob ako ng classroom 'nun at nakikinig ng lesson sa professor namin. Mamimiss ko siya huhuhu.

Nakarating ako ng classroom at marami-marami na ang mga taong naroroon. 'Yung iba ay may kanya-kanyang mga ginagawa at 'yung iba naman ay nagkokopyahan ng assignment.

Inilagay ko ang bag ko sa upuan at nilapitan si Sam na ngayon ay nagcecellphone sa kanyang upuan. Umupo ako sa gilid niya kasi vacant iyon at napabuntong hininga.

"Ang aga-aga Patrick tapos ganyan ka. Ang laki naman 'yata niyang problema mo?" Sabi niya, still nakatuon ang tingin niya sa kanyang cellphone.

"Bawal na bang bumuntong hininga? OA ka din eh." Sabi ko naman.

"Sus! Ang hilig mong magsinungaling no? Sampalin kita diyan eh char. Anyway, balita ko, ngayon daw ang alis nila Nikko papuntang Singapore. Totoo ba?"

Tumango ako. "Mamimiss ko nga siya eh."

Bigla niya naman akong binatukan na ikinagulat ko.

"Aray! Para saan 'yun?"

"Alam mo, ang dali mo lang talaga hulihin no? Now I know kung bakit para kang problemado, kasi mawawala si Nikko at pupunta ito ng Singapore. 2 weeks lang 'yun! Kung maka-emote ka, kala mo talaga mawawala ito ng isang taon. OA mo!"

"Tch. 'Di lang naman 'yun ang prinoproblema ko." Bulong ko ngunit narinig niya pala iyon.

"Bakit, ano ba ang prinoproblema mo? Wala ka nang malalandi simula ngayong araw?"

Please Save MeWhere stories live. Discover now